Xyrex' POV
"Anak...5th monthsary nyo na ngayon ni Alex noh?" tanong ni mama sakin habang nakain ng tanghalian
"Opo..." simple kong sagot
"Yayain mo siya mamayang hapunan dito ha, magluluto ako..." sabi ni mama kaya napalunok ako bigla
"Ma bakit?"
"Para manlang i-celebrate nyo kasama kami..."
"Sige...sasabihin ko" ang tipid kong sagot saka tumayo at nilagay yung pinagkainan sa lababo.
"Anak..." ang paghawak ni mama sa kamay ko
"Sa amin...ayos lang na umalis ka kasi andyan pa naman si Yexel...Kaya mo bang iwan si Alex dito?" seryosong tanong sakin ni mama
"Kakayanin..." sabi ko
"Kakayanin mo nga...kaya ba niyang wala ka?" tanong sakin ni mama at napatahimik ako bigla
"Ma...andyan naman kayo diba? Andyan din naman ang buong tropa...Alam ko namang di nyo sya papabayaan..." sabi ko ng walang tinginan
"Syempre...di na naman siya iba sa atin e! Pero syempre...dadating rin yung time na hahanapin niya yung presence mo..."
"Ma...ako rin naman e! Hahanapin ko rin yung presence niya...Sinanay kasi namin ang isa't isa na magkasama lagi kaya kapag umalis ang isa, sobra kaming masasaktan..."
"Nasabi mo na ba sa kanya anak?"
"Hindi pa po..." sagot ko
"Hayyyss...ikaw na ang bahala dyan ha! Basta mamaya, imbitahin mo siya dito..." sabi ni mama at umakyat na ako sa kwarto ko
*Kwarto*
Hanggang ngayon, di ko parin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat...
Kasi feeling ko, once na sinabi kong aalis na ako...
Baka matapos na ang lahat...
"Babe..." ang pagtawag ko sa kanya sa phone
"Po?" ang boses niya na parang inaantok
"Happy Monthsary..." bati ko habang nakangiti na imposible namang makita niya
"Happy monthsary!!! hahaha..."
"Susunduin kita dyan mamaya ha! Dito ka samin maghapunan sabi ni mama..."
"Okay po...love you babe..."
BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Roman pour AdolescentsMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...
![Favorite Song:Part 1[KathNiel]](https://img.wattpad.com/cover/72002726-64-k782889.jpg)