(34)Mc Do vs. Jollibee

45 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


~Xyrex~

Kanina pang uwian at kanina parin akong naghihintay dito.Si Alex kasi ay may ginagawa sa Student Council room,secretary nga kasi.

Andito ako ngayon sa corridor dun sa tapat ng room nila.Andito pa 'yong bag nya e.

For sure akong dadaan muna sya dito, pero hindi rin mapapagkakaila na gutom na ako.

Tapos biglang may nagtaklob sa mata ko.

Nung hinawakan ko 'yong kamay,pang-babae kaya hinulaan ko.

"Boss?" Anh panghuhula ko tapos nung tinagtag nya 'yong kamay nya sa mata ko,humarap ako.

"Kailan mo pa ako naging Boss?Hahahaha!"sabi nya.Si Izzy pala.

"Ah, akala ko kasi ikaw si Alex"sabi ko tapos sumandal na lang dun sa kanina ko pang pwesto.Ganun na lang din 'yong ginawa nya.

"Si Alex pala ang boss mo." Sabi nya.

"Ahm, oo, bakit di ka pa nauwi?"tanong ko.

"May hinihintay lang ako." Sagot nya.

"Eh sino ?"

"Di mo na kailangang malaman kasi di naman 'yon mahalaga." Sabi nya tapos nagpaalam na rin at bumaba.

Mag-isa na ulit ako dito kaya bumalik na ulit sa dating pwesto ko na nakatanaw sa baba ng campus.Tiningnan ko muna ang oras.

"Hayyss, nakalimutan na ba nya na may date kami?"Sabi ko tapos may tumaklob na naman ng mata ko.Noong hinawakan ko ang kamay, babae ulit.

"'Wag ako Izzy!Umuwi ka na" Sabi ko tapos bigla ba namang diniinan 'yong pagtaklob sa mata ko!!!

"Ah puta! Tagtagin mo nga 'yang kamay mo!!!Ang sakit." Sabi ko tapos saka ko pinitik 'yong daliri.Nasaktan ata kaya tinagtag agad.

"'Di ko nakalimutan na may date tayo 'no! "Sabi nung babae kaya napalingon ako.

"Wala lang, akala ko nakalimutan mo na e!"Sabi ko tapos kumamot na lang sa ulo at inayos 'yong cap ko.

"Paano kaya kung kayo na lang ni Izzy 'yong mag-date 'no?"sabi nya tapos tumabi sa'kin sa corridor at sinilip 'yong baba ng campus.Napangiti na lang ako.

"Ashu!!!Ang mahal ko, nagselos!" Sabi ko tapos niyakap sya sa likod nya.

"Hindi 'no!Bakit naman ako magseselos?"Deny pa nya.

"Alam mo boss, ang cute mo!!!" Sabi ko tapos kinurot 'yong pisngi nya pero di nya lang ako pinansin.

"Para kang---"ang sabi ko tapos dinugsungan nya.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon