Alex' POV
Masyadong bumilis ang panahon at last day na namin ngayon.
Naranasan naming mamuhay sa bundok kung saan walang kuryente at tubig.
Lugar kung saan walang signal at wifi.
Natuto kaming maghanap ng makakain na nasa paligid lang.
Mahirap pero masaya.
Nagkabati rin naman agad sina Spade at Xyrex.
Naggala kami...
Naglangoy...
Nanglimot ng mga shells...
Naghorseback riding din...
All in All!!!
Nangitim kami...
Then iniisip pa lang namin na last night na namin toh...
wew...parang ayaw na namin umalis.
After this long vacation of us, ang next naman is Araw ng mga patay na topic naming dalawa ni Xyrex.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa tabing dagat at nilulubos ang malamig na simoy ng hangin at paghampas ng alon sa aming mga paa.
" Mahal ko..." tawag niya saken.
"hmmnn?"
"After ng byahe naten bukas,didiretso na kami ni insan papuntang Lobo,Batangas..." sabi niya.
"Doon ka po magdidiwang ng Araw ng mga patay?" tanong ko.
Pero nagnod lang siya with sad face.
"o ?bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko.
Tapos niyakap niya lang ako...
"Wala kang kasama..." sabi niya.
Napangiti naman ako.
"Jusko!hindi naman sa lahat ng oras ay magkasama tayo noh!" sabi ko.
"wala lang...mamimiss kita" sabi niya.
"ilang araw lang yun Boss...hindi mo ikakamatay yun" sabi ko
"hindi ko nga ikakamatay...e ikaw?" sabi niya.
"wow naman!kaya ko ng wala ka noh!" sabi ko.Hahaha
"Ano lang ang gagawin mo sa November 1 and 2?" tanong niya.
Ano nga ba?
"Ahmm...bahala na" sagot ko
"bakit di mo dalawin mama mo?" tanong niya.
mama ko???
T_T
"huy!Bakit napatahimik ka?sabi ko,dalawin mo na lang ang mama mo..." ulit niya
Tumingin lang ako sa kanya.
"Hindi ko alam kung saan ko dadalawin ang mama ko e..." sabi ko sabay tingin sa langit na puro stars.
"Baliw ka ba? edi hanapin mo sa sementeryo..." Ang pagbibiro pa niya.
"Ilang sementeryo na ang napuntahan ko...wala dun ang pangalan ng mama ko..." sabi ko.
"Bakit di mo itanong sa papa mo?" tanong niya.
"Ayaw ng papa kong pinaguusapan si mama...kaya wala akong time para itanong sa kanya."
"E sina Troy? alam ba nila?"
"Hindi rin..."
"Bakit kaya...lahat na lang nawala sayo?" tanong niya
"ewan ko...isinumpa ata ako e..."
"Hayaan mo...pagkadating ko galing kina Lola,sasamahan kitang hanapin ang puntod ng mama mo ..." sabi niya
Ayokong umiyak this time kaya pinilit ko na lang ngumiti.
"Basta!ipakamusta mo na lang ako kina Lolo at Lola ha...pati narin kay Hannie" sabi ko.
"sige..." sabi saka umakbay saken at kiniss ang hair ko.
Why so sweet naman?
"Hayyst...kung ako ang papapiliin,hindi na ako babalik sa lugar natin..." sabi ko
"Ako rin...mamimiss ko tong lugar na toh"
"This is the best Sem Break Ever...kasama ang mahal ko..." sabi niya.
Then tumayo na kami para umuwi pero may huling sulyap muna sa payapang dagat.
Then kinabukasan...
Para bang tinatamad ang lahat na magligpit ng gamit?
Yung feeling na...
iiwan ulit namin ang lugar na iyon at baka next year na ulit kami makabalik.
"deh! wala pa bang extend? " ang malungkot na tanong ni Frances kay Troy.
"Sorry but...may pasok pa tayong lahat e..." -Troy
"Bakit kase bitin yung sembreak!!!" ang reklamo ni Gianne.
Nagkatinginan lang kami ni Xyrex ng seryoso at wala nang nagawa kundi tumitig sa buong lugar.
"Babalik din tayo sa lugar na ito..." sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Then masakit man sa kalooban namin...
Kailangan talaga naming umalis...
Basta ang mahalaga,isa itong magandang experience sa aming lahat.
At nagsimula na kaming magbyahe pabalik.
Yung byahe pauwi na parang araw na ng mga patay sa sobrang tahimik.
Di katulad noong papunta pa lang na parang mga tanga na first time bumyahe.
Walang nagsasalita...
Tahimik...
at puro natulog na lang...
Hanggang sa makarating na kami sa aming mga bahay.
"Pahinga ka na mahal ko...alam kong pagod ka na sa byahe..." pagpapaalam niya saken.
"e paano ka?" tanong ko.
"Pupunta kami ngayon ni Insan sa Lobo,batangas e...siguro doon na lang kami magpapahinga." sabi niya
"sige...ingat ka po" sabi ko.
Tapos yumakap lang siya sandali at " Love you po...ingat ka rin...good night kapag natulog ka na and Good Morning pagkagising mo...muahhh"
"Grabe ka naman!advance na!" sabi ko.
"wala din po kaseng signal dun e...kaya hindi ako makakapagtext sayo...bye" sabi niya then umalis na rin.
Pagkapasok ng bahay...
Sigh...
Bakit ganun?Parang ang lungkot?
"Sabagay...bakit di pa ako nasanay" ang nasabi ko na lang sa sarili ko.
Nilugmok ko na lang ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame.
Naalala ko bigla yung mga sinabi saken ni Xyrex kagabi...
'Bakit kaya...lahat na lang nawala sayo?'
Bakit nga ba???
Wala akong ina...
Parang walang ama...
Walang buong pamilya...
Wala na lahat!
Ano na lang ang mayroon ako?
nang may nagtext...
text message received from Boss
Matulog ka na po...andito lang ako para sayo ... :)
teka...
Siya na lang ba ang meron ako?
•Vote•Comment
Happy 1k reads!!!Thanks sa lahat ng mga nagvote...
Love you :)

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Teen FictionMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...