(112)Naughty Girlfriend Be Like

24 4 0
                                        

Alex' POV



Nasa byahe na kami ngayon papunta sa Orphanage sa Batangas.




Kasalukuyan ko ngayong katabi si Xyrex na kinakabahan na naman...




"Babe! Alam mo...para kang tanga!" sabi ko sa kanya saka siya siniko




"Tanga na kung tanga...paano kapag nasuka ako dito?! Nakakahiya!!!" bulong niya




"Think positive naman! Uminom ka na ng gamot diba?! Malay mo! umepekto! Paano magiging masaya ang byahe mo kung yan ang iniisip mo?"




"Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko! ikaw! kung makapagsalita ka ha!" sabi niya habang nakataklob ang panyo sa bibig




"Hahaha...pis yow!" sabi ko sa kanya




Ang saya na sana namin e...Katabi na namin kung sino yung gusto namin!




Tapos eepal na naman ang mga teachers!




May seating arrangement pa daw kami...




Langya naman o! Pati ba naman sa bus?! Ipaubaya nyo na naman ma'am toh samin!




"Babe! Paano yan? Di pa ikaw ang makakatabi ko?! Paano kapag nasuka ako?!" ang sabi agad nitong katabi ko




"Bahala ka na! Kung kaya mong pigilan, edi pigilan mo...at kung kaya mong lunukin..----" explain ko




"Yuck!!! Tangina ka...kung nasusuka na ako, isusuka ko na! Anong lulunukin?!!!" sabi niya




"Ikaw e!" tangi ko na lang sinabi habang nakatingin ako sa teacher ko na nagsasalita ng kung anu-ano na hindi ko maintindihan.




Hanggang sa marinig ko na ang pangalan ko.




"Ms.Alexandra Almira, sit beside Ms.Izzy Perez..."




"Hoy! Dun na ako ha! Umayos ka..." sabi ko sa kanya saka ako tumayo sa upuan ko at tumabi kay...Izzy???




Pagkarating ko sa uupuan ko...




"Hi Ms.Secretary!" bati niya sakin




Saka ko lang naalala na siya nga pala yung kaklase ni Xyrex...




"Ahm...hello...Huwag mo naman akong tawaging Ms.Secretary! Alex na lang..." sabi ko sa kanya na may paghampas pa sa balikat niya.




'Cause you know, Feeling Close here...




"Ahm...okay...Alex...hehehe" sabi niya




Kaso after nun, tahimik na ulit kaming dalawa.




Wala kaming mapag-usapan e...




Xyrex' POV




Kapag nga naman minamalas ka...




Kilala nyo ba kung sino ang katabi ko?!




Si Oliver lang naman!!! Ayos ka rin Tadhana noh?! Ang lakas mong tumayming! Idol!




"Ano ba Xyrex?! Musta na?!" panimula niya




"Ayos lang naman...hehehe..ikaw ba?" sabi ko habang nakaharap sa phone ko

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon