(89)Goodbye Single Life

42 5 0
                                    

Alex' POV



After bumaba ng mga katropa ko, hinanap ko agad ang boyfriend ko.



Hayyss...



Ito na...



Goodbye single life!!!



Napatingin ako sa buong room na full of decorations.



Nakita ko kung gaanong ka-effort si Xyrex sakin na kailanman ay di ko naranasan kay Vans.



At habang tinititigan ko ang buong lugar na puno ng violet,na napapaligiran ng rose petals...may napansin ako.









Isang malaking bear na nakaupo sa gilid...





Ano toh???Para sakin??? na nakalimutan niyang ibigay???





Sa sobrang haling ko sa mga bear na malalaki, kinuha ko agad iyon.





and then I found a letter again.





at nagulat ako...









Anak,



Happy 16th Birthday Anak.Sorry for everything.Kasi hindi ko kayang maging isang mabuting papa sayo.Sorry kung wala na akong time sayo dahil sa trabaho ko.Sorry kung bihira na nga ako dumating dito sa bahay, nag-aaway pa tayo.I'm sorry sa nangyari kahapon.Nabigla lang ako.Wish ko sayo Anak, lumaki kang mabuting bata at may takot sa Diyos.Sana, maging ayos na ang relasyon nating dalawa bilang mag-ama.Ita-try ko ang Best ko maipakita lang sayo na mahal kita.Pero bago ang lahat, kailangan ko muna ng iyong pag-intindi.Nagpapakahirap akong magtrabaho sa malayong lugar para sayo.Sinakripisyo ko ang maging malayo para sa future mo.Katulad ngayong gagraduate ka na, kailangan na natin ng mas malaking pera para matugunan ko ang lahat ng pangangailangan mo.Aanhin natin yung pagmamahal kung gutom naman tayo pareho.Ingat ka lagi ha! kahit na wala lagi dyan si papa sa tabi mo at alam ko naman na may nagbabantay na sayo.Mahal na mahal kita anak...



-Papa










Napaiyak ulit ako habang yakap-yakap yung bear.



Nang may biglang magsalita.



"Okay po tito...wait po pala tito!!! ito na po pala siya e...sandali lang po" ang narinig kong sinabi ni Xyrex habang may kausap sa phone niya.



Napatitig ako sa kanya...









at napatahimik siya...









"Babe...Are you okay???" tanong niya.





Nagsasalita pa yung katawagan niya sa phone pero binaba niya ito.




"Babe...nakita mo na...at alam kong nabasa mo na..." ang sabi niya sakin na ang tinutukoy ay yung hawak kong bear.




"Babe...Is it okay kung...batiin ka ng papa mo sa tawag???" tanong niya.




Saka dinial yung number ng papa ko.



Saan niya nakuha ang number ng papa ko?



At bakit parang close sila???





"Hello? Tito?...Ito na po" sabi ni Xyrex tapos binigay sakin ang phone.



Tinitigan ko lang siya dahil di ko alam kung kakausapin ko ba talaga ang tatay ko.



"Babe..." sabi pa niya.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon