(99)Caring Boyfriend

18 5 0
                                    

Xyrex' POV



After an hour, nakarating narin kami.



Nakakapagod nga e...



At sa buong paglalakbay namin, sa kanya lang ako nakatingin na ni minsan ay di manlang ako sinulyapan.



"Naaari kang hanggang tingin lang sa kanya? Ikaw kasi ang magfirst move! Ang bagal ng proseso mo e..." bulong sakin ni Spade



"Wag mo nga akong pangunahan!" sabi ko saka siya iniwan.



Pagkapasok namin sa bahay na dati naming tinuluyan...



Ganun parin...



Marami na nga lang alikabok at mga sapot.



"Andito pa kaya si Dyosa?" ang panimula ni Frances.



"Dadali na naman... " ang kontra agad ni Troy.



"Pwede ba guys! bago kayo magkulitan, ayusin nyo muna yung mga gamit nyo sa kwarto at lilinisin natin ang buong bahay..." ang sabi ni Bianca na nagmamabait.



Nagkatinginan kaming lahat...



"Akala ko pa naman, masayang bakasyon..." sabi ni Frances



"Sumunod na lang kayo para walang gulo..." ang sabi ni Troy.



"Boys! dun sa isang kwarto at Girls! sundan nyo yung pinuntahan ni ate Bianca nyo..." sabi ni Zian.



Saka nagsipuntahan na sa mga kuwarto.



(Magkahiwalay ang kwarto ng mga boys sa girls syempre)



Pagkapasok naming mga lalaki sa kwarto, napabuntong hininga si Zian.



"Ikaw naman kasi! dapat di mo na lang niyaya si Ate! dapat si Elize na lang!!!" ang reklamo ni Troy.



Itaboy ba naman ang sariling kapatid...



"Yan tuloy, parang magiging alila tayo nito..." sabi ni Spade.



"Nanganganib na naman ang girlfriend ko." dugtong ko.



Kasi nga diba?laging pinagtutuunan nya ng galit si Alex!



"No!...wala yung gagawin kay Alex, andito naman ako..." sabi ni Zian.





Nang narinig na nga namin ang boses ni Biancariray!!!



"Boys!!!Labas!!!Maglilinis tayo!!!" sigaw niya sabay kalampag ng malakas sa pinto.



"Ala!makisakay na nga lang tayo!" ang napipilitang sabi ni Troy.



Ito namang si insan, nag'sign of the cross' pa...hahaha



Pagkalabas namin...





"Walisan nyo toh!"



"Ito, pagpagan nyo! masyadong magabok..."



"Tagtagin nyo yung mga agiw sa sulok-sulok..."



"Punasan nyo yung bintana..."



"Punasan nyo yung mga kabinet..."


Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon