(21)OTW to Forever Restaurant

70 7 2
                                    

*Court ng PAASA subdivision *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*Court ng PAASA subdivision *

"Boss! Bakit di nyo sinabi na marami pa lang tao dito.?" Sabi ko pagkapasok namin.

"Syempre! Championship ng volleyball e! Lahat ng members ng Youth Leadership Organization ay nandito para masilayan 'yong pagkapanalo nyo" Sabi nya

"Sure ba talaga na panalo na kami? Paano kung mas magaling 'yong iba?" Tanong ko

"Edi bahala na" Sabi nya.

Sarap sampalin ng magkabilaan e 'no! Di ko na lang sya pinansin.

'Yong mga tipo kasi ng mga 'yan is pinapabayaan na lang.

Tapos hanggang sa magsimula ang game.Hindi ko na ikukwento sa inyo 'yong buong nangyari ha!

Wala namang nagbago e! Napauso lang nina kuya 'yong cheer na 'Boss' .

Alam nyo ba, sina kuya,Troy,Spade at Boss ay bumili ng mountain dew.Tig-dalawa silang apat, pagkatapos tunggain,nilagyan nila ng mga bato sa loob tapos kapag titira kami, hinahampas nila sa bleachers.

Hahaha! Para silang mga bakla na nagchi-cheer.Pinagtitinginan na nga sila e!

Ako ang nahihiya sa mga pinaggagagawa nila e! Pero nabubuhayan kami ng loob dun sa mga pinaggagagawa nila , kaya masaya.

Minsan nga, kapag nakakapoints kami, sa halip na ihampas nila 'yong bote sa semento,'yong katabi nila ang nasasaktan .Hahaha...

*Pagkatapos ng game*

Panalo ulit kami!!!

Nagkita ulit kami ni Kuya/ate photographer.

"Pinasa ko na sa boyfriend mo 'yong pictures nyo! Tingnan mo na lang sa cellphone nya" Sabi nya sa 'kin tapos umalis agad.Hindi ko tuloy sya na-correct sa sinabi nya.Boyfriend? Sana...

"Yehey! Galing talaga ni Boss ko" Sabi nya sa 'kin tapos pinisil 'yong nose ko , pero biglang lumapit sa 'kin sina  Friend at Warren.

Nanood kasi sila ng game.

Sa pagkakaalam ko nga, pati sina Ex at Daña ay nanood rin .

"Congrats Friend! Ang galing mo na mag-volleyball!!!" Sabi nya sa 'kin tapos yumakap.

"Thank you sa inyo! Nanood pa talaga kayo!" Sabi ko.

"Alex! Una na rin kami ha! Congrats!" Sabi ni Warren.

"Geh! Ingat kayo! " Sabi ko tapos umalis na rin sila.

Kaso, pagkalingon ko wala na ang katabi ko kanina.Nasaan naman kaya 'yon?Bakit bigla syang umalis?

"Alex! Nasa labas na sila! Galing pa kasi akong CR. Tara?" Sabi ni Elize kaya sumabay na rin ako sa kanya.

*pagkalabas ng Court*

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon