Alex' POV
Pagkatapos ng Valentine's Day na yun, parang naging instant sikat ulit ang boyfriend ko.
Ang daming bumabati sa kanya at kumo-congratulate especially mga girls.
Well, hindi naman ako nangangamba na baka alam nyo na...
Ipagpalit niya ako sa iba...
Ramdam ko naman e...atsaka alam nila na kami.
Kami lang! Wala nang sasabit!
"Hoyy!" ang pagkulbit niya sakin na katabi ko sa sofa.
Andito kami ngayon sa bahay...walang magawa e
"Ano ga?!"
"Tara!"
"Saan ga naman?!"
"Kina Lola..." sabi niya
"Huh?!!! ang lakas rin ng sabit mo e noh? Anong oras na? 1:00 pm na huy! Anong oras pa tayo makakarating dun?!"
"Mga 3:00 andun na tayo...bilis!" ang pangyayaya niya
"Edi gabi na tayo makakauwi!"
"E ano? Inihahatid naman kita lagi...bilis na! Hinanap ka kaya nina Lolo at lola nung pumunta kami dun..."
"Naman?! hahaha..."
"Ang tuwa naman...bilis na! Uuwi muna ako ha!Dapat pagkabalik ko, ayos ka na..." sabi niya saka tumayo sa sofa
"Ge...ingat"
"Love you babe..."
"Geh..."
"Anong geh?! Sabunutan kita dyan!"
"Uwi na ! katagal ah! ...love you too babe" sabi ko sabay akyat sa taas
"Hoy! Wag naman butas yung suotin mo! yung matino naman!" sigaw niya
"Oo na! " sigaw ko saka naligo
Xyrex' POV
"O? Saan na naman ang lakad mo at bihis na bihis ka?" tanong sakin ni mama

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Teen FictionMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...