Alex' POV
Matagal ko ring pinag-isipan kung sino ang lalagyan ko ng ekis...
at sa huli,
Si Bes ang na-ekisan ko...
Kasi naisip ko, sino ba yung taong laging nasa tabi ko, sino ba yung taong nagpapasaya sakin, andyan sakin para umintindi at umunawa...
Si babe diba???
Mas marami pa palang nagagawa si Babe kaysa si Bes...
Di ko alam ! basta! Ang natitira na lang sa list ko ay si Papa at si Babe...
"Done ..." sabay naming sinabi ni Xyrex
"Okay...ahm...Iiwan ko muna kayo...but...oras na makalayo na ako...Mag-exchange paper kayo...okay???" explain ni sister Elize
"Anong gagawin kapag nag-exchange papers???" tanong ni Xyrex
pero nagkibit-balikat lang si Sister Elize at agad umalis...
Kaya nagkatinginan kaming dalawa...
Xyrex' POV
Exchange papers???
Tangina!!!
Ayoko!!!
"Malayo na si Sister Elize! Paano ba yan babe? Exchange paper !!!" ang pangungulbit niya sakin
"B---babe...wag na!" sabi ko habang nilalayo sa kanya yung papel ko
"Bakit naman???! Bilis na!" ang sabi niya saka pinilit na kunin sakin ang papel.
"Wag na sabe! Ang kulit mo naman e!" sabi ko
"Ay sya!Break na tayo..." sabi niya saka tumayo
"Huh???! Ang lakas mo rin e noh?! Gih na nga!" sabi ko saka tumayo narin sa kinauupuan ko
Tapos humarap lang siya sakin ng isang sobrang nakakaasar na ngiti...
"pero...huyy!" panimula ko bago makipagpalitan
"Wag kang magagalit ah!" sabi ko saka kinuha yung papel niya at iniabot ko sa kanya ang akin.
Ang nakalagay kasi sa aking papel ay sina:
*Papa
*Mama
*Yexel (kapatid ko)
*Spade
*Lolo
*Lola
*Hannie
*Babe
*Troy
*Zian
Ang natira kong dalawa ay sina mama at papa... :(
Hindi katulad ng sinulat niya na ako at ang papa niya ang natira... :(
"Babe... :(" panimula ko kasi tahimik lang siya habang tinitingnan yung papel ko
"Bakit?" sabi niya ng nakatitig parin dun...
"Akin na nga ulit yan!" sabi ko saka hinigit sa kanya yung papel ko at agad ko ring ginasumot...

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Novela JuvenilMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...