(5)Dear Ex

100 12 20
                                    

POV ni Crush Kong Snobber

What's up mga yow! Ako nga pala si Xyrex Divinagracia,16 years old.

Ang tinaguriang Crush kong Snobber ni Alex.

Yes! Hndi ko talaga sya pinapansin dati.Pero dati lang 'yon kasi naisip ko na hindi ata makatarungan kung hindi ko sya papansinin dahil lang sa---











Dahil lang sa nagpapaalala sya sa'kin sa ex ko.

Ewan ko ba! Makita ko lang sya, naaalala ko na agad ang panlolokong ginawa sa'kin ng ex ko ,dahil siguro masyado syang malapit sa ex ko kaya ganun?pero ngayon, pinapansin ko na sya.

Gusto ko na kasing makapagmove-on at ang pagpansin ko sa kanya ay parte na ng pagmu-move on ko.

Ang gara nga e.Hindi ko alam na ang pagpansin ko pala sa kanya hahantong sa ganito.

'Yong bang parang naging personal body guard nya ako .

Pinaubaya sya sa'kin ng buong tropa sa school palibhasa kami na lang 'yong natitirang highschool sa barkada.

Dati kasi, magkakasama pa kaming buong tropa sa school na iyon kaya hindi nila ako naaabala sa pagbabantay kay Alex at kung bakit kailangang bantayan si Alex?

Kasi mayroon syang kaaway simula first year kami na wala ng ginawa kundi gawing miserable ang buhay nya.

Minsan nga nauwi si Alex na may pasa at sugat.At ngayon, kami na lang 'yong magkasama sa school na iyon at nakagraduate na 'yong mga tropa ko na dating nagbabantay sa kanya kaya ngayon ,ako na lang ang magbabantay.

At ang isa pa,nagtaka si Alex sa'kin kung bakit daw nitong nagdaang araw ay magkasabay na kami pumunta sa school at umuwi gamit ang motor ko.

Ang lakas kasi ng loob ng papa nya na i-favor sa'kin 'yon ,para daw mas safe sya.

Bakit ba masyado silang nag-aalala kay Alex?Sus! Ang laki na nya e! Pero ayos rin sya ha! Masayang kasama kahit na mayroon syang similarities kay ex.

*bahay ni Xyrex*

"Anak! Bakit ngayon ka lang?Gabi na a!" ang pangbungad sa'kin ni papa , pero dumeretso na lang ako sa sofa at hinahanap ang remote ng tv, ililipat ko ang channel.

"Galing ka sa bahay ng bago mong girlfriend 'no?" Ang tanong ni Mama.

"Wala po akong GIRLFDIEND" ang mahinahon kong sagot.

"Kuya kasi! Wag mo ng i-deny! Ayos lang naman sa'min e" ang pangungulit pa ng bunso kong kapatid na lalaki named Yexel Divinagracia.

"Kuya kasi! Wag mo ng i-deny! Ayos lang naman sa'min e" ang pangungulit pa ng bunso kong kapatid na lalaki named Yexel Divinagracia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi kami close nyan! Grade-6 na isip bata parin.Dalawa lang kaming magkapatid.

"Wala nga ho akong girlfriend .Alam nyo ang kulit nyo!"ang sabi ko sabay akyat sa taas dun sa kwarto ko.

"Anak! Nakapaghapunan ka na?kain ka muna!"sigaw ng nanay ko mula sa kusina.

"Busog pa ho ako!"sigaw ko rin sabay higa sa kama.

"Ma! Wag nyo na syang alukin! Nakakain na yan sa bahay ng -------"ang naputol na sabi ng kapatid ko...

"Yexel!!!imik ng sala!!!hindi ka na magigising bukas ng umaga!"ang pananakot ko sa kapatid ko,tapos tumahimik na lang sya kaya tumahimik na rin ako.

Napatitig ako sa kisame at napatingin sa sira kong gitara.

Ang tanga ko kasi! Pinabayaan ko ang sarili ko dahil kay ex.

Para bang tinapos ko yung buhay ko dahil sa kanya.

Nasira ang buhay ko?kasi ang buhay ko is music na ngayon ay wala na,na ngayon ay tinapos ko na.

So parang wala ng kwenta ang buhay ko ngayon.

Marami akong nadisappoint na tao.

Sila 'yong mga taong malaki ang expectations sa'kin na sinira ko lang dahil sa isang babae.

Ewan ko ba kung bakit ako ganito?dahil siguro sobra ko syang minahal?na hindi na ako nakapagtira para sa sarili ko?basta ! Ganun!

Kaya ngayon, gusto ko ng magbago.

Gusto kong ibalik sa'kin ng mga tao ang kanilang tiwala na hindi ko na sisirain.

Gusto ko ng ibalik ang dating Xyrex na matino.

Ang Xyrex na hindi naninigarilyo

Ang Xyrex na matalino.

Ang Xyrex na nagmamahal sa musika.

Pero di ko alam kung paano at hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Parang hindi ko 'to kayang mag-isa.

Simula noong nagbreak kami ni ex, nagbago ako na syang hindi matanggap ng mga magulang ko, kaya lagi nila akong kinukulit na magkagirlfriend na ng bago para makalimutan ko na si ex at yung bago kong girlfriend ang tutulong sa'kin magbago.

Pero hindi madali para sa'kin na magkagirlfriend ulit dahil siguro naduduwag ako.

Minsan nga, kapag kasama ko si Alex, naiisip ko na sana sya na lang 'yong unang minahal ko.

Bakit ba lumayo pa ako?edi sana hindi ako nasaktan.Edi sana matagal na akong masaya.

Sana si Alex na lang.Kaso, parang mahirap din makuha ang puso ni Alex e.

Sawi rin e!

Hindi na sya nagbibigay ng tiwala basta-basta ,pero sa katunayan nyan, mas mabigat pa ata yung nangyaring panloloko sa kanya kaysa sa'kin.

Ako lang talaga ang masyadong mahina ang loob pagdating sa ganyan.

Doon ako saludo sa kanya.Nasaktan sya pero walang nagbabago sa kanya bagkus lalo pa ata syang binubuhayan ng loob.Kaya Idol ko sya e.

Sa tingin ko nga, bagay kami.Parehong niloko at nasaktan.Pareho ring nahihirapan magmove on at parehong dahil kay EX.

Put*ng in* nyo! Mga bwiset kayo! Papasok kayo sa mga buhay namin tapos sisirain nyo lang pala! Edi sana hindi na lang kayo pumasok diba?mga wala kayong pakundangan.

*now mga yow!it's your turn para ipamukha nyo sa mga ex nyo kung gaano sila kawalang-kwenta!*

*comment here using:

Dear Ex,

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


;)
--->

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon