Xyrex' POV
On the way na ako sa clinic para sunduin si Alex...
Ang hindi lang talaga magsink-in sa utak ko ay boyfriend pala ni Izzy si Oliver???
Kaya pala kada naghihintay ako kay Alex sa labas ng Student Council Room, may hinihintay rin siya...
Yun pala ang hinihintay niya ay si Oliver!
Hayyy nako...nagseselos rin pala siya...
Nilagay ko na lang yung librong nakuha ko sa library sa bag ko at tumungo na sa clinic.
*Clinic*
"Yung pasyente ba kanina yung hinahanap mo?" tanong nung nurse at tumango lang ako
"Sinundo na siya dito nung mga kaibigan niya e..." sabi nung nurse
"Ahhh...may itatanong lang po sana ako..." sabi ko
"Alam ko na yan utoy...Nahimatay siya because of too much fatigue...Wag mong pagurin yang gf mo! Mahina ang resistansya niya..." sabi nung nurse
"Ah...sige po! salamat..." sabi ko saka nagpaalam.
Pagkalabas ko ng campus, tinext ko na agad si Cyra..
"Kamusta na siya?"
"Naihatid na namin ni Warren...pakipuntahan naman! Wala siyang kasama dun..." reply niya
"Pupuntahan ko sadya...salamat" sabi ko saka nagsimula nang maglakad.
Uuwi muna ako at magpapalit ng damit...
*Bahay*
"Ma! Pupuntahan ko lang po si Alex..." paalam ko habang nagpapalit ng damit
"Ayos na ba ang pakiramdam mo anak?"
"Opo..."
"Umuwi ka ng maaga ha! baka maabutan ka na naman ng curfew!" sabi pa ni mama saka ako umalis.
Pagkarating ko sa bahay nila, dumeretso agad ako sa kwarto niya...
" Bakit ka nandito?!" panimula niya saka nagtaklob ng unan
Umupo lang ako sa kama niya saka siya kinulbit...
"Ano ba??!!! umuwi ka na!!!!!" sigaw niya saka ako pinagsisipa
"Sorry na!!!!!" ang paghawak ko pa sa paa niya...
"Matapos mo akong pabayaan kanina!!!! Sorry lang!!???" sigaw niya saka ulit ako sinipa
"Hoyyy! Hindi kaya kita pinabayaan kanina!!!" ang paghampas ko sa paa niya
"Anong hindi pinabayaan?!!! di mo nga manlang ako inalalayan e!"
"Aba!!! kung alam mo lang!!! Kinarga po kaya kita mula third floor hanggang clinic!!!!Ang bigat mo nga!!! " sabi ko
"Tapos may pagsilip -silip ka pa dyan! " sabi ko saka tumabi sa kanya sa kama...
"Xyrex kasi!!!! Ang sikip!!!!" ang sabi niya saka ako tinulak pero niyakap ko lang siya
"Sorry na kasi babe!!!" sabi ko
"Oo na!!!! Bitawan mo ako!!! nasasakal ako!!!" sabi pa niya saka tumawa
Binitawan ko lang siya at inayos ko ang higa ko sa tabi niya...

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Teen FictionMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...