(110)Umuwi ka na,hindi na ako galit

24 4 0
                                    

Alex' POV



Tahimik lang kami pareho habang bumabyahe pauwi.



Kahit inaantok na ako, pinipilit ko ang mga mata kong mumulat wag lang talaga makatulog habang nakaangkas sa likod niya.



Sa kabila ng lahat, hinatid niya parin ako pauwi.



Pagkababa ko sa motor niya, bigla nya akong hinigit sa kamay...




"Babe..." sabi niya




"Xyrex, umuwi ka na..." sabi ko ng walang lingunan.




Inalis ko yung kamay niya...




"Hindi ako uuwi hangga't galit ka pa..." sabi pa niya




"Panindigan mo ang gusto mong panindigan...wala akong pake" sabi ko saka pumasok sa bahay.Nilagabag ang pinto saka ni-lock.




Umakyat agad ako sa kwarto ko...




Hindi na ako nagpalit ng damit at hinubad ko na lang ang sapatos ko.




Humiga ako sa kama, nagtalukbong ng kumot, at saka ko nilugmok yung mukha ko sa unan ko.




"Alex...inaantok ka na diba?Kaya matulog ka na...wag mong isipin yung mokong na yun" sabi ko sa sarili ko saka pinilit na ipinikit ang mata.




Dumaan ang ilang minutes...




5 minutes...




10 minutes...




15 minutes...




20 minutes...




25 minutes...




Minulat ko sandali ang mata ko at agad tumingin sa orasan.




Time Check...11:30 pm




Bigla akong binanas dahil sa kumot na nakabalot sakin kaya tumayo ako para kunin yung electric fan.




Habang kinukuha ko yung electric fan, accidentally napatingin ako sa bintana.




"Shet!!! Papanindigan niya ba talaga tong kalokohan na toh?!" sabi ko sa sarili ko saka napahawak sa noo.




Bumaba ako at lumabas ng gate para i-confront siya...




"Xyrex! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo huh?!" sigaw ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakaupo dun sa isang tabi habang naka-ubob sa mga tuhod niya.




Nakatulog na nga! Arrrgghh!




Xyrex' POV




"Gumising ka nga dyan! Hoyyy!!!" ang panggigising niya sakin with matching sipa pa.




Ang astig ng girlfriend ko noh?sasampalin e!



Binuksan ko na ang mata ko saka tumingin sa kanya...




"Ano ba kasing tong ginagawa mo?!!! dis oras na ng gabi! nandito ka parin!!!" sabi niya




"Sabi mo panindigan kong hindi ako uuwi hangga't galit ka pa..." sabi ko habang kinukusot yung mata.




Naudlot kasi ang panaginip ko...ang epal talaga nito.




"Xyrex!!! shet!!! di ko na alam ang gagawin ko sayo!!!" sabi niya saka nagface palm.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon