(105)Direct and Indirect Kiss

29 4 0
                                    

Xyrex' POV

"Warren! gisingin mo na yung dalawang babae...maaga daw tayong uuwi ngayon..." sabi ko kay Warren na agad rin namang sumunod at pumasok sa loob ng kwarto

Unang lumabas ay si Cyra na nangungusot pa ng mata...

"Good morning..." bati niya ng walang gana

"Musta na yang ulo mo?" tanong ko habang nagkakape

"Ang sakit pa nga rin e...nagkabukol ata" sabi niya

Tapos ang sumunod na lumabas ay ang girlfriend ko na parang si Sadako ang buhok.

Umiling lang ako saka tinuon ang pansin sa pag-inom ng kape.

Pero di ko parin mapigilan na titigan siya...

"Friend! di ka manlang nagpalit?" ang tanong ng kaibigan niya sa kanya

Tingnan nyo!napansin niya rin

"Ano e...ahm...---" sabi niya na parang di alam ang isasagot

"Hayyysstt...ang sabihin mo, tinamad ka lang..." sabi ni Cyra at di na lang siya nakaimik.

Biglang dumating si Warren...

"Guys! sabi ng mga teachers, kanya-kanya raw uwi ulit..." sabi niya saka kami automatic na nagkatinginan ni Alex.

"Ah okay..." sabi ni Cyra habang nakain ng tinapay na sawsaw rin sa kape.

Ako naman, inuubos ko lang ang kape ko ,pagkatapos nito ay ihahanda ko na ang gamit ko...

"Ano ba ang hinahanap mo dyan Alex?!" tanong ni Warren sa girlfriend ko na parang may hinahanap nga.

"Wala na bang tasa?" tanong niya

Hinigop ko na lahat ng kape ko at pinatong yung tasa sa mesa.

"Ito o...tapos na ako" sabi ko kaya napaharap siya.

Nag-aalinlangan pa kung kukunin yung tasa ko.

So para hindi siya mahiya, umalis na ako at iniwan sila dun.

Dumeretso na ako sa kwarto para ayusin ko ang mga gamit ko.Ang hirap na kapag may nakalimutan.

Pero bago ako pumasok ng kwarto, nagkatitigan lang kami.This time, siya naman ang unang umiwas.

Habang nasa loob ako ng kwarto, rinig na rinig ko parin ang usapan nila habang nag-aalmusal.

"O? bakit di mo manlang hinugasan yung tasa at diretso mo nang tinimplahan?" tanong ni Warren

"E pake mo ba? kape rin naman ang huling nakalagay sa tasa na toh ah!" ang boses ni Alex

"Kahit na Friend! dapat hinugasan mo parin...kasi you know, may laway yan ni Xyrex..." sabi ni Cyra

"Sige ka! Parang nagkiss narin kayo nyan!" sabi ni Warren

"Bakit ba kasi naniniwala kayo sa indirect kiss???totoo ba yun?" tanong ni Alex

"Yes! Laway mo...tapos laway niya??? edi parang nagkiss na nga kayo!" sabi ni Cyra

"E---edi itatapon ko tong kape at huhugasan ko! easy..." sabi ni Alex

"Wag na at mahal ang kape tapos itatapon mo lang? atsaka, nahigupan mo na e! edi nagkiss na kayo!!!" sabi pa ni Warren saka nanahimik ang girlfriend ko.

Napangiti na lang ako habang inaayos ang gamit ko.

Pagkalabas ko...

"Huy! Kami ni Cyra ang magkasama umuwi ha! kayo ba?" tanong sakin ni Warren

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon