Xyrex' POV
"Anak! Naparami pala ang luto ko ngayong gabi..." sabi ni mama
"Ipagbalot mo na lang si Alex ng iba...tapos yung iba, papuntahin mo na lang dito Rex ang mga katropa nyo!" sabi ni papa
"Yes! Babe! oo nga! papuntahin natin sila dito! Tapos tutuparin ko na ang wish mo!!!" sabi sakin ni Alex
"Teka...anong wish?" tanong ko kasi nakalimutan ko na yung wish ko sa kanya at ang naaalala ko lang ay yung mga wish niya na kailangan kong tuparin
"Tanga naman nito! Yung Spin the bottle!!! Kasama ang tropa!!!" sabi niya
"Ay! oo nga! hahaha...puro wish mo lang kasi ang naaalala ko..." sabi ko at saka tinawagan ang buong tropa
"Pa! Pupunta na raw po sila..." sabi ko habang katabi si Alex sa sofa
"Huy!" ang pagsundot ko sa bewang niya
"Kasi babe! Yung natanggap kong leche flan bago ako magbirthday, kaparehong-kapareho ng lasa nung binibigay mo sakin!!!" sabi niya na hanggang ngayon ay di parin nakakamove on
Napaisip rin tuloy ako...
Honestly, tama siya...
Ibang-iba talaga ang lasa ng leche flan na binibigay ko sa kanya kaysa sa leche flan na ginawa ni mama...
Yung leche flan naman na binigay ko sa kanya ay isa lang ang pinanggalingan nun e!
Yung ale na nagtitinda sa barko...
Atsaka, hindi ko nga siya binigyan ng leche flan bago siya magbirthday!
Ano yun?! May pagdayo pa ako sa barko para lang makabili nun?!
"Sino nga ga ang magbibigay sayo nun? atsaka bakit kapareho ng lasa ng binibigay ko sayo?" tanong ko at nagkibit balikat lang siya.
...
"Tita!!! here we are!!!!!!!" Ang pagsigaw nina Frances,Gianne,Troy at ni Insan
"Andyan na naman ang maiingay..." ang sabi ng kapatid kong si Yexel saka umakyat sa kwarto niya
"Alam mo babe...wag mo ng pagkaisipin yun! Magpasalamat ka na lang sa kung sinong nagbigay sayo nun..." sabi ko sa kanya at niyaya ko siyang lapitan na lang ang tropa
"Naparami kasi ang luto ko e...kaya naisipan kong imbitahin kayo dito..." sabi ni mama sa kanila habang iging-ige sa pagkain
"Ang sarap talaga tita ng mga niluluto nyo!!!" Ang sabi ni Frances habang nakain
"Hahaha...sige lang! Wag kayong mahiya! Kain lang..." sabi ni mama sa kanila
Ang bait ng nanay ko noh?Ang sarap batukan! Kaso baka mangalas ang spinal chord...
"Kuha lang kayo ng kuha dyan! At kami ay tutulog na sa taas...kayo na ang bahala dito ha!" sabi ni papa
"Sige na po tito! Matulog na po kayo! Di po kami mag-iingay...promise!" ang sabi ni insan
"Hahaha...o sige na!" sabi nilang mag-asawa
Pagkaakyat nila...
"kayo ang maghugas ng lahat ng yan ha!" sabi ko

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Novela JuvenilMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...