Alex' POV
Hindi na ako umasa na susunduin nya ako dito sa bahay kaya dumeretso na lang ako sa school ng ako lang.Kaya ko naman...
Marami nga lang natingin saken habang naglalakad kase nasanay sila na lagi kong kasama si Xyrex.
simula ngayon...
dapat masanay na sila na wala na akong makakasabay pagpasok at pag-uwi.Wala ng magdadala ng bag ko.Wala ng maghahatid saken sa classroom ko.Wala ng maghihintay saken sa labas ng classroom kapag uwian na.
masakit man isipin pero kailangang tanggapin...
sinukuan na ako e...
pagkapasok ko sa sa classroom,dumeretso agad ako sa upuan ko at tumungo.
" Friend!!! ano ba ang nangyari sayo? nagtext ako ng nagtext sayo pero di ka manlang nagrereply...absent ka pa nung Monday! nag-alala tuloy ako sayo ...ayos ka lang ba?"
ang pagsalubong nya saken.
" mamaya mo na ako kausapin...magkita na lang tayo sa Field after class...hihintayin kita..."
ang sabi ko sa kanya habang kunyari may kinukuha sa bag kahit wala naman talaga.
Halatang nagtaka sya sa tono ng boses ko.Napabalik na lang sya sa kinauupuan nya kase sakto namang dumating na si Ma'am.
Hindi kami nagklase...Nagcheck lang kami ng mga test papers namin at dinistribute na rin.
Kahit matataas ang scores ko sa lahat ng exams, hindi yun dahilan para magbago ang mood ko.
Tama nga si Cyra sa sinabi nila.Bagsak nga sila.Halata sa mukha nila na dismayang-dismaya sila sa result ng exam.Paano na kaya kapag pinagtapat ko sa kanila yung nalaman ko? ano na lang mukha ang ipapakita nila?
Nung labasan, agad kong inayos yung gamit ko at pupunta munang CR.
" psst!!! Friend!!!! susunod ako sa field ...wait mo ako"
ang sabi nya.Pero ako tiningnan lang sya ng seryoso at naglakad na lang.
*CR*
actually ,hindi ako naiihi...Gusto ko lang ihanda ang sarili ko sa gagawin ko mamaya.
wag kayong mag-alala.
isang mahinahong usapan lang naman e.Ayokong gumawa ng iskandalo sa school na ito kase bukod sa section 1 kami, pareho kaming graduating.
Napatingin ako sa salamin..
" Wag kang matakot.Ipakita mo sa kanila na galit ka.Ipamukha mo sa kanila na wala silang kwentang kaibigan..."
ang sinabi ko sa sarili ko...
" abuso na sila..."
tapos lumabas na ako ng CR...
at excited nang pumunta sa field para harapin siya or silang mag-syota...
kalma lang ...
*field*
Malayo pa lang, natatanaw ko na siya.Hindi nya kasama si Warren.Pero ayos lang...
umupo ako sa tabi nya.
katahimikan...
" Friend...ano bang problema?"
panimula nya.
" ikaw...este ...kayo"
ang sabi ko ng nakatungo lang.
" anong meron saken? at sinong kayo ang tinutukoy mo?"
" kayo...as in ikaw at siya..."
sabi ko.
" ako at siya???sinong siya??? si Warren?"
" ewan...baka ikaw at yung ex mo..."
sabi ko tapos bigla syang napatingin saken.Ngayon ko lang in-open yung topic na yun e.
" ayokong sakyan yang trip mo Friend ha..."" hindi mo naman kailangang sakyan e...kase hindi ako nangti-trip ..."
sa sinabi kong yun...
naging seryoso...
" wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo friend...linawin mo"
" hindi mo talaga ako maiintindihan kase kunyari ka pang walang alam...!!!"
" bakit kaya di mo i-try na diretsuhin ako???nang magkaintindihan tayo???"
sigaw nya...
" didiretsuhin ko ??? sige ba!!! Hanggang kailan nyo gustong itago saken na may nakaraan sa inyo ni Xyrex???!!!"
ang bigla ko ring sigaw na mahina lang.Nakakahiya man pero napapiyok yung boses ko sa pagpipigil ng luha.
natahimik sya.
" Kanino mo nakuha yan???"
ang sabi nya na nauutal-utal pa.
" hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman!!! ang mahalaga ,bakit ngayon ko lang nalaman!!!"
" mas pinili kase naming itago na lang sayo kase hindi mo rin naman kami maiintindihan e..."
" ganyan naman ang tingin nyo saken e! para bang ang isip ko para lang sa mga maliliit na bagay! kung baga ang utak ko pang-isip bata tapos yung inyo ay pang-mature na?ganun? hanggang kailan nyo ako tatratuhin na parang bata???!!! "
" may balak naman talaga kaming sabihin sayo e! nahanap lang kami ng magandang tyempo..."
" kailan yung tyempo na yun???kapag mamamatay na ako??? ganun???"
" hindi naman sa ganun Friend...Pero kase past na yun! pareho na naman kaming masaya ngayon e...kaya mas pinili na lang naming iwan na lang yun sa nakaraan..."
" Ang masakit lang naman ngayon is hindi ko na malalaman kung hindi pa sinabi saken ng isang tao..."
" Friend ...sorry..."
" all this time!!! nakakausap ko kayo at nakakasama!!! wala manlang akong kaalam-alam na may past na pala sa inyo..."
ang sabi ko pero mas pinili pa nyang tumahimik na lang...
" alam mo ba yung masakit dun Cyra?Napamahal na ako sa EX mo!!! ...Yung pinaglumaan mo, ako ang sumambot...Yung tinapon mo,ako ang lumimot...Sinuka mo na nga,kinain ko pa..
yung pinagsawaan mo, sakin napunta......
ang pangit pakinggan diba???
na MINAHAL KO ANG EX NG KAIBIGAN KO"
ang sabi ko sa kanya na napaiyak na.
umiyak na rin sya tapos hinawakan pa yung kamay ko.
" Friend...sorry...sorry talaga...sorry kung tinago ko pa sayo...naglihim ako sa kaibigan ko...sana mapatawad mo ako...sorry...."
ang sabi nya na parang nagmamakaawa.
" wag na kayong magtaka kung hindi ko kayo mapapansin bukas ha...gusto ko lang makapag-isip isip...try kong intindihin yung side nyo na lagi ko namang ginagawa...pero sana intindihin nyo rin yung feelings ko..."
ang sabi ko tapos nagwalk-out na at iniwan syang nag-iisa dun na naiyak.
ayokong umuwi ng ganitong itsura.Kaya dumeretso muna ako sa CR.
pinunasan ko yung luha ko.Pilit kinakalma ang sarili.Kailangan ko ng matutong patahanin ang sarili mula sa pag-iyak.Kase wala naman lagi dyan yung mga kaibigan ko para damayan ako...
Nung mahimasmasan na ako, lumabas na ako ng CR...
napansin ko lang na parang may nagkakagulo...
sakto naman na nakita ko si Ron ...
" Ron...anong nangyari??? "
tanong ko.
pero nakatitig lang sya sa isang direksyon kaya dun ako napatingin...
nakita ko si Xyrex...
Pawisang-pawisan at halata sa kanyang mga mata ang sobrang pag-aalala nya sa kanyang buhat -buhat na kaklase na hindi makahinga na para bang wala ng malanghap na hangin...
Nakatitig lang si Xyrex sa babae nyang kaklase...
napahinga ako ng malalim...
ang bigat sa pakiramdam...
parang nakaramdam ako ng selos...
lalo na kase yung buhat nyang kaklase...
si Daña...
yung kaaway ko...
parang nangingilid ulit yung luha ko...fuck...
napatingin sya saken pero sandali lang kase nilipat nya agad ang tingin nya kay Ron na kasalukuyan kong katabi...
galit parin sya...
ramdam ko...
e pano yun? galit rin ako sa kanya e...
edi masaya...
" buti na lang at anjan si Xyrex...kung hindi,baka pinaglalamayan na yang babaeng yan ngayon..."
ang sabi ni Ron habang naglalakad na pababa ng building,matapos palampasin sina Xyrex.
" asan ba si Vans? siya dapat ang gumagawa nun diba?"
tanong ko habang nasabay sa kanya sa pagbaba ng hagdanan...
" nakalimutan mo na ba? nagremidial ang mga boys na bagsak sa test diba??? kasama si Vans dun"
sabi ni Ron.Kaya tumango na lang ako.
" paano yan? wala kang kasabay pag-uwi..."
sabi nya ng nakatingin saken.
" kaya ko paring umuwi ng wala sya noh...anjan ka naman diba???"
sabi ko.
" sabagay...tara na..."
ang sabi nya tapos kinuha nya yung bag ko at sya yung nagdala.
naalala ko lang si Xyrex...
tapos tahimik lang ulit kami maglakad katulad nung dati...
napansin ko lang na lagi nyang chine-check yung cellphone nya sa bulsa...
" parang lumalovelife ka na ah..."
ang sabi ko sa kanya.
pero tumingin lang sya ng malungkot sa cellphone nya tapos ngumiting nakatingin saken...
wag ako Ron...I can feel it...you're sad...
" Complicated eh..."
sabi nya tapos pinower off yung cellphone at nilagay sa bulsa...
" yung akin rin e..."
ang napabulong ko na lang sa sarili ...
~~~
•vote•comment
PLEASE^_^

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Teen FictionMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...