(26)Paaminin Operation

39 8 1
                                    

"Tawagan mo nga 'yang kuya mo!!!Gabi na! Nasa tambayan pa!" sabi ni mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tawagan mo nga 'yang kuya mo!!!Gabi na! Nasa tambayan pa!" sabi ni mama.

Si kuya naman kasi!!!Hindi na nagtino.

"Ma! Walang signal e!"sabi ko.

"Ma! Mamaya, kausapin na'tin si Kuya ha! About dun sa bago nyang girlfriend.Sabi kase nila, ang mga lasing daw totoo lahat ng sinasabi at nakakalimutang magsinungaling , kaya mamaya,malalaman na na 'tin 'yong syota nya." Sabi ko.

Gusto kasi namin na magkagirlfriend si Kuya.'Yong girlfriend na magpapabago sa kanya at magpapabalik sa dating sya.Miss na kasi namin ang dating Xyrex.

"E paano nga anak kung wala talaga syang girlfriend?" Tanong ni papa.

"Edi kapag dine-ny nya parin, wala talaga!" Sabi ko tapos 'yon na nga .

Dumating na si Kuya at ni-ready ko na 'yong cellphone ko para i-record 'yong mga sasabihin nya.

Para kung sakali na umamin sya tapos i-deny bukas, may ebidensya ako.Hahaha!!!

"Napapansin ko lang na ngayong mga nagdaang araw, napapagabi ka na sa pag-uwi..." Sabi ni mama.

Si kuya naman, umupo lang sa sofa na parang nakakatulog na.

"Lagi kang napunta sa girlfriend mo siguro 'no?Kuya?" Sabi ko.

"Ha? Girlfriend?" Sabi nya lang na parang lasing.Tuwid naman sya magsalita e!Kahit lasing.

"Oo anak girlfriend!May girlfriend ka na ba?Ipakilala mo naman sa 'min?" Sabi ni papa.

"Ah oo.'Yong girlfriend ko?Ito o!"

'Yon !!!Umamin rin!!!

Nagkatinginan kami nina mama tapos ngumiti.

Iniabot sa 'kin ni kuya 'yong cellphone nya tapos pagkabukas ko, may picture nga silang dalawa ng sinasabi nyang girlfriend.

Pinatingin ko kina mama at papa.

"Ang sweet nyo naman kuya! Pareho pa kayo ng jersey" Sabi ko

"Sweet talaga kami, mahal ko 'yon e! " sabi nya.

"Pero anak, wala ka bang picture ng girlfriend mong nakaharap?" Tanong ni papa.

"Nakaharap???Marami ako nyan!Nasa gallery..."sabi pa ni kuya kaya binuksan ko agad 'yong gallery at saka namin tiningnan 'yong mga pictures.

"Maganda sya anak ha! Wag mo ng papakawalan 'to ha!" Sabi ni mama

"Hindi ko talaga sya papakawalan!Kalapati ga sya???Kayo talaga! Kayo ata ang lasing e!"sabi pa ni kuya na parang tanga.

"Anak, anong pangalan nya?" Tanong ni papa.

"Pangalan nya???Boss ko 'yon!!!Si Alex!Magànda 'yon! Simple!Mabait,  di nya katulad! Manloloko!!!"sabi ni Kuya.

"Geh na anak! Punta ka na sa taas.Dalhin mo si Alex dito sa bahay ha!Sa Sabado.Gusto pa na 'min syang mas makilala..." Sabi ni mama.

"Wag mo kaming bibiguin ulit ha! Kung hindi, mapipilitan akong ipamigay na lang sa mga pinsan mo 'yong pinakamamahal mong motor..."sabi ni papa.Patay ka kuya.

"Hinding-hindi ko kayo bibiguin! Sa Sabado ba? Asahan nyo kami!Wag nyo lang ipamigay ang motor ko..." Sabi ni kuya.

"Pero kuya! Sino ang mas mahal mo?Si Ate Alex o 'yong motor mo?" Tanong ko.

"Pareho!!!Pero mas mahal ko si Boss!!!Mahal nya din ako e!Hindi naman ako kayang mahalin ng motor ko"-sabi ni kuya.

"Bakit boss ang tawag mo sa kaniya?" Tanong ko.

"Mahal na mahal ko nga kasi sya.Ang kulit nyo ga?Mahal na mahal ko 'yon!Boss ko 'yon e!" Sabi nya tapos nagsenyas si papa na sasamahan na nya si kuya sa taas papunta sa kwarto nya.

Kami na lang ni mama 'yong natira.

"Ano anak?Ibigsabihin, may syota na nga sya?" Tanong ni mama

"Opo ma! Hindi pa ba kayo naniniwala?Wallpaper na ni kuya sa cellphone nya! Ang nakalagay pa ay Mr. And Mrs. Divinagracia.Marami pa silang pictures! May call sign na rin sila!At saka ma, sinabi na nya 'yong pangalan!Kaya sure na 'yon" Sabi ko.

"Sana tama na 'yong nahanap ng kuya mo.'Yong babaeng makakapagpabago sa kanya.'Yong babaeng magpapabalik sa dating sigla ng kuya mo.Sana si Alex na 'yon" Ang sabi ni mama.

'Yon lang naman ang gusto ni mama e! Masakit raw kasi sa isang ina na makitang nagbago ang anak dahil lang sa nasaktan siya ng ibang tao, parang hindi mo manlang sya naprotektahan.

"Sana nga ma, si Alex na ang bagong magiging member ng pamilya na'tin"

;)
--->

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon