(17)Accident

36 7 2
                                    

"Tang- ina brad! Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Troy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tang- ina brad! Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Troy

"Napagtripan kami nung photographer e! "Sabi ko

"Ay sya! Tara na! Inip na kami dito!" Reklamo ni Frances.

"E bakit di pa kayo umuna?" Tanong ko

"Tanga! Sabi mo hintayin namin kayo!" -Troy

"Ahhh!Sinabi ko ga?Ilan ga tayo?" Tanong ko

"Pito..."-Elize

"Ilan ang sasakyan?" Tanong ko.

"Dalawa lang" -Gianne

"E bakit dalawa lang?" Tanong ko.

"Motor mo at motor ni Troy" sagot ni Boss ko

"Teka insan, nasaan si Hannie?" Tanong ko ulit.

"May susundo raw sa kanya sa kanto e! Kaya dun ko hinatid" sabi ni Spade.

"Sino raw ang susundo sa kanya?" Tanong ko.

"Ewan ko dun !" -Spade

"Paano tayo ngayon?" Tanong ko ulit.

"Edi apat sa isang motor tapos tatlo dun sa isa" Explain ni Boss.

"Kasya ga!!! ?" Tanong ni Gianne.

"Try na'tin" Sabi ni Spade.

"Ay sya! Isasakay ko na ang syota ko at kapatid ko, bahala na kayo dyan" sabi ni Troy.

Ano raw 'yon? Kasya kaya?
Ako, si Boss,Spade at Gianne.

Umupo ako, tapos sa likod ko, pinasakay naman ni Spade si Gianne tapos sa pinakahuli ay si Spade.

"Insan! Ayos na kami dito" Sabi ni Spade

"Ayos nga kayo ! Si boss naman saan dito?" tanong ko

"Edi dito muna sya! Balikan mo na lang mamaya! " sabi ni Spade

"Tanga! Ayoko nga! Baka kung mapaano pa yan!" Sabi ko

"E san ako dyan? Wala ng space?" Tanong ni Boss.

"Ha? Sa puso ko, may space pa, para sayo" ang bigla kong nasabi.Hahaha!!!Putang-ina...hindi na napigilan.

"Boss kasi!!! Umayos ka na! Ayoko na dito! Gusto ko ng umuwi ! " sabi nya na parang nagmamakaawa.

"Gusto mo ng umuwi?Lumipad ka na papunta sa inyo!!!Tutal! Mukha ka namang anghel" Ang sabi ko na naman.

Natatanga na ako dahil sa babaeng ito e!Kontrolin mo naman Xyrex ang sarili mo.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon