(119)Naghintay sa wala

27 3 0
                                    

Alex' POV

The Next Morning...

"Babe...nakapagreview ka kagabi?" tanong ko sa kanya kasi ang tahimik niya.

"Babe...huyyy!" ang pangungulbit ko sa kanya habang naglalakad papunta sa room.

"Oo..." sagot niya.

Tinitigan ko lang siya habang naglalakad...

"Babe...ayos ka lang?" tanong ko saka siya hinarap

"Ayos lang ako..." sabi pa niya habang inaayos yung cap niya.

Tahimik lang ako habang tinititigan siya.

Parang ang tamlay niya...

"Babe...dito na ako sa room, Tandaan mo toh ha! Kapag bagsak ka sa mga exam mo!!! Di kita papansinin ng isang Linggo!" ang pagbabanta ko sa kanya

"I'll try my best to use my stock knowledge..." sabi niya

"Anong stock knowledge?!!! So hindi ka nga nag-aral kagabi?!!! " sigaw ko

"Tangina lang naman babe! Ito ngang pagpasok ko, pinipilit ko lang!!!! Maka-exam lang!!!! Kahit na...-----" sigaw niya saka tumigil

"Kahit na ano?!!! Ang sabihin mo! Tamad ka lang sadya!!!!" sigaw ko rin

Napatingin lang siya sa paligid dahil nagtitinginan na yung ibang estudyante sa amin...

"Ewan ko sayo!!! Edi ako na ang tamad!!! Ikaw na ang masipag!!!Tapos!!!!" sigaw niya saka ako iniwan at naglakad papunta sa room niya.

Napailing na lang ako...

Ang moody niya ngayon ah! May dalaw???

"Friend! bakit mo inaway?!" ang biglang pagsulpot ni Cyra sa likod ko

"Eh...siya e! Kagabi ko pang sinabi na mag-aral siya! Tapos ngayon...stock knowledge lang ang gagamitin niya?!!!! may pa-promise-promise pa syang nalalaman!!!" sabi ko sabay upo sa armchair ko

"Chill!!! baka makalimutan mo yung mga pinag-aralan mo! Dapat kasi Alex...before exam, may peace of mind ka..." explain pa ni Warren

"Peace of mind?!!!! Langya!!!! Sinira niya ang umaga ko! bwiset..." sabi ko saka hinarap yung reviewer ko at umalis na sina Cyra at Warren sa tabi ko kasi dumating na yung teacher ko.

Pampakalma please +_+

Xyrex' POV

"Agang-aga...bakit ganyan ang mukha mo?" pangungulit niya sakin sa loob ng library.

"Wow! Hawak nya ang reviewer niya!!!! First time yan Xyrex ah! Bagong buhay???" dugtong pa niya

"Izzy......ang kulit mo!!!" sabi ko na lang sa kanya

"Teka...ayos ka lang ba? Mukha kang may lagnat e!" sabi niya saka tinitigan ako.

"Huyyy! Xyrex!!! Bakit ka pa pumasok???e masama pala ang pakiramdam mo! " diretso pa niya pero tinitigan ko lang siya...






...






"Bakit?" tanong niya sakin





"Wala...buti ka pa, nakakapansin...yung girlfriend ko...hinde" sabi ko na lang saka umalis ng library dala-dala tong bwiset na reviewer na toh...





Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon