Masarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo?
Yung kantang naririnig mo?
O
Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo?
Kathryn Bernardo as Alexandra Al...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*tambayan*
Wala sila sa labas , kaya dumeretso na agad ako sa sala at dun ko sila nakita na mga nakatunganga sa TV.
"Anong pinapanood nyo guys at tungangang-tunganga kayo?" Tanong ko tapos umupo sa sofa sa tabi ni Gianne pero walang plano na sumagot e!Na parang hindi ako narinig.
Nung pinanood ko ,ang bida ay sina Erich Gonzales at Mario Maurer.
Bigla namang nagtinginan sa 'kin ang buong tropa na puro malalaki ang mata at nakanganga.
Nahiya naman ako.
"Mahal ko?!"Ang sabay-sabay pa nilang sinabi at di ko napigilang tumingin kay Xyrex na nakataklob ang kamay sa bibig.
"Kina-career nya lang 'yong pagpapanggap na'ming magsyota 'no!Ang daldal mo kasi!" Ang sabi ko sa kanya.
"Nagpapanggap kayong magsyota? Para saan?"Tanong ni Spade.
Hindi pa nya pala alam.Napatingin na lang ako kay Xyrex at lahat ng tropa ay sa kanya rin nakatingin.
"Kayo kasi! Nilasing nyo ako nung Linggo!'Yan tuloy!" Ang paninisi ni Xyrex kina Troy.
"Ano naman ang nangyari nung nilasing ka namin?"Tanong ni Troy, tapos ito namang si Spade, umepal.
"Teka guys! Patayin muna na'tin ang TV !" Ang sabi ni Spade.
Kanina, hindi makausap habang nanonood tapos nung may iku-kwento si Xyrex, sa kanya na lahat ang atensyon.
"'Wag naman muna! Maganda 'yong lovestory nila ni Erich e!" Ang sabi ni Frances.
"'Wag na meh! Ito na lang ang pakinggan na'tin! Love story nina Alex at Xyrex !True to life." Sabi ni Troy.
"Lol..." Sabi ko tapos pinatay na 'yong TV.
"Kwento Insan!" Sabi ni Spade.
"Kinulit na naman ako nina mama pagdating ko ng bahay.Tinanong nila kung may gf daw ako, e nakulitan na ako kaya ang nasabi ko, oo.Tapos nung tinanong nila kung sino , ang nasagot ko ay ---" Ang sabi nya tapos tumingin muna sa 'kin.Napahawak na lang ako sa ulo ko.
"Si Alex..."sabi nya tapos tumingin sa 'kin na may nakakalokong ngiti.
"Ayyyiiieeee!!!!Dyan na 'yan magsisimula!"sigaw ni Frances.
"Actually guys..." Ang sabi pa ni Xyrex na may pagtayo-tayo pang nalalaman.
"Hoy!!!Awat na !!!"Sabi ko tapos bago ko pa matakluban 'yong bibig nya, nasabi na nya.