Alex' POV
Akala ko ako lang ang nagluluksa sa pag-alis sa lugar na yun...
LAHAT pala kami...as in
Pagkaupo namin sa loob ng bus, tahimik lahat! Parang may namatayan...
Hinayaan na naman kami ng mga teachers na makatabi kung sino yung gusto naming katabi kaya katabi ko ngayon si Xyrex.
"Babe...iidlip lang ako sandali ha...gisingin mo ako kapag malapit na..." sabi niya saka sumandal sa balikat ko
"Mabuti pa nga...para di ka masuka..." sabi ko
Maraming minuto din ang lumipas at nakatitig lang ako sa bintana ng bus habang tinitingnan yung dinadaanan namin, saka ko naisipang basahin yung mga letters na nareceive ko.
Dahan-dahan kong kinuha yung letters sa bag ko kasi baka magalaw yung ulo ni Xyrex sa balikat ko tapos magising.
Hanggang sa nagsimula na akong magbasa...
Galing kay Friend...
Friend! Hayyyss...1 month na lang mahigit ang pagsasama nating dalawa.Ang gusto ko lang sabihin ay thank you sa lahat, sorry sa lahat at mamimiss kita.Wag kang mag-alala, pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanang nagawa mo sakin.Always rember na mahal na mahal kita...
Yun lang! Atsaka...
Pinapatawad na niya ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanya???!
Wow naman! Ano ang mga kasalanan ko sa kanya?! parang nangumpisal ah!
Next, galing naman sa boyfriend niya...
Huy! Ano ga?...Thank you na lang kasi ikaw ang pinaka-number one supporter ng relasyon namin kasi alam mo na...di parin ako matanggap ng mga magulang niya.Kahit na mahirap, andyan ka parin para sa aming dalawa.By the way, sorry nga pala kung di namin magawang maging better na kaibigan... sensya na! yun lang ang kaya namin e! Mahal ka namin...
Hayyys...buti pa si Warren, medyo matino.Pero kahit ganito tong mga toh, mamimiss ko areng mga areh...
Sunod , galing kay Bes...
Grabe! Kung sino ang binigyan ko ng letter, sila rin ang nagbigay sakin..
Bes! Bumebenta na yung words of wisdom ko...hahaha...katulad ng sinasabi ko, lahat ng tao dito sa mundo may problemang kinakaharap, hindi lang ikaw kaya STAY STRONG.Handa akong maging 'Pilosopo Tasyo ng buhay mo' para magpayo ng paulit-ulit sayo.Andito lang ako...may panyo para punasan ang luha mo at may balikat na pwedeng sandalan mo...Mahal kita as my Best Friend...
Benta nga naman ang STAY STRONG niyang motto at sinama pa si Pilosopo Tasyo ah! Ayos rin e!
at ang next letter naman ay galing sa Prince Charming ko!!!
Pero bago ang lahat, sinilip ko muna siya na nakasandal sa balikat ko habang natutulog.
Ang kyott! Nakakasura! ang sarap ibalibag sa puno ng niyog...
Babe...Mahal kita...Kahit na ganyan ka, mahal kita. Kahit na lagi kang mataray,mahal kita.Kahit na lagi tayong magkaaway...MAHAL NA MAHAL PARIN KITA...Hawak ka lang babe ha! Walang bibitaw kahit na sandamakmak na yung problema na narating sa atin.I love you babe...
A simple letter from him but it made me blush...
Dun tayo sa words na ' Hawak ka lang babe ha! Walang bibitaw '

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Dla nastolatkówMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...