Alex' POV
Kakalabas lang naming dalawa ngayon sa sinehan...
Paano ba naman kase, sa lahat ng sinabi nya kaninang pupuntahan namin di namin alam kung saan kami unang pupunta.
ang pinanood po namin sa loob ay yung 'Crazy Beautiful You' ng KathNiel
Nagulat na lang kami pagkatapos naming lumabas ng sinehan.
" huy! ang AleXyrex Love team!!! papicture tayo..."
Ang sabi ng mga grupo ng kabataan na humarang sa dadaanan namin.
" ate ...kuya...paselfie naman kami..."
Sabi nung dalagitang tuwang-tuwa habang sinasabi samin yun.
Nagkatinginan naman kami ni Xyrex at napangiti tapos nag-nod sya bilang pagpayag.
Tapos nag-selfie kami.
" Kuya...ayos lang ba na magpapicture ako sa leading lady mo???"
Tanong naman nung binata nilang kasama.
Tapos napatingin muna ako kay Xyrex.
Umiwas lang sya at ginawa yung habit nya.
Alam na...
Pinabayaan ko na lang sya kase nakakahiya naman sa bata kung di ko papagbigyan diba???
" Ahm...sige...ayos lang"
Pagpayag ko tapos nagselfie na kami.
Tapos may isang dalagita na lumapit kay Xyrex...
" Kuya! ang gwapo mo pala talaga sa personal noh? selfie naman tayo..."
Sabi nung babae tapos bago pa sya magpapicture...
Ngumisi pa ng nakakaloko saken...
Excuse me...hindi ako SELOS...-_-
" Thank you kuya..."
sabi nung dalagita.
Tapos nag-nod na lang si Xyrex habang nakangiti.
" Dumating ba ang KathNiel dito??? bakit parang may pinagkakaguluhan sila dun???"
ang tanong ng ibang tao habang nakapila sa sinehan...
nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Xyrex tapos lumapit sya saken at hinawakan ako sa kamay...
" excuse muna guys...una na kami..."
sabi ni Xyrex tapos lumabas kami sa gitna ng crowd.
" ay!!! grabe!!! holding hands!!! nakakakilig ..."
ang rinig pa naming dalawa.Nahiya naman ako kaya bumitaw na ako pero kinuha nya parin...
" San tayo ngayon??? "
tanong nya ng hindi nakatingin...
" sa dinami-daming sinabi mo kanina...di mo alam kung san tayo pupunta ngayon???"
tanong ko.
tapos tumingin sya saken at ngumiti ...
" tara!!! "
sigaw nya tapos saka ako hinigit ...
~~~
nasa duty free kami ngayon...
" homaygudnes!!!! di nga??? gagastusin natin ang 500 sa chocolate lang??? seryoso ka??"
tanong ko sa kanya.Habang pinapadulas yung mga daliri ko sa mga chocolates na nakapaligid .
" uo...bakit??? puro mangunguya lang naman ang nasa isip mo diba??? "
sabi nya.
" e paano yung pang-dentist mo???"
sabi ko.
" alam mong babae ka...kaninang-kanina ka pa...ikaw ipapadentist ko jan e!!!"
sabi nya.
" hehehe...peace..."
sabi ko na lang tapos sya yung may dala nung maliit na push cart.
naglagay na ako ng mga gusto kong chocolates.
" bakit puro toblerone???yung iba naman!!!"
sabi nya tapos kumuha ako ng dairy milk, m n' m's , kisses, Hersheys, ferrero at iba pa.
" tama na yan!!! baka samain ka nyan!!! "
sabi nya habang pagod na sa kakatulak ng push cart.
" look boss...hahaha"
ang sabi ko habang tinuro yung malaking lollipop...
sobrang laki talaga!!! as in...
parang ang bigat nun dalhin...
" wag mong sabihing bibilhin natin yan!!!"
sabi nya.Tapos napangiti ako...
" parang ang sarap kase nyan..."
sabi ko.
" masarap talaga yan!!! sa sobrang laki nyan, baka magdamag na tayong magsupsupan nyan..."
sabi nya.
napatakip naman ako sa bibig ko dun sa sinabi nya.
" o ??? anong masama sa sinabi ko???"
sabi nya.
" yakkie!!! kadiri ka!!! nakakagreen yung mga ginagamit mong terms ha..."
sabi ko na parang natatawa na ewan...
" iba talaga ang takbo ng isip mo noh? pang-abno..."
sabi nya...
" anong sabi mo??? pang-abno??? sinong abno???sabihin mo!!!!"
ang sabi ko habang nginungudngod yung mukha nya sa push cart...
tapos may umepal na sale's lady...
" ahm...neng??? anong nangyayari dito???may problema ba???"
" ahm...wala po ...hehehe...pinapabilang ko lang po sa kanya kung ilan na yung nabili namin...hehehe"
sabi ko tapos saka tinaas yung ulo nya...
" diba??? "
ang sabi ko sa kanya eye to eye...
" ahm...opo...hehehe"
sabi nya.
tapos umalis na yung babae...
" tanga mo rin pala mag-isip ng excuse eh..."
sabi nya habang inaayos ang buhok.
" minsan lang naman ...ang iyo lage..."
sabi ko tapos pumunta na kami sa counter.
*counter*
" 600 pesos po lahat sir..."
ang sabi ng cashier.Siya kase yung pinag-ano ko...hahaha...ano...
napatingin sya saken...
" 500 lang dapat diba??? bawasan mo..."
sabi nya saken tapos binawasan ko ng isang toblerone...
" 550 pesos po sir ..."
sabi nung cashier.
" bawasan mo ulet..."
utos nya saken kaya inalis ko na yung kisses.
" 500 pesos na po Sir..."
sabi nung cashier.
tapos nag-nod na lang sya.
habang inilalagay nila sa paper bag yung mga chocolates, bumulong sya saken.
" ang dami mo namang kinuha! nakakahiya tuloy..."
sabi nya.
inirapan ko na lang sya at kinuha yung paper bag na puno ng chocolates.
" wala na tuloy akong kisses..."
ang sabi ko habang sinisilip yung paper bag...baka kumuha yung cashier...hehehe
" para yun lang??? wag kang mag-alala...bibigyan kita ng kisses mamaya..."
sabi nya saken.Marami ba silang chocolates na naka-stock sa ref nila???
" sure ka ha..."
sabi ko.
" uo naman...kahit may hugs pa...wag lang ngayon...ang daming tao...nakakahiya"
sabi nya.Napatigil naman ako sa paglalakad palabas ng duty free.
" ano bang kisses ang pagkakaintindi mo??? "
tanong ko.
" yung sweet ..."
sabi nya ng nakangiti...
" sweet??? as in chocolate???"
tanong ko.
" ganun na ba ka-sweet ang lips ko para maging chocolate?? "
sabi nya...na may pagkamot pa sa ulo...
" kisses na chocolate ang tinutukoy ko...ulol..."
sabi ko na may kasamang paghampas para mas feel.
" oo na! nahahawa na ako sa pagkaberde mo eh..."
sabi nya tapos inakbayan na ako habang naglalakad.
" edi abno ka na rin..."
sabi ko pero pinisil nya lang ang ilong ko gamit yung kamay nyang nakaakbay sa balikat ko...
~~~
namahinga kami sa isang bench sa loob ng mall...
nakatingin lang kami sa mga dumadaang tao sa paligid.
" boss...CR lang ako ha...wag ka lang makabawas-bawas jan sa chocolate ko...ipapabunot ko yang buong gums mo..."
sabi ko.
pero seryoso nya lang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.
weird ha...
" wag mong sabihing...gusto mo pang sumama saken papuntang CR??? "
tanong ko.
" nakita ko kanina ang hayop mong ex...kung sakaling makasalubong mo, i-snob mo ha..."
sabi nya saken.
napangiti naman ako...
" promise po boss..."
sabi ko...tapos nagsimula nang maglakad.
" may trust ako sayo..."
sabi nya na dahilan para mapalingon ako.
Nag-okay sign na lang ako.
*CR*
pumasok agad ako dun sa pinakadulong cubicle...
" ang tagal mo naman mag-CR!!! hindi mo ba alam na may naghihintay sayo sa labas???paki-bilisan naman!!!"
ang sigaw ng isang babaeng pamilyar ang boses sa katabing pinto ng cubicle na pinasukan ko.
" Sandali lang naman! matuto kang maghintay Miss..."
sabi nung babaeng nasa loob.
tapos after a minute lumabas na yung babae at basta na lang pumasok ang babaeng sumigaw kanina na para bang nagmamadali...
ayon sa rinig ko...hahaha...chismosa...
para ngang nagsusuka yung babae e.
gusto ko sanang tanungin yung babae kaso...
baka sigawan ako...
baka mai-flash ko sya sa inidoro...
kawawa naman...
kaya lumabas na agad ako habang di pa nalabas yung babaeng ano...
~pagkalabas ng CR~
" ow...look who's here..."
ang sabi ni Ex na nakabantay sa labas ng CR...
" security guard ka na pala ngayon sa Girl's comfort room...i'm not informed..."
ang mataray kong sagot tapos dumeretsong naglakad palabas ng CR...
napatigil ako kase...
natanaw ko mula dito sa kinatatayuan ko na may kayakapang babae si Xyrex...
di ko makilala kung sino yung babae kase medyo malayo ako sa kanila at nakatalikod yung babae saken...
tapos sumunod pa pala yung hayop kong ex saken...
tapos tumingin sa direksyon kung saan ako nakatingin...
...
...
...
nag-iba ang mood ko...
...
...
...
humarang sya sa tinititigan ko...
" akala mo ...seryoso sya sayo noh??? "
sabi nya saken tapos tumabi para makita ko yung dalawa...
nabadtrip ako...
kaya hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na lang.
" masakit diba??? mahal nya parin kase ang ex nya..."
ang sabi nya na dahilan para mapatigil ko at mapatingin sa kanya
...
nag-iwan lang sya saken ng matamis na ngiti...
at naiwan akong may malaking Question Mark sa utak ko.(buti nga nagkasya)
" yung kasama nya...ex nya..."
ang sinabi saken ni Vans habang naglalakad sya pabalik sa CR...
...
...
...
....
...
...
' yung kasama nya...ex nya...' ???????
'kayakapan nya yung ex nya???'
' hindi seryoso saken si Xyrex???'
mahal parin ni Xyrex ang Ex nya...
pagkalingon ko sa direksyon nilang dalawa...
nagulat ako....
di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman...
ngayong alam ko na kung sino ang ex nya...
nakakapanghina...
yung kaibigan ko LANG pala....
si Cyra...
parang wala akong alam dun ah...!!!!!
NICE!!!!!!!
ang sakit...
~~~
Yung tipong nalaman mong ex pala ng kaibigan mo ang taong gusto mo...Ouch...

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Ficção AdolescenteMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...