(52)Guilty

29 8 3
                                    

Xyrex's POV
Masakit man kase masyado akong nagpadala sa emosyon ko kahapon...today is Monday at isang maulan na Monday.

kanina bago umalis ng bahay ,buo na yung loob ko na dumeretso sa school na wala ng dadaanan pang iba.

pinakawalan ko na sya diba?so wala na akong obligasyon sa kanya.

mapapansin kong maraming nagtaka kase hindi ko sya kasama.Ganun na ba silang nasanay na lagi ko syang kasabay sa pagpasok?

nung napadaan ako sa room nila, nakita ko si ex.Yun! nakangiti at sabay tanong kung nasan daw yung kaibigan nya.Nagkibit-balikat na lang ako at dumeretsong lakad na.

Pagkaupo ko sa arm chair ko...

iba pa rin pala kapag anjan si Alex.Di ko maitatanggi sa sarili ko na malungkot.Kasabay pa yung malakas na ulan na may kasama pang kidlat.

Di ko rin naiwasang maisip sya sa oras na yon.

kung nakapasok ba sya? kung may kasabay ba sya?kung safe ba sya? nabasa ba sya ng ulan?

pagkadating ko sa bahay kahapon.Ramdam na ramdam nila kung ano ang meron sa mood ko.

hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba yung ginawa ko or ano.

para bang bumalik ulit yung dating sakit na naranasan ko sa nakaraan.

ngayon ko lang napansin na parang mas naging malakas ako.

Hindi ko napadama sa mga magulang ko na malungkot ako or anything.

maganda nga pala yung mga score ko sa exams.Natuwa ang mga magulang ko.

galit ako kay Alex...pero siya ang dahilan kung bakit naibalik ko ng muli yung tiwala saken ng mga magulang ko.

nagtext saken si Cyra.Sabi nya ,absent raw si Alex.

wala akong alam na ideya na pwedeng maging dahilan nun kundi siguro yung nangyari kahapon sa mall.

sinabi ko sa kanya na itanong nya na lang kay Alex kung bakit using her phone pero hindi daw nag-rereply at sinasagot manlang yung tawag nya.

nag-aalala??? oo ,syempre pero konti lang.

ina-nounce samen ng mga teachers na suspended daw ang klase dahil may bagyo.Saka na lang daw kami pumasok kapag maaliwalas na ang panahon.

naboring ako sa bahay.

hanggang sa magtext saken si Troy.Sabi nya,kung pwede daw ay samahan ko sya sa bahay nila kase daw ang boring.

tutal,bored din ako kaya pinilit ko na sumulong sa ulan makapunta lang dun sa kanilang bahay.

pagpunta ko dun,tulog daw si Bianca.Si Elize daw as ussual nasa simbahan.Hindi daw ulet makakauwi yung mama nya kase nga naulan kaya makikitulog ulit sa katrabaho nya.

lahat na ginawa namin ni Troy.Nanuod ng TV,nag-soundtrip,nag-online,nag-LOL,nag-DOTA at kung anu-ano pa.

habang ito namang si Cyra,walang humpay ng kakatext saken na baka raw kung ano na ang nangyari sa kaibigan nya.Pero hindi ko na lang pinansin yung mga text nya.

lalong lumalakas ang ulan kasabay ng nakakagulat na kidlat.Malakas na rin ang hampas ng hangin.Hanggang sa magbrown out narin.

nagtext si mama saken na akala ko ay si Cyra parin.Wag daw muna akong umuwi.Wala naman talaga akong planong umuwi e.

nung nagbrown out,agad kinuha ni Troy yung flashlight nya at chineck yung ate nya sa taas na natutulog.

Tinawagan nya rin yung bunso nyang kapatid kung ayos lang ba sya.Nakakatuwa nga e.Kahit pala malimit silang mag-away,di parin nila nakakalimutang magkapatid sila.

kinamusta nya rin yung mama nya.Pati yung syota nya...

nagsindi lang sya ng kandila sa sala kung saan kami nakaupo.

" Si Alex kaya? ayos lang? wala yung kasama sa bahay e...wala pa yung papa nya...takot pa ata yun sa dilim..."

ang sinabi ni Troy.Saka lang ako nakaramdam ng pag-alala...

" bakit ayaw mong tawagan???tulad ng ginawa mo sa mama mo at kay Elize?"

tanong ko.

" brad...hindi mo lang alam...naka-ilang call na ako pero di nya parin sinasagot.May signal parin naman kahit papaano e"

ang nag-aalalang sabi ni Troy.

"puntahan mo na lang brad sa bahay nila...ako na lang ang maiiwan dito"

sabi ko.Tapos pumayag sya.

naiwan ako dito kasama yung panganay nyang kapatid.

Kung hindi lang kami magkaaway ngayon ni Alex,ako ang gagawa nun sa kanya.

dumaan ang 15 minutes rin ata?

nagulat ako nung kasabay na ni Troy si Alex pagbalik ng tambayan.Ang sabi nya iche-check nya lang.Ang awkward kung magsasama kami noh?

nagtaka lang ako kase may dala syang bag at akay-akay nya si Alex na agad nya ring dineretso sa taas.

tinitigan ko si Alex...

Hindi sya nakatingin saken at nakatungo lang.Hindi ko lalo makita ang mukha nya dahil madilim.Naka-hood pati sya.

pagbaba ni Troy ,umupo agad sya sa tapat ko.

" pumasok parin ba si Alex kanina sa school?"

tanong ni Troy.

" hindi .bakit?"

sagot ko.

" buti na lang...atsaka brad...hindi ko alam ang gagawin ko..."

sabi ni Troy.

"bakit?ano ga ang nangyari?"

tanong ko na kinakabahan.

" parang nag-aapoy sa lagnat e...sobrang init nya tapos kanina ko pang hindi makausap..."

ang sabi nya.Doon na ako nagsimulang kabahan at mag-alala.

" tawagan mo kaya mama mo? itanong mo kung ano ang pwedeng gawin..."

suggest ko pero bigla na lang nawalan ng signal.Nag-try naman ako sa mama ko pero di ko rin ma-contact.

Nagtry kaming gisingin si Bianca para tulungan kami pero wala syang pake kay Alex at mas piniling magtulug-tulugan na lang.

pumasok kami ni Troy sa kwarto ni Elize na kung saan dun sya nakahiga.

hindi ko makuhang lapitan sya.Habang kinukumutan lang sya ng pinsan nya.

iniwan muna ako ni Troy sa kwarto para bantayan si Alex dahil may kukunin lang daw sya.

Habang tinititigan ko si Alex na parang sinisipon pa ata at inuubo...

na-guilty ako...

may nakapagsabi kase saken kahapon na nilakad nya pauwi mula sa mall sa ilalim ng buhos ng ulan.

dun pa lang...

para bang ang sakit sa pakiramdam...naguilty ako sa ginawa ko.Siya pa naman yung taong kilala kong napakaramdamin na sa iyak na lang lagi dinadaan ang sakit...

parang bang kasalanan ko???

parang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari...

kung maibabalik ko lang sana ang oras...








di ko na sana ginawa yun.








yung sigawan sya...








in general...








yung saktan sya...








kase nasasaktan rin ako...

~~~
•vote•comment
PLEASE^_^

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon