(36)Good Luck

34 4 0
                                        

~Alex~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~Alex~

Timecheck: 11:30 am.

Kinakabahan ako!!!

Nagtext po kasi sya sa 'kin na mga 12:00 nn ,susunduin nya ako dito papunta sa bahay nila for Lunch.

Andito ako ngayon sa bahay kasama si Troy at 'yong Syota nyang fashionista na si Frances.

"Alam mo Alex, umupo ka nga! Nahihilo ako sa 'yo e!"sabi ni Troy.Hindi kasi ako mapakali e!!!

"E Troy!!!30 minutes na lang!!!Gagawin ko na 'yong acting na 'yon!!!Paano kung mabisto kami???Edi lagot!!!"sabi ko tapos umupo na sa sofa habang pinagkikiskis 'yong mga palad.

"'Wag mo kasing isiping acting lang 'yon!Isipin mo na totoo na! 'Yon 'yong technique! At saka,crush mo sya di ba?Dapat kinikilig ka hindi kinakabahan."Sabi ni Frances.

"'Yong usapan natin Alex ha!Kapag nagtext na si Xyrex na pupunta na sya dito,aalis na kami." Sabi ni Troy.Ang paalam daw kasi ni Troy sa parents ni Frances is hanggang tanghali lang kaya dapat maibalik nya agad si Frances.

"Kaya mo yan 'no!'wag ka lang kakabahan!Kasama mo naman si Xyrex e!"Sabi ni Frances tapos nakita ko na kinuha ni Troy 'yong cellphone nya sa bulsa.

Hindi si Xyrex 'yan.Hindi si Xyrex 'yan.Hindi si Xyrex 'yan.PLEASE!!!

"Paano ba 'yan Alex,baka ma-late na kami,nagtext na sya na on the way na." Sabi ni Troy tapos tumayo na sila.

"'Wag muna please! Wala na bang extend?!" Pagmamakaawa ko.

"Ano 'to?Eksena sa computer shop?!"tanong ni Troy.

"Sorry talaga Alex!Malalagot kasi ako e" sabi ni Frances.

"'Wag kang mag-alala! Makakasalubong namin 'yong lalaking 'yon! Kami ang bahala." Sabi ni Troy.

"Sige na nga! Thank you ha!Tinulungan nyo ako, ingat kayo" sabi ko.

"Geh! Salamat!Ayusin mo ha!"sabi ni Troy tapos pagkalabas nila ng bahay,sinaraduhan ko na agad ang pintuan pero di ko naman ni-lock.

Napahinga na lang ng malalim at umakyat sa kwarto para tumingin sa salamin.

"Okay Alex, relax! 'Di ako dapat kabahan.Think positive..."sabi ko sa sarili ko tapos inayos ang sarili ko.

'Yong buhok ko,'yong dress at 'yong ribbon na nilagay ni Frances sa ulo ko.Napaupo na lang ako sa kama.

"Lord!Alam ko pong panloloko itong ginagawa namin pero,white lie daw po ang tawag dito e.Bless nyo po sana ako!."ang pagdadasal ko.

"Hatching!!!Hatching!!!"

Arggghhh!!!May sipon pa ako!!!!Paano kung humatching ako sa harapan ng magulang nya?Nakakahiya diba???

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon