Masarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo?
Yung kantang naririnig mo?
O
Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo?
Kathryn Bernardo as Alexandra Al...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagsimula na 'yong practice namin.
Ramdam namin na ako na naman ang pinupuro ni Ate Bianca.
Mayroong time na nasasalo ko at mayroong namang hindi.
'Yong iba,sinasalag na lang ni Hannie o kaya ni Elize kapag alam nilang hindi ko kaya pero mayroon talagang time na hindi namin masalag ang bolang binibigay ng kabilang team.
"Ano ba Hannie?wag kang bakaw!Bigyan mo kasi ng bola ang mga ka-team mo!"sigaw ni Ate Bianca
"Bakit kasi kay Alex mo lahat binibigay?napapagod na 'yong tao sa kakasalo! Sa'min naman!"sigaw rin ni Hannie.
Kahapon pa 'yang tahimik e , pero 'yong totoo,nagpipigil lang. Napuno narin siguro.
"Paano matututo nyan si Alex kung ikaw lahat yung sumasalo ng lahat ng bola na para sa kanya?tanga!"sigaw ni Ate Bianca.
"Hindi ako dumayo dito sa lugar niyo para tangahin lang ako!"ang sigaw ni Hannie kay Ate Bianca, sabay nagwalk-out para kunin na 'yong bag nya.Aalis na ata.
"Huy! Teka! Uuwi ka na agad?" Tanong ni Xyrex.
"Oo!ayokong mag-stay dito lalo na kapag may WAR FREAK !!!"sabi nya na in- emphasis pa yung word na war freak habang nakatingin kay Ate Bianca.
"Anong Sabi mong babae ka?ulitin mo!!!"ang sigaw naman ni Ate Bianca habang lumapit kay Hannie para saktan sya.Buti na lang at agad na humarang si Spade.
"Wag na wag mo lang masaktan ang pinsan ko! Ako ang makakalaban mo!kahit babae ka pa!"sigaw ni Spade.
"Hindi ka lang pala War Freak 'no?"ang sabi pa ni Hannie.
"Psst! Hannie! Tumigil ka na!"ang pang-aawat ni Xyrex kay Hannie.
"Bingi ka rin!!!Bitch!!!"ang pahabol pa ni Hannie tapos nagsimula ng maglakad palayo.
"Wag ka lang makabalik-balik dito!di pa tayo tapos!"sigaw pa ni Ate Bianca.
"Hindi na talaga Bitch" sigaw pa ni Hannie .
"Hannie! Kaya mong umuwi ng mag-isa?" Sigaw ni Xyrex
"Bahala na si Batman!"-Hannie
Tapos tahimik na kaming lahat simula nun at hindi na natuloy ang practice.
Nagtipon-tipon lang kami sa corridor ng bahay nila.
"Ate! Ano na namang gulo ang pinasok mo?" -Troy
"Alam nyo! Nakakapika na kayo ha! Kada gulo na nagyayari dito, ako na lang lagi ang may kasalanan!"-ate Bianca.
"Dayo lang 'yon! Pero ganyan na agad ang trato mo sa kanya?ate naman! "-Elize
"Tang-ina naman Bianca! Hindi ka manlang nahiya?" -Xyrex