(125)Itutuloy pa ga?

31 3 0
                                    

Xyrex' POV


Uso ang give up kaya napag-isipan na naming umuwi...


Pinilit ko na lang ang sarili kong kalimutan yung nasa isip ko kanina...


Hayyyss...


Isang libro kung saan dun nakasalalay ang buhay niya???


Ang gulo talaga!!!


"Sorry babe kung pinaghintay kita ah!" panimula niya


"Huyyy! Narinig mo ba ako?" ang pangungulbit niya sakin saka ako bumalik sa ulirat.


Lintek na librong yan! Panggulo sa isipan...


"Ah??? ano babe?" tanong ko


"Wala...nevermind..." sabi niya


"Ahhhhh..." sabi ko na lang habang sabay kaming nababa ng hagdanan


Tahimik lang...


Sulyapan...


Kaso ayoko ng ganitong lagay kaya ako na ang nagsimula ng panibagong topic...


"Babe...sabi nga pala ng kaibigan mo, pumunta daw tayo sa kanilang bahay mamayang gabi..." sabi ko


"Buti pa siya, may handa..."


"Ano naman kung may handa siya?Parang hindi ka nakakakain ah!" sabi ko


"Ano ba yan?! Di mo kasi ako naiintindihan babe...ganito kasi yun..." sabi pa niya


"O ano?" sabi ko habang nakamot sa batok


"Nakakainggit kaya!!! Sana naging mayaman na lang ako tulad niya!!!" sigaw niya


"Sa lagay mong yan?! May kinaiinggitan ka parin?! Naman babe!"


"Tingnan mo naman babe! Sa Ateneo siya magco-college?!!! Langya! Galante!"


"Bakit babe? Saan ka ba?" tanong ko


"Dyan lang sa may bayan...dun sa public :( "


"Ito tayo e! Hanggang ngayon pa ba naman! Di mo parin natatanggap yung estado mo sa buhay?!"


"Anong estado sa buhay?!!! na mahirap lang ako???!"


"fYI babe! Sino ang mahirap???Tayo???Hindi ba pwedeng MAY KAYA! Ang mahirap ay nakatira sa iskwater! Hindi sa subdivision!!!" sabi ko


"Ehhh...basta! Parang ganun na rin yun!"


"Pasalamat ka nga at makakapagcollege ka pa e...yung iba nga sa atin, magtatrabaho na..." sabi ko saka siya napatingin


"wow!!! Papa???ikaw ba yan?! pero by the way...saan ka magcocollege???" tanong niya


"D---di ko pa alam e...pag-iisipan ko" sabi ko


"Nakapag-isip ka na ba ng kukunin mong course?!"


"Hhhuh??? ah----eh....sa akin na yun! Ang tagal pa naman e!" sabi ko


"Hayysss...ewan ko sayo! Basta ako, magiging teacher ako..." sabi niya saka ngumiti ng abot tenga


"Di ka ba nagsasawa?!!! Puro ka na lang sulat!!! sulat!!! tapos mag-aaral ka ulit!"


"Pake mo ba? Magme-major in MAPEH ako..." ang pagmamayabang pa niya


"Anong ituturo mo sa estudyante mo?! Kung paano magserve ng bulok?! hahaha..." pangungulit ko sa kanya at tiningnan niya lang ako ng masama


"Pwede ba babe?! Magma-MAPEH major ako hindi dahil sa P.E !!! Kundi dahil sa Music!!!" sigaw niya


Hindi na lang ako nagsalita...


"Tuturuan ko ang estudyante ko kung paano maggitara!" sabi pa niya na lalo pa akong napatawa


"Hahaha...talaga babe?! tuturuan mo sila?! hahaha"


"oo! Bakit??? anong masama dun?!"


"Ang chords nga ng 'Time Machine' di mo magawa! Tapos magtuturo ka sa kanila?!" sabi ko pa


"Kanina ka pa ha! E sa ang hirap ng chords nun e! Atsaka pwede namang hindi 'Time Machine' ang ituro ko e!"


"Alam mo babe...magandang pag-aralan yung chords ng 'Time Machine'...Kapag nakaya mo yun, Idol na kita..." sabi ko saka siya inakbayan


"Hindi ko sasayangin ang oras ko sa kantang yun!" sabi niya.


"Di wag! Ang ganda nga ng kantang yun e..." sabi ko sabay layo sa kanya


"Nagagandahan ka sa kantang yun kasi Favorite mo! Favorite ko ba yun?!!!" sigaw niya pa


"Alam mo! Nakakarindi ka na! Hinaan mo nga yang boses mo! Atsaka ang unfair babe!" sabi ko


"At ano namang unfair dun?!"


"Kaya kong tugtugin yung favorite song mo!Tapos yung akin, di mo kaya..." sabi ko at napatahimik siya


...


"Kasi naman babe! Tin-ry ko naman e! Pero hindi talaga!" sabi niya saka tumabi sakin sa paglalakad


"Kung gusto mo talaga, kakayanin mo..." sabi ko


"Igagaya mo ako sayo?! e expert ka na!" reklamo niya


"Hayyyss...pumasok ka na nga dyan sa bahay nyo! Dadaanan na lang kita mamayang gabi para pumunta kina Cyra..." paalam ko sa kanya ng makarating na kami sa tapat ng bahay niya


"okay...bye babe! ingat..." sabi niya sakin na saktong paglabas ng papa niya kaya napatingin ako.


"Ikaw pala Rex!" bati sakin ng papa niya


"Hehehe...Ito na po ang dalaga nyo! Babalikan ko na lang po mamaya kapag pupunta na kami kina Cyra..." sabi ko


"Wow! Dalaga talaga ha! Dyan na kayo ha! papasok na ako dun sa loob" paalam ni Alex saming dalawa ng papa niya


"Hahaha...third monthsary nyo ngayon diba?" bulong sa akin ng papa niya


Naalala talaga...


"Oo nga po e...hihingi nga po sana ako ng tu----"


"Wag kang mag-alala...tutulungan kita..." ang pagputol ni tito sa sasabihin ko.


Napangiti na lang ako...


"Hahaha...salamat po tito...uuwi po muna ako..." paalam ko


"Ingat ka hijo ah! Ako na ang bahala dito..." sabi niya saka ako kinindatan.


Napangiti na lang ako habang naglalakad pauwi...


Suportado ako mga yow!!!


Suportado ako ni papa!!!








este ni papa niya pala...


;)



Alex' POV


Kasalukuyan akong nakain ngayon kahit alam kong kainan rin naman ang pupuntahan namin mamaya.


"Anak..." panimula ni papa


"po?"


"Monthsary nyo ngayon ah!"


"oo nga po..."


"e bakit parang di kayo nagcecelebrate?"


"Di niya naalala e..." sagot ko


"Naaari kang ganun?Monthsary nyo! tapos nakalimutan niya!!!"


"Hindi nga e! Tatanga-tanga na naman siya!!!" sigaw ko


"Anong gagawin mo?"


"Bahala siya! Ibe-break ko na siya mamaya..." sabi ko habang nakain at biglang napatayo si papa


"Huh?! Grabe ka naman anak! Break agad???"

"Opo!!! Nangako siya e! Sabi niya...wala ng palpak na monthsary!!! Tapos ngayon, nakalimutan na naman niya?!!!Nabibwiset ako!!!" sigaw ko saka nilagapak yung pinggan sa mesa.


"Bakit anak?Lagi bang palpak ang monthsary nyo???"


"Opo papa! Wala nang matinong monthsary ang nangyari sa relasyon namin mula ng naging kami!!!"


"Bakit naman???lagi niyang nakakalimutan???"


"Hindi naman...ah basta! Kada bente uno!!! Lagi na lang kaming magkaaway!!!" sigaw ko


"Sino ba lagi ang nagsisimula ng away nyo???"


"Siya!!!!" ang mabilis kong sagot.


Sadya naman ah! Siya naman lagi ang nagsisimula..


"Siya lagi???hindi ikaw?"


"oo nga po! laging siya!!!"


"Baka naman may kasalanan ka rin pero di mo nakikita..." sabi pa ni papa


"Papa...sino ba ang kinakampihan mo ha?!"


"Siya!!!" diretso ding sagot ng papa ko


Lalo tuloy akong nabwiset!!!


"Ganyan naman kayong mga lalake!!! kasalanan nyo na! Di nyo pa alam!" sigaw ko


"Katulad ka rin ng mama mo! lagi na lang kamalian ng mga lalaki ang nakikita nyo!"


"Sadya! e sa kayo ang laging nagkakaroon ng kasalanan e!"


"Kami ba lagi?"


"opo..."


"By the way..." ang pagche-change topic ng papa ko


"O?"


"Congrats nga pala anak..." ang biglang pagbago ng atmosphere.


"Pampalubag-loob...letche..." sabi ko saka nagwalk out at dumeretso sa kwarto ko.


Lintek na bente unong yan!!!Wala nang matinong nangyari!!!



Xyrex' POV


"Huy ha guys!!! Kapag nakaalis na kami ni Alex, dumeretso na agad kayo sa bahay nila!!! Ayusin nyo na ang lahat!!!Para pagkabalik namin...ayos na ayos na!" sabi ko sa kanila. (Insan,Troy at Zian)


"Gegege insan...basta medyo tagal-tagalan nyo dun ah! Baka kasi kapusin kami sa oras e..." sabi ni Insan


"Atsaka...magtetext ka ah! Para aware kami..." sabi naman ni Troy


"Geh! puntahan mo na! Susunod kami..." sabi naman sakin ni Zian.


"Geh guys! salamat ah!" sabi ko sa kanila saka kami nag-apir...


So umalis na nga ako...


Pagkarating ko sa bahay nila...


"Tito! Si ano po?" tanong ko


"Sinong ano???" tanong pa sakin ng papa niya


"Si Alex po! Tinatanong pa ba yan?hahaha" sabi ko


"Ah...hahaha...nandun sa taas..." sagot niya


"Pwede ko pong puntahan?" paalam ko at nagnod na siya kaya tumalikod na ako


Napatigil ako nang biglang magsalita yung papa niya...


"Galit ata sya..."


???


Napalingon tuloy ako...


"ho???Galit??!" pag-ulit ko


"Baka..."


"Akala ko po ba, tutulungan nyo ako?" sabi ko


"Hahaha...just go with the flow hijo...everything is gonna be alright" sabi ng papa niya saka ngumiti.


Pumunta na lang ako sa kwarto niya...


Paano magiging ayos yung surprise ko kung galit siya???


Ano ba ang trip ng papa niya?


Ayos na e! ...


Napakamot tuloy ako sa ulo saka naman bumukas yung pinto...


Sinagi niya lang ako...


"Babe..." ang paghigit ko sa braso niya


"Huyyy!" sabi ko pa habang nababa kami ng hagdanan...


"Pa! una na kami..." paalam niya sa papa niya saka ako inunahang umalis


Nagkatinginan kami bigla ng papa niya bago kami umalis...


Napakamot na lang ako sa batok saka pilit na ngumiti...


"Ingat kayo!" sabi pa ng tatay niya na parang nang-aasar...


*Kalsada*


Tahimik lang kaming naglalakad...


"Babe..." tawag ko sa kanya pero di manlang siya nalingon


"Huyyy!" pag-ulit ko


Parang tanga na naman kami ngayon na naglalakad ng magkahiwalay sa kalsada pero isa lang naman ang pupuntahan...


Kinakabahan tuloy ako...


Baka maging palpak na naman toh...




Alex' POV


Andito ako ngayon sa kwarto ni Friend habang nakain...


"Magkaaway ulit kayo noh?" hula niya


"Lagi naman diba?di ka pa nasanay..."


"Bakit na naman???"


"Tangina Friend! Twenty-one ngayon!!!! gabi na!!! di niya parin naaalala!!! So ano???parang ako lang ang nagpapahalaga sa relationship namin??!!!"


"Sabagay..." sabi na lang niya hindi mapakali sa paglilipat ng channel sa tv sa room niya


"Akin na nga yan! Letche!" ang pang-aagaw ko ng remote sa kanya at saka pinatay yung tv.


Bigla siyang bumuntong hininga saka humiga sa kama niya...


Then silence...


"Friend..." pangungulbit ko sa kanya


"Bakit?"


"May problema ka...ramdam ko" sabi ko saka siya ulit bumangon


"Ano???sabihin mo na..." pamimilit ko sa kanya habang nakain


Tapos bigla na lang siyang tumalikod sakin at alam kong umiiyak siya...


Ayokong nakikita ko ang kaibigan kong naiyak...


Binaba ko muna sandali yung pagkain ko sa side table niya at niyakap ko siya...


It's my way of comforting someone...


"Friend...sabihin mo na...habang ako'y nandito pa..." sabi ko


Bago siya magsalita, pinunasan niya muna ang luha niya.


"Kasi Friend...(hikbi)"


"o?"


"Hanggang ngayon...di parin tanggap nina mommy si Warren!"


No comment...


-_-


"Pilit parin nilang kino-compare si Warren kay Xyrex! (Hikbi)" sabi pa niya


Ano bang mayroon sa boyfriend ko na wala si Warren? Kasi kung tutuusin, na kay Warren na ang lahat e!May talent siya,gwapo,mabait, at matalino...


"Tapos...(hikbi) Sa Ateneo ako papasok! Ayaw nila na kasama ko si Warren sa iisang school!"


Langya! Ano ba ang sasabihin kong advice sa kaibigan kong toh?!


"Friend! Anong gagawin ko?!" sabi pa niya sakin


"Hindi ko rin alam Friend!!!" sabi ko


"Anong hindi mo alam???tulungan mo naman ako!"


"Paano kita matutulungan dyan?! e kung ako yung nasa position mo, di ko rin alam! Bahala na si Batman..." sabi ko


"So anong sense ng pagsasabi ko sayo ng problema ko?!"


"Actually, wala...pero atleast, nailabas mo kahit papaano..." sabi ko saka bumalik sa pagkain


"Hindi ko alam kung ano ba ang gusto ng mga magulang ko saken...:(" sabi niya


"Syempre!Yung the best!" sagot ko


"Si Warren ang the best para sa akin, bakit di nila matanggap?"


"Aba'y ewan ko!!!" sagot ko saka niya ako binatukan ng bonggang-bongga.


Ansakit!!!Powtek!!!


"Iba ka talagang kausap kapag nalamon...sa pagkain lang naka-focus ang buong diwa mo..." sabi niya saka kinuha ulit ang remote sakin.



Xyrex' POV


"Musta ka naman hijo?" tanong sakin ng mama ni Cyra.


Ang tatanga sadya ng magkaibigang yun!Basta na lang ako iniwan dito sofa saka sila nagsolo dun sa kwarto kaya tuloy!!!


Mommy ni Cyra ang kausap ko!


Naha-hot seat tuloy ako...


"Ayos naman po tita..."


"Ibang-iba ka talaga dun sa lalaking laging bukambibig sa akin ni Cyra..."


"Si Warren po?"


"Oo...Yang nasa katabing bahay..."


"Ahm...tita...Wag nyo po sanang mamasamain..." panimula ko


Naaawa lang sadya ako sa dalawa...


"Tita...ano po e...ahm...May gf na po ako...may bf na po si Cyra at si Warren yun...kumbaga, may mga sariling buhay na po kami...Kahit anong kumpara po yung gawin nyo between sa akin at kay Warren, si Warren parin po ang pipiliin ng  anak nyo...dahil yun yung mahal niya...at di ko rin naman po gugustuhing magkabalikan ulit kami kasi hindi ko na rin siya mahal..." explain ko


"Atsaka tita...Hindi nyo pa po ata nakikilala ng lubusan si Warren e..." dugtong ko pa


"oo...dahil ayaw namin siyang kilalanin"


"Tita...Tanggapin nyo na lang po na di kami para sa isa't isa...try nyo pong kilalanin yung bagong lalaking dumating sa buhay niya...kapag po nakilala nyo na si Warren, iisipin nyo po na mas better pala siya kaysa sa akin..." sabi ko at napatahimik lang yung mommy niya


"Ang gf ko nga po pala ay si Alex...yung matalik na kaibigan ng anak nyo..." sabi ko saka ngumiti


"Si Alex???Talaga?! hahaha...I'm happy to both of you...ang swerte ni Alex sayo..." sabi ni Tita sakin habang hawak ang balikat ko


"Swerte din po ako sa kanya...kaya tita, hayaan nyo po si Cyra na pumili ng lalaking para sa kanya..." sabi ko saka tumayo sa sofa


Saktong lumabas naman ang magkaibigan...


"Mom! Uuwi na raw sila..." sabi ni Cyra


"Ah...o sige! Ingat kayo sa pag-uwi ha! gabi na...congrats sa inyong dalawa..." paalam sa amin ng mommy niya


"Friend!bye!good night..." ang pagbeso pa nila sa isa't isa.


"Huyy! Cyra! Wag dibdibin ha! May likod pa..." sabi ko and I patted her shoulder.


"Hahaha...Umayos kayo! Aayusin ko ang problema ko, ayusin nyo rin ang inyo!" sabi niya saka kami umalis.


Tahimik na ulit sa daan...


At ang tanging bumasag sa katahimikan namin ay ang ringtone ng phone ko...


"Insan! Ayos na lahat!!!Asan na kayo?" text ni Insan sakin...


Galit si Alex...


Itutuloy ko pa ba?

;)
Valentine's Day Special
--->

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon