(87)Make-over

19 4 0
                                        

Alex' POV

Dahil sa kakaisip dyan sa 'Girlfriend Thing'  na yan ni Spade,di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Time Check: (9:00 am)

Kagagaling ko pa lang sa simbahan tapos pagkadating ko sa bahay...

"Happy 16th Birthday Friend!!!" sigaw agad ni Cyra sakin.

"Hoy babae!Happy Birthday!" bati naman ng boyfriend niyang si Warren.

Napatahimik naman ako at napatitig sa kanila.

"Bakit Friend? Anong meron?" sabi niya habang tinititigan ang sarili.

"Wala naman Friend...ahm...kanina pa kayo dito?" tanong ko.

"Yap! Napansin nga namin itong mga Christmas Decors mo dito sa bahay e ! ngayon ka lang ata nag decorate ng bahay nyo ah!" sabi ni Cyra.

Napatingin naman ako...

"Ahm...di ako ang nagdecorate nyan ..." sabi ko sabay pasok sa kusina para maghanap ng pwedeng ihain sa kanila or para narin matalikuran yung topic na yun.

"Kung hindi ikaw friend ang nag decorate nito, e sino?" tanong pa niya.

Ang kulit naman!

"Tinatanong pa ba yan!edi yung papa niya!" sabi ni Warren.

"Eehhh???Si Tito?Dumating???kailan pa Friend?" ang tanong ulit ni Cyra pagkabalik ko sa sala.

"Yes..." simple kong sagot habang nilapag yung tinapay at juice para sa kanila.

"E bakit parang wala?" tanong pa ng boyfriend niya.

"Di pa ba obvious guys?Na dumating lang siya dito kahapon just to decorate this house..." sabi ko sabay sinubo ang buong tinapay.

Ayoko ng topic!!ano ba yan?

"Hindi manlang naalala na Birthday mo?" tanong niya ulit.

"Alam nyo!ang kulit nyo! masyado kayong maraming tanong!" sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Parang hindi mo birthday e noh???ang haggard mo Friend..." sabi ni Cyra kaya naman napatayo ako ulit sa sofa at napatitig sa salamin.

"Haggard na ito???" sabi ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.

"Oo daw sabi niya...at dahil daw dyan, iti-treat ka raw niya ng makeover" sabi ni Warren.

"Yes Friend! As my birthday gift...iti-treat kita...so???ano???" sabi niya.

"Talaga lang ha! " sabi ko sabay balik sa sofa.

"Oo nga! di ka naniniwala?" sabi pa niya.

"Galante..." sabi ko saka tinungga yung juice.

"Hoy!Pinag-ipunan namin yun para sa birthday mo! Tiniis naming huwag magdate para sayo..." sabi ni Warren.

"se nemen...so sweet...sarap nyong pagbibigwasan..." sabi ko.

"So ano na nga?" ulit pa ni Cyra.

"Sige na nga! wala naman akong gagawin this day e..." sabi ko saka umakyat sa kwarto para magpalit ng damit.

"Bilisan mo!" sigaw pa ni Warren.

Hayysst...Akala ko, pagkauwi ko sa bahay wala ng mangyayari...

Buti na lang talaga at ang dami kong Friends.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon