Alex's POV
Buti na lang at naisipan ni Troy na puntahan ako sa bahay kanina.
Ramdam ko na nakatitig lang sya saken habang hinihintay si Troy.
Ramdam ko ang init ng katawan ko.
Nagulat na lang ako sa ginawa nya...
Kaya agad akong pumikit...
umupo sya sa tabi ng kama tapos hinawi yung buhok kong nakaharang sa mukha ko.
Naramdaman nya akong pawisan kaya kumuha sya ng pwedeng ipang-paypay saken...
nagulat pa nga ako e...
kinanta nya yung kinakanta saken ng tatay ko kapag naulan...
" bumuhos ka ulan ...aking mundo'y lunuring tuluyan...tulad ng pag-agos mo'y di mapipigil ang puso kong nagliliyab...pag-ibig ay umaapaw...damdamin ay humihiyaw sa tuwa...tuwing umuulan ay kapiling ka..."
pinigilan ko ang mata kong umiyak pero tumulo parin...
akala nya pawis lang...
akala ko galit sya...
ako naman,kahit gusto kong magalit sa kanya...hindi ko magawa.
pero ngayon...gagawin ko na.
abuso na sila e...
sa boses nya ,agad akong nakatulog.
siya pala yung tipo ng lalake na kahit galit sya sa babae,di nya ito papabayaan at patuloy na aalagaan.
~~~
Nagising ako na madilim parin at naulan.
nagserve si Troy ng paborito nyang breakfast na lugaw...
" Alex o! kain ka muna... "
pero tinitigan ko lang.
" Alex...kainin mo na...wala pa atang laman yang tiyan mo"
sabi ni Troy...
pero pinikit ko na lang ulit yung mata ko.Narinig ko si Xyrex na bumulong...
" iwan kaya muna naten sya, mamaya kapag nagutom yan...kakainin nya rin yan"
tapos bago umalis si Troy,hinawakan nya muna yung noo ko para i-check...
" ayos na brad???"
tanong ni Xyrex.
" hindi na sya masyadong mainit..."
sabi ni Troy.
tapos saka sila umalis...
nauna pa nga si Troy e...tapos nagpahuling silip pa si Xyrex.
Wagas nya akong masigawan sa mall tapos ngayon ganyan sya...
Xyrex's POV
" i-check mo nga yun! kung nakakain na..."
utos ko kay Troy.Galit parin ako kay Alex noh!!! -_-
napatingin naman sya saken na may nakakunot na ulo...
pero umakyat na rin naman sya...
tapos pagbaba...
" brad...nag-aaya nang umuwi e...papayagan ko na ba?medyo tila narin naman..."
sabi nya.Kahit kailan talaga ang pasaway...
" bahala ka...hindi naman ako ang maghahatid e..."
sabi ko.
" papilit e... sige na nga!"
sabi ni Troy tapos bumaba narin sila at nagpaalam na ihahatid nya muna si Alex.
wag daw muna akong uuwi kase wala daw kasama yung kapatid nya.
parang mare-rape yung kapatid nya e...sino ga namang baliw na lalaki ang ang maglalakas loob na mang-rape sa gitna ng kabagyuhan???
ay para tayong...
hahaha...
tapos pagkabalik nya, nakita ko ulet yung nakakunot nyang noo...
" ano ga namang itsura brad??? aura???"
tanong ko.Tapos binatukan ako.
" tanga brad...I smell something fishy between you and my cousin...magkaaway kayo noh?"
sabi nya.Napasandal na lang ako sa sofa nila.
"sabi na nga ba e...wala kayong pakelaman kanina ha...tapos di mo ba napansin yung mata nung babaysut na yon?"
tanong nya.
" syempre napansin ko ..."
sabi ko.
" pinapaiyak mo ang pinsan ko e! anong gusto mo??? suntukan???"
sabi ni Troy.Alam ko namang nagbibiro lang tong mokong na toh e.
" umiyak sya ng sarili nya noh! wala akong kinalaman dun..."
sabi ko.
" ikaw ang dahilan nun ! putang-ina mo ..."
sabi ni Troy tapos tinoktokan ako...
" oo na! siya naman ang may kasalanan kung bakit kami nag-away...ano ang gusto nya?ako yung mag-sorry? "
sabi ko.
" kakatapos lang ng photoshoot natin ah! nakalimutan mo na ba?ang tipong boyfriend ng mga babae ay yung magso-sorry sa kanila kahit sila ang may kasalanan..."
sabi niya.
" aba! hindi naman ata makatarungan yon! atsaka hindi naman nya ako boyfriend..."
sabi ko.
" magiging pa lang pala..."
sabi niya.Napatigil ako...may pag-asa parin ba? kung sinabi ko sa kanyang ako'y susuko na...
" brad...hindi na..."
ang sabi ko na may pagtap pa sa likod nya tapos tumayo na ako para umuwi...
" huy! teka...anong hindi na? "
sabi nya na may pagsunod pa...
" sumuko na ako e..."
sabi ko with a fake smile...
" ang bilis mo naman sumuko...parang di ka lalake..."
ang sabi nya tapos pumasok na ng bahay nila...
ginawa ko na lang ang habit ko tapos inayos yung cap ko...
" paano ko ba maaayos toh??? e mahal ko yung tao..."
ang nasabi ko na lang sa sarili ko at napailing...
~~~
•vote•comment
PLEASE^_^
Thanks...
BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Teen FictionMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...
![Favorite Song:Part 1[KathNiel]](https://img.wattpad.com/cover/72002726-64-k782889.jpg)