(115)Si Bes o Si Babe?

24 5 0
                                    

Alex' POV



Pagkarating ko sa room ko, wow lang ha!Ang daming letters! Pero di ko muna binasa kasi may next activity pa kami...




"Alex!una na ako sayo ha! hahanapin ko pa kasi ang partner ko..." paalam sakin ni Izzy




"Huh? Bakit kailangan ng kapartner?" tanong ko




"Di ko alam! basta kung sino yung nakapartner mo dun sa pag-aalaga ng bata, siya yung makakasama mo ulit for the next activity..." explain niya




"ahhh...okay..." tangi ko lang sinabi saka siya umalis




Yes!!! Kami ulit ang magkasama!!! Yay! Mabibwiset na naman ako nito..




"Ano na naman kayang pakulo ito???" tanong ko sa sarili ko habang inaayos ang sarili.




Pagkalabas ko ng room...




"Ayos ka na?" ang bigla nyang pagsulpot




Napatahimik naman ako at tinitigan siya...




Paano ba naman kase! Nakasandal dun sa ding-ding, nakapamulsa pa tapos nakacap...




Tapos! Dadalihan pa ako ng ngiti!!!! Nakakatanga na ha!!!




"Bakit babe???" tanong pa niya saka lumapit sakin




"wala..." sabi ko saka kami nagsimulang maglakad at inakbayan na naman niya ako.




"Kailangan pa nating hanapin si Tropang Sister..." sabi niya




"Tropang Sister???!"




"Yun na o!" ang sigaw niya sabay turo kay Ate Elize na papalapit na sa amin.




Ano naman kaya ang mangyayari ngayon...




"Good morning to both of you..." Greet ni Sister Elize samin at binati rin naman namin siya




"Ito ay ang pangalawang activity nyo for this day...So ngayon, tutungo tayo sa isang lugar na tayong tatlo lang...sa isang tahimik na lugar na walang manggugulo..." -Sister Elize




Nagkatinginan naman kami ni Xyrex




"Huh? Nakakacurious naman itong mga activity nyo!" -Xyrex




"We are just doing our best to make your Recollection Day memorable..." sagot ni Sister Elize habang naglalakad kami dun ilalim ng punong mangga na wala nga namang tao.




Wala akong magawa kundi tumingin lang ng tumingin sa paligid.




"Sabagay, ang peaceful nga naman dito..." sabi ko habang fini-feel yung malakas na hangin...




"So...shall we start?" Tanong ni Sister Elize at tumango lang kami pareho ni Xyrex




"Okay..." sabi niya saka kami binigyan ng tig-isang papel at ballpen




"Magtalikuran kayong dalawa..." utos niya




Nagkatinginan naman kami pero ginawa rin namin...




"Okay...pumikit kayo..." sabi ni ate Elize kaya pumikit ako




"Isipin nyo yung lahat ng taong mahalaga sa inyo..."

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon