Alex' POV
Sa wakas! Nakarating na rin kami sa Orphanage...
"Students!!! Quiet!!!!" ang sigaw ng teacher namin kaya agad namang tumahimik ang lahat.
"Pagkababa nyo dito sa bus...hindi mga teachers ang magga-guide sa inyo kundi mga madre na..." sabi ni ma'am
"Buti naman...bumait-bait..." sabi ni Izzy na katabi ko.
Kalog din pala toh...hehehe
"Oras na bumaba kayo sa bus na toh...Pausap na!!! Sana iniwan nyo sa school natin ang mga madadaldal nyong bibig...ipinapaalala ko lang sa inyo, kung ano ang ipapakita nyo sa loob ng orphanage...yun ang lalabas na image ng school..." sabi pa ni ma'am.
Ang harsh magsalita noh? Well ,yan yung adviser namin...kaya naging disiplinado ang mga section one...
Hanggang sa bumaba na kami ng bus...
"Alex! Maiiwan na muna kita ha!" paalam sakin ni Izzy
"Geh! Salamat...kasama ko naman si Xyrex..." sabi ko saka siya nauna sa paglalakad.
Ako naman, hinihintay ko si Xyrex na bumaba...nauna kasi kaming bumaba.
At pagkababa niya...
"Babe...ayos ka lang?" tanong ko agad
Di lang siya nagsalita habang nakatakip ang panyo sa bibig.
Bigla kong nakita si ma'am kaya agad ko siyang nilapitan.
"Ma'am excuse po...sasamahan ko lang siya sa CR...nasusuka po e" sabi ko at nagnod lang siya.
Pagkabalik ko sa kanya, sa halip na ako ang humila sa kanya papuntang CR...
Ako pa ang hinila niya!!!
Teka...ako ba ang magsusuka?
Tapos nung nakita na namin yung CR, pinapasok ko agad siya.
Di ko na siya sinamahan sa loob.
Alangan! Minsan kasi kapag nakakarinig ka ng nagsusuka, parang nasusuka ka na rin...diba???
Tapos pagkatapos niya...
"Ano?nailabas mo na lahat?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis niya at nag-nod lang siya
"Tara na...baka mahuli tayo sa activities..." sabi ko sa kanya.
This time, ako naman ang humila sa kanya.
Pagkarating namin sa malaking gymnasium ng orphanage na toh, nakita namin ang mga batang nakapila at napakaraming madre.
Tapos napansin ko ang mga schoolmates naming magkasama by pair.
Doon namin nakita si Cyra and Warren.
"Bro...ano na ang nangyayari?" tanong nitong kasama ko
"Teka, saan ba kayo galing?" tanong ni Warren
"Sa Cr..." sagot saka napataklob ng bibig si Cyra
"Nasuka kasi ako kanina...so ano nga?bakit magkakapartner kayo?" tanong ulit ni Xyrex
"Ahhh...akala ko kasi kung ano ang ginawa nyo ...basta ang sabi nung mga madre, maghanap daw ng partners...boy and girl..." explain ni Friend.
"Ay sya! Edi kami na lang..." sabi ko
"Sadya! Alangang lumayo ka pa..." sabi ng bf ko

BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Novela JuvenilMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...