Xyrex' POV
Dumating na yung pinakahihintay kong laban...
para kay Alex ...
inaabangan ko rin kung pupunta ba siya para manood...
Dito na kami sa Subdivision nina Herrera nagkita-kita...
masakit man sa paningin pero di ko maipagkakaila na inggit ako
kasama kase nila yung mga gf nila
"Musta Brad?asan si Alex...?" tanong saken ni Troy
"di kami nag-iimikan diba?expect ko na kasama nyo siya ..." sabi ko kase yun naman talaga ang in-expect ko e.
Tapos nagkatinginan pa sila.Inayos ko lang yung buhok ko na lagi ko namang ginagawa ...alam ko na e...
"wag kang mag-alala...tatawagan ko" sabi ni Frances tapos saka nilabas yung phone niya.
"Wag na Frances! kung gusto niya talaga,pupunta siya..." sabi ko tapos binabaan na lang yung cap ko.
"malay mo nakalimutan niya lang diba?ang nega mo kase!"sabi naman ni Gianne.
"Kung gusto niya talagang pumunta,hindi niya yun makakalimutan..."sabi ko tapos tumayo na lang at nilaro ang bola.
Naiwan lang silang tahimik.Wag na kase silang gumawa ng mga palusot para hindi ako masaktan.Ganun parin naman e.
Kung ayaw niyang makita kung paano ko siya ipaglaban kahit ganito ang sitwasyon namin,di ko siya pipilitin.
lintek na sign na yan!!!
dinisappoint ko lang ang sarili ko.
Di rin naglaon,dumating na ang grupo ni Herrera kaya nagsimula na ang game.
"Ayos lang yan insan,isipin mo na lang na ang game na ito ay trip-trip lang nating magkakatropa ..." sabi ni Spade habang naka-akbay.
"Atsaka...pupunta yun noh!hahabol yun! laban ito para sa kanya e!" sabi ni Troy.
"Masakit umasa mga Brad! tara na nga!"sabi ko tapos nagfake-smile
"Magkakabati rin kayo mamaya ...diba???"ang sabi ni Troy sa mga kagrupo namin.
"Sus!Itigil nyo na kung ano man ang plano nyo..." sabi ko
"Basta! ang hina mo e!" sabi ni Troy.
Ako pa ang naging mahina?e ako na nga ang nagpapakamartir dito e.Pilit ko parin syang pinagtatanggol kahit hindi niya ako mahal.
Last na itong katangahang ito PROMISE...
Alex' POV
*Frances calling*
Me: Hello?
Frances: Wag kang etchos kang babae ka!na saan ka ngayon?
Me: Sa kinakatayuan ko ngayon sa lupang sinilangan
Frances: Ulol! Wag mo akong pilosopohin! Wala ka bang naaalala ngayong araw???GOSH!!!
Me: *speechless*
Frances: Ano pa ang tinatayo mo dyan?Go na! Humabol ka naman!!!
Me: E ano lang ba ang gagawin ko dyan?wala naman e!
Frances: Lahat na ginawa sayo nung tao para mapatunayan lang sayo na mahal ka niya tapos....ganyan ka?
Me: *Speechless*
Frances: Alam ko naman na mahal mo rin siya e!Bakit di mo ipakita?!!! nasasaktan na yung tropa ko Alex!!! Nakakalungkot makita na yung kaibigan ko patuloy parin ikaw pinaglalaban kahit nasaksaktan...Pumunta ka na dito please...Para manlang makita mo kung paano ka niya ipaglaban...kung gaano ka niya kamahal...
*call ended*
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.Pumunta na ako sa kabilang subdivision para mapanood ang game nila na para SAKIN...
Siguro nga this is the time para maipakita ko sa kanya na mahal ko siya.
Hindi ko alam na ako na pala ang nakakasakit...
*Court ng kabilang Subdivision*
Nakikita ko na siya mula sa malayo na naglalaro.
Bigla akong nakaramdam ng hiya.
Hiya na magpakita sa kanya
at hiya na magpakita sa buong tropa.
Kaya mas pinili ko na lang na titigan siya mula sa malayo.
Di ko maiwasang umiyak...
Ganito na pala niya ako kamahal pero hindi parin ako naniniwala.
Kailangan pa talagang ipamukha saken ng buong tropa para matauhan ako
Buong game,sa kanya lang yung tingin ko.Hanggang sa matapos na ang game ...
Nanalo sila laban sa grupo ni Vans.
It means,hindi na ako papakialaman ni Vans.Wala ng mang-aapi saken at manggugulo ng buhay kong dati ng magulo.
Nanalo sila pero siya???
Ayun!!!
Nakatungo habang nagpupunas ng pawis ...
Nakatitig lang siya sa buong court na dahilan para mapatitig rin ako.
Marami nga pala kaming memories sa court na toh...
Nagbu-blur na yung paningin ko dahil sa luhang pinipigilan kong tumulo...
"Sorry ha...kung nasasaktan na pala kita...pero alam mo? Mahal na mahal din kita..." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.
Saka ako naglakas loob na puntahan sila sa loob ng court para lapitan...
Try ko ding ipaglaban yung damdamin ko para it's atay...
Xyrex' POV
"Paano ba yan Herrera? Lalayuan mo na ha! " sabi ko pagkatapos ng game.Ngumisi lang siya pero halatang asar.Kaya bumalik na ako sa tropa ko.
Ayun!!!
Mga nasa tabi ng Gf nila.Nagsisipunasan ng pawis at nainom ng tubig.
Pinunasan ko na lang ang sarili kong pawis.Ang sakit ng kamay ko! Bakit ba ang tagal nitong gumaling?
Napatitig na lang ako sa buong court...
Last na punta namin dito,masaya kami...
tapos ngayon,ganito???
Wala na!Hindi siya pumunta!Hindi niya ako pinanood!
So it means...
Hindi niya ako mahal...
Narinig ko pa yung bulungan nila...
"Akala ko ba meh tinawagan mo na?bakit di parin dumating?" bulong ni Troy
"Tinawagan ko naman talaga sya e! pero hindi parin e!" sagot ni Frances
Tumayo na lang ako sa kinakaupuan ko at ngumiti
"Itigil nyo na yan! Tapos na ang laban! uuwi na ako..." sabi ko habang inaayos ang gamit ko. Tapos may narinig ako.
"Andyan na pala e...super late nga lang..."sabi ni Insan kaya napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kanya
"Dumating ka pa? e tapos na! ano pa ang papanoodin mo?" sabi ni Gianne
"Sabi ni Frances,Humabol!!!edi humabol ako..." sabi niya
pero napansin ko na parang galit si Frances.Bakit kaya?
"Let's celebrate na lang kaya! tagay tayo sa tambayan!!!" sabi ni Troy
"Bawal ako...uuwi na lang ako..." ang sabi ni Frances na iba ang tono ng pananalita
"Ipapagpaalam naman kita meh sa mga soon to be parents ko e! wala ka ng dapat problemahin ..."sabi ni Troy tapos inakbayan yung syota niya.
"Sunod na lang kayo sa tambayan ha!una na kami!" pagpapaalam nina Troy at Frances habang nakasakay sa motor.
"geh! ingat brad!" sigaw ko at umalis na rin sila
"Insan! iaangkas ko na saken si Gianne ha! bahala ka na kay Alex..." sabi ni Spade.
May sarili na kase siyang motor e.Regalo ng parents niya nung pineresent yung project nila sa buong school...
tapos bago pa kami iwan, ngumiti muna ang dalawa ng nakakaloko...
Nagtaka lang ako kay Alex...
Hindi manlang siya nagreklamo na sakin siya sasabay???
Una akong lumabas ng court at ramdam kong nakasunod siya saken papunta sa motor kong nakapark...
Sumakay kami ng walang imikan
Kahit na minsan ay nagkakasalubong ang mata namin,ako na ang unang umiiwas.
Nakuha niya pa talagang humawak sa bewang ko habang nasa byahe...
Naguguluhan ako!!!
Pero pinipilit kong ipasok sa kukote ko na HINDI NIYA AKO MAHAL ...
Habang nasa byahe na kami papuntang tambayan at malapit na kami...
Saka nangisay ang kamay kong namamaga na dahilan para hindi ko makontrol ang manibela ...
Medyo nagpapagewang-gewang na kami sa daan na dahilan para simulan akong kabahan...
Naramdaman ko yung mahigpit nyang pagkapit sa bewang ko na nagpaparamdam saken ng takot...
.
Feeling ko,isa na namang pagkamartir ang ipapakita ko kapag nakuha ko parin siyang sagipin sa disgrasya na toh...
KAHIT ANG MAHAL NYA 'Y HINDI AKO
Akala ko ba last na Katangahan yung kanina???
aba't !!!!
may Humabol pa!!!!
petengene ow!!!!~~~
•vote•comment
BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Fiksi RemajaMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...