(27)Hangover

33 9 1
                                    

Today is Tuesday,ganun parin ang panahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Today is Tuesday,ganun parin ang panahon .

Makulimlim 'yong langit pero sa ngayon wala ng ulan ,baka mamaya pa babagsak.

Kung tatanungin nyo kung ano ang nangyari sa 'ming mag-ama kagabi,wag na.

Lalo ko lang mapapatunayan sa inyo kung gaano ako kawalang-kwentang anak.

Pagkagising ko wala na ulit 'yong magaling kong ama.Ano ang gagawin ko? Bumisita nga lang diba?Pero ayos rin sya ha!

Plantsado na ang mga uniforms ko,may almusal na ako,may mainit na tubig na akong panligo,nakasampay na 'yong mga tubal ko at linis na ang buong bahay.

Dapat lang 'no!Hindi na nya nagagawa 'yong mga responsibilidad nya sa bahay na ito.

For sure,next month ata ulit 'yong dating nya.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko si Xyrex.

'Yong agang-aga ito ang tayo:Nakapamulsa 'yong dalawang kamay,nakasandal sa poste,nakatungo tapos nakacap.Gwapo ba?

Hayy nako, parang iba ata ang aura nya ngayon.

Nakita na nya akong lumabas pero di nya parin ako nilalapitan kaya ako na ang lumapit sa kanya.

"Anong meron sa 'yo ngayon?"tanong ko tapos pinitik 'yong tip ng cap nya.

Tumingin lang sya tapos inayos 'yong buhok at saka binalik ulit 'yong cap.

Umayos na sya ng tayo at kinuha 'yong bag ko tapos saka naglakad.

"Hoy!Boss! Ayos ka lang ba?"tanong ko ulit.

"Wala 'to" Sabi nya tapos hinawakan lang 'yong ulo nya.

Tumahimik na lang ako habang naglalakad kami at nagsalita sya,"Boss,pwede gang mag-tricycle tayo papuntang school?"tanong nya tapos humawak sa kamay ko .

Napatingin ako sa kamay na'min pero hindi nya parin binitawan.

Nung tiningnan ko 'yong mukha nya parang puyat na ewan.

Bakat na bakat 'yong eyebags nya tapos ang mata nya singkit na parang bagong gising pero ang astig ng dating ng eyebags niya ha!Parang pogi points pa.

"Masama pakiramdam mo 'no?" Tanong ko sa kanya.

"Hangover..."sagot nya ng hindi nakatingin sa 'kin.

"Sige, kapag may dumaang tricycle ,sasakay tayo." Sabi ko pero tahimik lang sya.

Hanggang sa may dumaang tricycle kaya sumakay na kami .

Hindi nya parin nakakalimutang maging gentlemen ha!Ako parin ang pinauna nya sa tricycle.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon