Una
4th year highschool ako sa Calagayan National. Isa 'yung school na pwede nang ipasok sa Guiness Book of World Record dahil sa dami ng nagma-malfunctiong electric fan at palpak na electrical system.
Kalalabas lang ng Araling Panlipunan teacher namin sa room pero aakalain mong may nagtitinda na ng gulay at isda sa loob. 'Yung mga kaklase ko kasi kung mag-usap parang nagte-teleport ang isa, kailangan talaga nagsisigawan.
Inabot ko ang bag ko sabay labas ng ballpen at papel.
Hay, Summer, maawa ka naman. Sticky pad at isang sign pen na lang ba ang makakatanggap ng mga kadramahan mo sa buhay? naisip ko habang lumilipad ang diwa ko papunta sa taong nagmamay-ari ng armchair sa'king harapan.
Si Eronin Diaz.
Ang pre-school, kinder, elementary, at high school crush ko.
Hindi ako palatinging tao pero 'yung eyeballs ko, bestfriend yata ang mukha niya. Gustong palagi doon nakatambay. 24/7 nakatulala: umulan, umaraw. Kahit noong elementary na mukha pa siyang taong grasa at every 5 seconds ay may lumalabas na something sa ilong niya, ang lakas ng trip ko kasi feeling ko parin, isa siyang Greek god na pinalayas ni Zeus sa Mt. Olympus.
Gaya ngayon, naka-glue na naman ang mga mata ko sakanya. Nasa likod lang naman niya 'ko pero para akong paranoid na nag-iisip na mawawala siya sa pwesto niya kapag kumurap ako ng two seconds. Tumatawa siya ng malakas habang niyayakap ko siya sa utak ko.
Hindi siya magkamayaw sa kahahampas sa binti. Pa'no, nagkukulitan na naman sila nung Chinese mestizo na nadeform ang mukha sa sama ng ugali, si Chan Sy.
Kung forever crush ko si Eronin, si Chan naman ang forever bestfriend niya. Oo, kahit gaano kasama ng mukha- este ng ugali ni Chan, hindi siya maiwan ng baby ko.
Oo ulit, baby talaga. Quota na 'ko sa pagka-hopia simula pre-school kaya shinota ko na siya sa utak ko noong Grade 6 pa lang. Four years na silang mag-on ng malanding utak ko pero ako, in the flesh, umaasang maging pink ang uwak sa tagal nang naghihintay.
Anyway, back to Chan. Nako, sa sobrang close nilang dalawa, kakabugin nila ang Boy Abunda-Kris Aquino tandem. Kung 'di ko nga lang magiging asawa itong si Eronin, iisipin kong baka may affair sila, matagal na. Nakakapagtampo pero pake ko. Mas iisipin ko pa ang hugasin sa bahay na tinakbuhan ko bago ako sigawan ni Mother dear papasok ng school.
Dahil breaktime naman, inilabas ko ang baon kong Plus na juice at Hansel crackers na pasalubong kagabi ni Tatay. Tight ang budget e, kaya hindi muna ako makakabili ng favorite kong siomai sa canteen.
Habang ngumunguya ako, pinagmamasdan kong mabuti si Eronin na halos mag-ihit na dahil sa sinasabi ni Chan, "Eh ano namang tawag sa malaking samahan ng mga bear? Edi BEAR-anggay!"
Umirap ako sa kawalan. Taragis na 'yan. Lumapit ako ng bahagya kay Eronin para bumulong. "Ang korni naman n'yan, tawa ka pa ng tawa."
Pero hindi niya ako pinansin.
"Wow ah? Ang gwapo mo."
Kainis 'to. Halikan kita diyan e!
Ayaw niya akong lingunin pero nakita kong napangiti siya. Miya-miya, hinampas niya ako ng Goodmorning Towel na tinitinda ng Papa niya. Si Mang Noli, isang towel vendor sa may terminal ng bus sa bayan. Si Aling Lian, yung nanay niya, O.F.W. naman sa Singapore.
Oy, 'wag kayong judgemental. Hindi ako stalker. Sadyang simula matres, magkatabi na talaga ang bahay ng mga magulang namin. Opo, magkapit-bahay kami.
"Epal 'to," natatawang singhal niya sa'kin. "Ayan, ayaw na tuloy magkwento ni Chan."
Pansin ko nga e. Tumigil kasi siya tapos tumingin ng masama sa'kin.
Kung forever crush ko si Eronin at forever silang mag-bestfriend, si Chan naman, forever frenemy ko.
Noong Grade 5 kasi, sinisilipan niya 'ko sa ilalim ng palda. Inaagawan niya rin ako ng pagkain minsan, binubully, at tinatawag na kung ano-anong masasamang bagay. Sa sobrang inis ko, isang araw, sinapak ko siya. 'Ayan, forever bitter tuloy ang peg ni Kuya. The feeling is mutual, though.
Frenemy ko siya dahil friend siya ni baby at enemy ko siya. Hmp!
Sa totoo lang, close naman talaga kami ni Eronin. Tipikal na magkababata. 'Yung childhood days ko, 70% yata ay kasama siya. Sa sobrang close namin, nag-empake bigla ang dila ko at 'di ko magawang magtapat ng feelings.
Nakakahiya kasi, baka kapag sinabi ko 'yung totoo, umiwas siya sa'kin o 'di kaya'y pagtawanan niya 'ko. Nakakatanga pa naman ang ugali ng isang 'to. Parang color game, hindi ko ma-predict, nakakaloka!
"Pakisabi sa bestfriend mo, ang arte niya," sabi ko. "Dukutin ko mata niyan, eh."
Tumawa siya sa sinabi ko. "Oy, wag naman. Masyado ka namang hard. Pero teka, kaliwa ba o kanan?"
Humagalpak kami ng tawa kahit na si Chan ay nagkukulay kamatis na sa inis.
"Pwede both?"
"Isa lang. 'Wag sugapa. Baka---
His words trailed off when somebody stepped inside our classroom and made it harder for him to breath.
Si Freya Solemar.
Ang pre-school, kinder, elementary, at highschool crush ni Eronin.
-&-
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018