Dalawampu't Anim
Matapos ang tila mala-roller coaster ride na heart-to-heart talk namin ni Apollo, ay agad kong hinanap si Eronin.
Nakita ko siya sa harap ng school. Nakaupo sa isa sa mga benches. Nakabusangot ang mukha.
Napangiti ako sa sarili bago ko siya lapitan.
"Uy."
Tinabihan ko siya at siniko pero ang kumag, ni hindi man lang ako nilingon. Aba!
"Uy, galit ka ba?" Siniko ko muli siya at nakita kong umikot ang mga mata niya.
"Che. 'Wag mo 'kong kausapin."
Hala. Nagtatampo ba 'tong Baby mo, Brain? Lagooot!
Humalukipkip siya at sinamaan ng tingin 'yung fountain sa harap namin. Mabuti na lang at malilim dito sa inuupuan niya kaya hindi ako naba-badtrip sa santing ng araw.
Siniko ko siya ulit pero lalo siyang humalukipkip.
"Uy, sorry na." Niyugyog ko ang katawan niya pero wa epek. "Eronin naman. . ."
"Bakit ikaw pa 'tong nagpapaawa?" aniya, hindi nakatingin sa akin. Masama ang tingin sa tubig na inilalabas ng fountain. "Matapos mo akong pigilang wasakin ang pagmumukha ng Kanong Hilaw na 'yon? Tsk! Doon ka na sa Apollo mo!"
"Ay, grabe siya."
Naiiling na natatawa na lang ako sa attitude niya. Minsan talaga, iniisip ko kung five years old siya at hindi seventeen.
Kahit anong gawin kong pagtulak at pagsiko sa kaniya, hindi talaga niya ako tinitignan! Nakakaloka.
"So hindi mo talaga ako kakausapin? Hindi mo talaga ako haharapin?" tanong ko matapos ang ilang beses na trial para kuhanin ang atensyon niya na nauuwi sa nganga.
Umiling siya kaya't napabuntong hininga na lang ako.
"Okay," sambit ko saka ako tumayo. Kapansin-pansin ang pagkabigla niya. Hindi niya yata ine-expect na titigil ako sa kakakulit.
Kahit naman siguro ako, magtataka sa sagot na 'okay'. Marami naman kasing ibig sabihin 'yon. At sa puntong ito, ang 'okay' ko ay lumalabas na pagsuko sa pagsuyo sa kaniya.
"Mauna ka nang umuwi," sabi ko bago ako tumayo upang tumakbo palayo.
***
"Magandang gabi po, Mang Noli."
Pumasok ako sa bahay nila Eronin at naabutan ko ang Papa niya na nanonood ng TV sa salas. Usually, ganoon lang din ang routine ni Diaz pagsapit ng gabi, ngunit hindi kabilang ang gabi na ito sa mga 'yon.
Matapos kong umalis kanina at hindi sinabi kung saan pupunta, hindi na sinasagot ni Eronin ang tawag ko. Ni mga chat ko sa Messenger, hindi sini-seen! Grabe talaga magtampo ang isang 'yon!
Galing pa ako sa bahay, naghapunan at nagpalit ng damit bago pumunta sa kanila.
Malawak ang ngiti sa akin ni Mang Noli matapos akong batiin pabalik. Lumapit ako sa kaniya matapos kong hubarin ang tsinelas ko. Nagmano ako.
"Si Eronin ba ang hanap mo?" nakangiting tanong niya sa akin. Agad akong tumango. "Ay, nako, iha. Hindi ko alam kung gising pa, eh. Puntahan mo na lang sa kwarto niya."
Muli akong tumango at papaalis na sana ngunit muli siyang nagsalita kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Kayo baga ay nag-away na dalawa?"
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018