Tatlumpu't Dalawa

17 1 0
                                    

Tatlumpu't Dalawa

Ang una kong ginawa pagkauwi? Ang i-unblock siya. At nagulat ako nang makitang ako ang Display Picture niya sa Facebook.

Kahit kating-kati na ako na i-chat siya, hindi ko magawa. Paano? Kung halos mabitawan ko na ang cellphone ko sa sobrang kaba.

"Icha-chat ko ba?" bulong ko sa sarili matapos i-type ang pangalan niya sa Messenger. Hindi ko na siya friend dahil binlock ko siya kaya pahirapan pa bago ko makita ang pangalan niya sa search results. "Ano, chat ba o exit na lang?"

Para akong timang na ngumingiti mag-isa sa loob ng kwarto. Kahit na mukha akong ewan sa maliit na bilog na display picture ng profile ni Diaz, sagad sa buto ang kilig na nararamdaman ko.

Ang landi mo, Brain!

"Bahala na nga," bulong ko at pikit matang nag-type.

Hey.

Tinitigan kong mabuti ang tatlong letra bago ito i-send. Napangiwi ako nang maisip na ang baduy kaya agad ko itong binura.

Kamusta?

Ang awkward naman. Hindi. Hindi pwede. Binura ko ulit ito.

Eronin?

Wow. May amnesia at nakalimutan bigla ang pangalan? Hindi rin pwede.

May isang oras rin siguro akong tila baliw na magta-type at magbubura bago ako makapag-send ng tuldok.

Oo, sa sobrang nginig ng kamay ko, tuldok na lang ang nai-send ko.

Pikit-mata kong hinintay kung magrereply ba siya pero inabot na ako ng isang oras at humupa na't lahat ang kaba ko ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kaniya.

Baka busy.

Kaya sa halip na mabaliw sa kahihintay, ini-stalk ko na lang ang Facebook profile niya. Marami siyang post tungkol sa Mama niya at sa mga kalokohang ginagawa niya kay Aling Lian. Nandiyan 'yung gugulatin, hahalikan bigla, at titirintasan ng buhok. I saw how happy Aling Lian was because she's with her son. Halata sa bawat ngiti ng Mama ni Eronin kung gaano niya ka-miss ang anak. And I'm happy for her. Siguro, iyon na 'yung silver lining para sa lahat ng nangyaring hindi maganda sa aming dalawa ni Diaz.

Panay ang buntong-hininga ko sa pagbabasa ng mga status updates ni Eronin at nakikita kung gaano siya kalungkot na iwan ang Pilipinas at kasaya dahil kasama na niya ang kaniyang ina. Mostly ay malungkot. At mostly ay tungkol sa akin.

Hindi ako nag-aassume na tungkol sa akin, dahil nakalagay ang pangalan ko sa bawat updates.

Miss na miss ko na si Summer Madrigal. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Summer, kung kasama mo ang Kanong Hilaw na 'yan. . . sige lang. Basta sa akin ka babagsak. HAHAHA

3 months already. I really want to go home. Hi, Summer. Do you miss me now?

Ilan lang 'yan sa mga status niya tungkol sa akin. At napapailing na lang ako dahil kahit nandoon siya ay puro kalokohan pa rin ang alam niya.

Habang nagii-scroll ako sa timeline niya, halos mapa-iktad ako nang makitang nagpop-up ang chathead niya sa screen ng cellphone ko. At 'yung kaba ko kanina, bumalik sa isang iglap.

Pigil-hininga kong pinindot ang notification.

Summer!

Hindi ko mabilang kung naka-ilang emoji siya at kung anu-ano ang mga iyon nang buksan ko ang message. Ang natatandaan ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para nang mawawasak ang ribcage ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Maka-ilang segundo ang lumipas ay biglang tumutunog ang cellphone ko.

Diaz Panget Calling. . .

In-unblock ko na rin kasi ang number niya sa cellphone ko.

Kinakabahan man, nakangiti ko pa ring sinagot ang tawag niya.

"S-summer?" Tila nag-aalinlangan pa siya. "Ikaw ba talaga 'to?"

Napalunok ako. "O-oo."

"Shit," narinig ko siyang sumigaw. "Fuck shit!" Hinintay kong humupa ang pagkabigla niya bago siya muling nagsalita. "Sorry for my words, but shit. I can't believe I'm really talking to you. As in FUCK."

Nanginginig man, tumawa ko. "Napunta ka lang sa Singapore, naging English speaking ka na," loko ko at narinig ko siyang magbuntong-hininga. "Kamus—

"I missed you," bigla niyang sabi at napatahimik ako. "I missed you so, so much."

Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng luha ko.

"Sorry. Sorry sa lahat. Alam kong nasaktan kita. Please, ayusin natin 'to. Please, give me another chance. Please, patawarin mo na ako. Please, sana ako pa rin," sunod-sunod niyang sabi at mamaya-maya'y narinig kong humihikbi siya. "Please, Summer. Please."

"Hindi ka naman napalitan, eh," nakangiti kong sabi sa kabila ng mga luha. "May makakapalit ba naman sa isang Eronin Diaz?"

"Summer. . ."

"I missed you too," sabi ko at natahimik sa kabilang linya. "Ayusin natin 'to, okay? Ayusin natin 'to dahil mababaliw ako kung hindi."

"Are you crying?" tanong niya kahit banaad naman sa boses niya na umiiyak rin siya.

"Hindi, ah. Korni mo."

"Are you crying? Because I'm crying like hell."

Noong gabing 'yon, umiyak kami at tumawa dahil pareho naming alam na nakuha na namin ang second chance na ilang buwang nawala.

Umiyak kami at tumawa dahil napalitan na ang mga sakit na pareho naming nakuha at pareho naming ibinigay sa isa't isa.

Umiyak kami at tumawa dahil simula na ng paghihintay ko. . . sa pagbabalik niya.

-&-

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon