Wakas
"Nagpapa-yummy pa si Papa Ero, yummy na nga," nakakuha ng tawanan mula sa tropa ang sinabi ni Christin maliban sa isa.
"Babe," tinapunan siya ni Apollo ng masamang tingin sabay bitaw nito sa pagkaka-akbay sa nobya.
"Joke lang, Babe." Ibinalik niya sa kaniyang balikat ang pagkakaakbay ni Apollo saka ito mabilis na hinalikan sa pisngi. "Ito naman, hindi mabiro. Alam mo namang ex-crush ko si Papa Ero, hindi ba?"
"Ex-crush?" Kunwari ay nandiri siya. "Please."
Christin and Apollo's story was not my story to tell. But I was a witness to their rollercoaster emotional ride of love. Hindi man sila okay nang magsimula, at least they found a way to each other's heart.
This morning was Eronin's flight to Manila. Pagkatapos na pagkatapos niyang magmartsa para sa graduation niya bilang Industrial Engineer, lumipad na agad siya pauwi.
Oo, kinakabahan ako sa muli naming pagkikita matapos ang halos limang taon, pero mas nangingibabaw sa akin ang saya. Saya na harap-harapan ko na ring makikita ang mga ngiti niya at hindi sa Skype o FaceTime lang. Saya na maririnig ko nang muli ang boses niya at hindi sa cellphone, landline, o Messenger lang. Kinakabahan ako na nae-excite.
Magtatatlong taon na ako sa trabaho bilang Systems Analyst sa isang maliit na IT Firm sa bayan ng Calagayan, at magtatatlong taon na rin akong naghihintay na tanungin ni Eronin kung kailan magiging kami.
Nakakahiya mang aminin pero hanggang ngayon, nakakapit pa rin ako sa for keeps promise namin na magiging kami matapos kong grumaduate. Pero nagkatrabaho na ako't lahat-lahat at nakagraduate na si Diaz at lahat ay hindi pa rin kami nagle-level up.
Oo, siguro nga sa turingan namin ay hindi na namin kailangan ng label para masabing kami na, pero iba pa rin 'yung pakiramdam ng may official ownership kayo sa isa't isa—na hindi ko alam kung sumasagi man lang sa isip ni Eronin.
Mabuti pa si Brain, naaalala siya ni Diaz at laging sinasabihan ng I miss you, eh ako?
Eleven years na silang mag-on, eh ako?
Minsan nakakatampo na rin.
Daldal lang ng daldal si Christin habang kaming lahat ay tumatawa sa mga kalokohang pinagsasabi niya, maliban ulit kay Apollo. Ewan ko ba dito sa dalawa. Bihira mong makitang magkasundo sa argumento pero panay naman ang lambingan. Iyon na siguro ang epekto kapag nakipagrelasyon ka sa ka-level mo ng IQ.
Simula ng maging okay kami ni Eronin, naging okay na ulit silang magkakaibigan. They even said sorry to Eronin, siyempre, pati ako na pasimuno ng lahat ng hindi pagpansin. Para makabawi, kahit busy sila sa kani-kaniya nilang trabaho ay pinilit nilang sumama ngayon dito sa restaurant na ni-reserve ni Mang Noli para sa welcome party ni Eronin at ni Aling Lian.
"Bakit hindi kasama parents mo?" tanong sa akin ni Jaya sa gitna ng tawanan. "Hindi ba sila pupunta?"
"Nako, hindi yata, eh," sagot ko. "Check-up kasi ngayon nung kapatid ko kaya baka hindi makapunta."
Tumango siya. "Eh, 'yung papa ni Eronin?"
"Sinusundo siya sa airport."
"Bakit hindi ka kasama?"
Agad akong umiling. "Ayoko. Kinakabahan ako."
Tinapik ni Jaya ang balikat ko saka niya ako hinapit para yakapin. "Masaya ako para sa'yo. You two deserve to be happy."
"Thank you."
Bago magkalas ang yakap namin ay nakita kami ni Christin.
"Oy, ano 'yan? Bakit hindi ako kasama d'yan?" Lumapit siya sa amin at inipit kami sa mga bisig niya. "Ang daya niyo!"

BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018