Ikalabing-tatlo
Never kong na-try magdroga, pero sa lagay ng pakiramdam ko ngayon, feeling ko nakahithit ako ng ecstasy.
Ngayon alam ko na ang kahalagahan ng atentibong pakikinig. Kung bakit naman kasi lumilipad kung saan ang utak ko kagabi at hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya? Mukha tuloy akong zombie ngayon. Hindi ako nakatulog sa kaiisip kung pumayag ba talaga ako sa set up na may chansa pang hindi mag-work ang kahibangang pagmu-move on ni Eronin Diaz.
Taragis na pag-ibig 'yan. Sino bang nakaimbento niyan? Ipapa-sapak ko.
"Rain," tawag ko sa kapatid ko habang binabantayan ko siyang naglalaro sa salas. Naglatag ako ng foam na puzzle, doon kami nakaupo. Mabuti nalang talaga at sabado ngayon kung hindi, paniguradong lutang ako sa school sa mga oras na ito.
Tumingin sa'kin si Rain gamit ang bilugan niyang mga mata. Hinalikan ko muna ang pisngi niyang kay lambot-lambot bago ako yumakap para tanungin siya. "Bakit ba ang tanga-tanga ng ate mo? Bakit ba kung kaylan kailangan niya ang function ng utak niya, saka hindi ito nagana? Bakeeeet, Rain? Sagutin mo si ateeeeee. Bakeeeeet?"
Sira na yata talaga ang ulo ko. Dinadamay ko pa ang bata. Buti nalang at kami lang dalawa sa bahay, dahil baka magpakain na ako sa lupa kapag narinig ako nila Mother-dear na nagbabaliw-baliwan ng ganito. Si Tatay nasa trabaho, si Nanay naman nagbabayad ng kuryente sa Meralco. Tutal wala naman akong pasok, sa akin muna iniwan si Rain. Sanay naman ako na alagaan siya kaya hindi ako nahihirapan.
Iniangat ko ang ulo ko para tignan ang reaksyon niya. Kunot ang kanyang noo pero medyo nakangiti ang kaniyang mga labi.
Siguro iniisip nito ngayon na timang ang ate niya.
Yumakap ako ulit sa kanya. Ito lang ang maganda sa batang 'to, eh. Gusto lagi ang yakap at kiss galing sa ate niya. Hindi nagrereklamo. Minsan lang itong maglikot kaya ang sarap sarap alagaan.
"'Wag mong gagawing second option si ate kapag hindi nag-work ang mga plano mo sa buhay, ah? Masakit 'yun, Rain. Sobrang sakit."
Itinuro ko pa ang dibdib ko para ipakita sa kanya. Abala na siya ulit sa paglalaro ng paborito niyang cotton figure ni Woodywood Pecker.
"Hindi ko naman kasi maintindihan sa ulupong na 'yun kung bakit pa niya kailangang i-consider na hindi gagana ang mga plano namin. Ang sakit kaya. 'Yung nakapangako na kayo sa isa't isa tapos sa isang iglap, nawalan ng security ang pagsasama niyo. Ang saklap," humiga ako sa tabi ni Rain. Nasa may bandang tiyan ko siya. Gusto kong umiyak dahil sa mga sinasabi ko. "Nyemas, Rain. Ang sarap pumatay ng paasa ngayon."
"Sinong papatayin mo?"
"AY SANTONG KINALMOT!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang biglang may magsalita sa bandang tagiliran ko. Nakita kong bukas ang pinto at may imahe ng lalaki akong nakikita na nakasandal sa frame nito. Lahat ng kahibangan ko kanina, biglang nag-evaporate.
Brain, sige lang. Landi lang sa lalaking tinitignan mo. Landi parin kay Eronin Diaz sa kabila ng lahat. 'Wag kang susuko. Gusto mo 'yan di ba? Pwes. Magdusa ka. Shunga shunga ka kasi, eh. Ayan.
"Anong ginagawa mo rito?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Inayos ko ang damit ni Rain para kunwari abala kahit na wala namang gusot doon. "Bigla bigla ka nalang pumapasok. Uso kumatok."
"Kailan pa naging big deal ang pagkatok ko?"
"Ngayon lang."
Naramdaman kong lumapit siya sa'min sabay tabi sa kabilang gilid ni Rain na para bang hindi niya ako dinaanan. "Hi, pogi. Highblood si ate mo, ano? Meron ba siya?"

BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018