Ikaanim

67 1 0
                                    

Ikaanim

Meron pa akong ten years para maging bride-to-be ni Eronin. Narinig ko kasi minsan habang nag-uusap sila ni Chan na sa edad na twenty-six, gusto na niyang magsettle, maging ama, at magkaroon ng mapagmahal na asawa.

Overqualified ako sa posisyon na 'yon pero puslit na puso niya, ang laki ng problema sa presensya ko. Si Freya lang yata ang may access doon mula pa dati. Nakaka-insecure tuloy. Kaya nga ngayon, medyo nahihiya ako sa posisyon ng kamay naming magkahawak. Pakiramdam ko bigla, umeepal ako sa love story nilang dalawa.

Pero paano naman ang love story namin?

Sige ang hila sa'kin ni Eronin habang halos matunaw na siya sa kakatitig ko.

Bakit ba kahit anong gawin nito, gwapo parin sa paningin ko? At bakit kahit anong gusto nito, pumapayag ako?

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Kaninang kanina pa ako nagtatanong pero ang siraulong si Eronin, ayaw paring sabihin sa'kin.

"Malapit na tayo. Sumunod ka lang." Nakangiti siya kaya hindi ko magawang magprotesta. Taragis na ngiti 'yan.

Sakay ng escalator, umakyat kami sa 2nd floor ng SM Calagayan kung saan tumigil kami sa bilihan ng mga alahas. Nagpumiglas ako kaya huminto siya sa paghila.

"Ay grabe," pasinghal ang bulong ko. "May pambayad ka ba diyan?"

Tumawa siya sabay hila sa'kin para tuluyang makapasok sa loob ng isang cheap-priced Jewelry shop na may pangalang Precious Stones.

"Para kang sira, dadalhin ba kita dito kung wala akong pera?" Inakbayan niya 'ko. Lumapit kami sa estante na punong-puno ng alahas. "Pili ka na."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?"

Parang nabingi yata ako. Hindi man ganoong kamamahal ang tinda ay para paring may sumabog na bulkan sa aking tenga.

"Ang sabi ko, pumili ka na. Hindi ko alam ang ireregalo ko sa'yo kaya isinama na kita dito."

Naguluhan ako. "Ano bang meron?"

Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ito. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi ko birthday.

Ngumiti siya. "Basta pumili ka lang."

Kahit naguguluhan, namili ako. Tinulungan pa ako nung isa sa mga saleslady kung ano ang bagay sa'kin. Pinamilian namin kung singsing ba, kwintas, o porselas. Si Eronin, biglang humiwalay sa'kin. Nagpa-assist siya doon sa isang saleslady na halata namang nagpapa-cute sakanya. Kulang nalang burahin ko ang mukha noong babae sa sobrang inis.

Hindi ko pinansin si Eronin hanggang sa makapagbayad na siya at lumabas kami ng shop. Inilabas niya ang kwintas na napili ko. Akala ko'y iaabot niya sa'kin pero nagulat ako nang buksan niya ang kahon at sumenyas na tumalikod ako.

"B-bakit?"

Pinilit niya akong itinalikod sakanya. Nangungunot ang noo ko pero napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na metal na dumampi sa leeg ko. Isinuot niya sa'kin ang kwintas.

"'Wag mong iwawala 'yan, ah," aniya pagkaharap ko. Hindi ako makapagsalita. Tinignan ko lang siya, nagtataka ang ekspresyon ko.

"Alam kong naguguluhan ka kung bakit kita binigyan ng ganyan," tumawa siya. "Nakalimutan mo na ba?"

Nangusap ang mga mata niya. Hinihintay na may sabihin akong tama pero wala talaga akong maalala kung anong espesyal na araw ngayon. Umiling ako.

"Fifth year anniversary na namin ng utak mo," sabi niya na ikinapatay ng lahat ng brain cells ko.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon