Ikalabing-isa

64 0 0
                                    

Ikalabing-isa

Mayroon lang kaming one and a half hour para matapos ang exam. Nanginginig ang mga kamay ko sa pagshade ng mga bilog pero todo ang effort ko sa pagko-concentrate kahit na paminsan minsan ay sumusulyap ako kay Eronin para kumuha ng landi support.

Dear brain, hindi ka na yata nagpa-function kapag wala ang baby mo. Anong petsa na? Bago-bago.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa last part ng test. Nasa Social Sciences na ako nang magsalita ulit si Miss G.

"Last 10 minutes. Finalize your answers."

Triple na ang kabog sa dibdib ko. Kada nabablangko ang utak ko, napapapikit ako at napapadasal. Gaya ngayon,

Lord, tulong.

Sa huling limang tanong na natira sa'kin ay hindi pa ako sigurado sa sagot kaya nagmini-mini-maynimo na lang ako. Examiner's luck na lang kaysa wala talaga. Baka may tumama pa kahit dalawa.

"Okay, pass your papers forward." utos ni Miss G nang matapos na ang oras. Doon lang din ako nakahinga ng maluwag kahit na may alangan parin.

Sa wakas, tapos na. Pasa kaya? Sana.

Ibinalik na ni Miss G ang mga test papers sa brown envelop habang umuusbong na muli ang ingay sa buong hall. Nag-aayos ako noon ng gamit nang kulbitin ako ni Eronin.

"Kamusta? Mahirap ba?"

Kung mukha akong haggard dahil sa stress ng pagsagot, siya naman mukhang kaliligo palang. Bakit ba ang unfair ng buhay?

Umiling ako sabay simangot. "Ang hirap. 'Yung mga pinag-aralan natin, may pagkakahawig sa mga tanong pero, tae, ang hirap parin."

Magsasalita pa sana siya pero nakuha ni Miss G ang atensyon namin kaya napatingin kami sa unahan.

"The result of your exam will be posted at the bulletin board next week. Kindly go to the Guidance Office once you see your name. Doon namin ibibigay ang schedule ng General Orientation ng mga nakapasa," aniya. Ngumiti siya bago damputin ang envelop. "So, goodluck sa inyong lahat. Sana majority sa inyo ay makapasa."

Nagsitayuan na kami at dinumog ang pintuan ng hall papalabas.

"Anong oras na?" tanong ni Eronin sa'kin habang wala sa wisyong nakagawa kaming lahat ng pila. Nasa may bandang gitna kami. Sinisiksik kami ng mga nasa likod pero palihim ko silang sinisiko kaya lumuluwag sa pwesto ko. Ano ba 'yan. Parang aalis ang pinto.

Dakilang hindi maburloloy si Eronin sa katawan kaya't kahit relo ay wala siya. Itinaas ko ang kanang braso ko para tignan ang oras sa tanso kong relo.

"2:15 PM," sabi ko sakanya. Inaalalayan niya ako palabas sa tulong ng pag-akbay sa'kin, gaya ng palagi niyang ginagawa. "Maaga pa. Uuwi na agad tayo?"

Tinahak namin ang daan ng mahabang hallway kasabay ang mga examinees papalabas ng eskwelahan. Pumuwesto kami sa may lilim ng puno ng acacia noong nakalabas na kami ng PNC. Tumingin siya sa'kin bago maglabas ng panyo.

D'yan naman kami magkasalungat ni Eronin. Kung siya, paladala ng panyo, ako hindi. Kung ako mahilig sa mga accessories, siya hindi. Isang beses ko lang yata 'yang nakitang mag-kwintas. Noong kinasal ang tiyahin niya na taga-kabilang bayan at abay siya. Pinilit pa nga siya ng Papa niya. Minsan lang daw naman. Eh, kaysa masusot lang siya kay Mang Noli, sumunod nalang siya. Masyado kasi 'yang mabait na anak.

"Pwedeng oo, pwede ring hindi," sagot niya habang nagpupunas ng pawis. "Okay lang naman na mamasyal muna tayo. Basta before 6 o 5 ay nasa bahay ka na."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon