Ikawalo

41 0 0
                                    

Ikawalo

Umuwi kami nang alas-cinco ng hapon matapos naming kumain na parang nagde-date kasi nyemas, parang ngayon lang kami nagkita kasi nagkakahiyaan pa kami.

Dinaan na lang namin sa biro ang mga nangyari kaya nawala ang pagkailang namin sa isa't isa.

"Ay, nagsalita ang muntikan nang mapaiyak," sabi ko matapos niyang sabihing, "Iyak ka ng iyak, ang drama mo," habang kumakain kami sa Jollibee.

Binato niya sa'kin 'yung panyong ipinapamunas niya sa mukha ko kanina. "Para kang sira. Kumain ka na nga lang."

Pero hindi parin kami matigil sa kakaasaran. Miya miya pa, bigla siyang nagseryoso.

"Ito ang tatandaan mo, Summer. Binigyan natin ng chance ang sarili natin to fall for each other. But that doesn't mean na we're already crossing the line of being together. Sinasabi ko na sa'yo, gegerahin ako ng Tatay mo." Bahagya siyang napangiti. "For keeps, di ba? Hindi ka pa magbo-boyfriend hangga't hindi pa tayo tapos sa pag-aaral. For now, hayaan mo na munang kami ng utak mo ang mag-on."

Medyo nalungkot ako sa ideyang ang utak ko lang ang may karapatang lumandi at hindi ako. So karibal pala kitang utak ka? Buti pa kayo, magjowa na. Hays.

"Alam ko," sambit ko. "Pero umamin ka muna."

"Na ano?"

"Hindi sa dahil mawawalan ka ng travel buddy kaya ayaw mo akong makitang kasama ni Apollo, kundi nagseselos ka kay Apollo Cruz mismo."

Nasamid siya pagkasabi ko no'n kaya't naubos niya bigla yung tubig naming dalawa. "Sorry," tumayo siya para punuin muli ang baso namin saka ulit nagsalita. "'Wag mo naman akong biglain ng gano'n."

Natawa ako. "Ano nga?" Bumuntong hininga siya.

"Oo na," nahihiya pa ang luko. Kinilig naman daw ako. "Ayoko kasi nung way ng pagtingin niya sa'yo, parang may balak na masama. Saka ayoko rin na makikitang may ibang nagpapasaya sa'yo, liban sa'kin."

Tae naman, Diaz. May nakain ka bang gayuma? Nako. Kahit hibang na hibang naman ako sa'yo, 'di kita magawang gayumahin. Ano ba talagang nakain nito?

"May tanong ako," matapos ko siyang marahang tadyakan sa ilalim ng mesa, nagsalita ulit ako. Nag-gesture siya na ituloy ko ang sasabihin kaya't itinuloy ko naman. "What made you think that you like me? I mean, hindi ka naman nagayuma? Nakulam? O nabarang?"

Tumawa siya nang makitang seryoso ang mukha ko. "Sa tingin mo, buhay pa kaya ako kung sakaling nabarang ako?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi pa naman ako nakakakita nu'n in person, eh."

Lalo siyang natawa. "Paano mo nasabing nabarang ako, eh, wala ka namang proof?"

"Kaya ko nga tinatanong, eh."

He held my hand and a beat skipped inside my heart.

"Yesterday, I was observing you. Akala ko magte-take advantage ka noong sinabi kong tayo talaga nung tanungin tayo ni Freya. I was hoping that you would confess but you didn't. Du'n lang rin ako nauntog sa katotohanang habol ako ng habol sa isang tao, well in fact, may isang tao naman na hinihintay na pansinin ko siya. And for the record, I meant it nang sinabi ko sa'yong ayaw kitang magboyfriend kasi hindi pa ako handa sa mga pagbabago. Only last night I realized that I should keep you because I don't want anyone to hold you or to go near you like I can. Ayoko yung fact na dadating ang isang bakasyon na hindi na ikaw ang kasama ko. You've grown a place in my heart." Sandali siyang tumigil para ngumiti. "Meron ka nang espasyo sa puso ko, Summer. Kahit noong mga bata pa tayo. Kahit na mukha pa tayong gusgusin noon, alam kong ikaw lang ang gusto kong kalaro. Kapag nga hindi tayo nagtataya-tayaan noon kasi pinagbabawalan ako ni Mama, alam mo naman, sakitin ako, nagmumukmok lang ako sa kwarto. Hindi mo lang alam, nauna kang magkaroon ng space sa puso ko kaysa kay Freya."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon