Ikalabing-dalawa

54 0 0
                                    

Ikalabing-dalawa

"Kamusta ang lakad niyo ni Eronin, anak?" tanong ni Tatay habang nanonood kami kinagabihan.

Sinunod nga ni Eronin ang pangako niya kay Nanay na bago mag-alas sais ay nasa bahay na ako. Hindi na ako gaanong nagsalita kanina hanggang sa makasakay kami sa punuang jeep pauwi sa lugar namin. Hindi narin naman siya masyadong nangulit pero as Eronin madaldal himself, kwento parin ng kwento. Sumasagot naman ako paminsan-minsan. Kasama na ang mangilan-ngilang pambabara.

Hindi ko na ulit naramdaman ang paglalayas ng tibok sa loob ng puso ko kaya medyo napanatag ako. Mabuti naman dahil pwede ko pang masabi na baka pagod lang 'to.

'Yung totoo, Summer? Napagod sa kauupo? Umirap ako sa aking sarili. Sino ba kasing niloloko ko? Ay, basta. Ayoko na munang isipin ang pusong ito. Ke aga-aga pa eh gusto nang makipag-agawan kay brain.

Takte kasi Diaz, eh! Bakit ba ang bait mong ulupong ka?

"Maayos naman po, 'Tay," sagot ko kay Tatay habang nakatutok ang mata niya sa T.V. na ang palabas ay mga lalaking naglalaro ng basketball. Hindi ako masyadong makarelate kaya inabala ko ang sarili ko sa pags-sketch sa drawing pad ko. "Karamihan naman po ng mga nireview namin ay lumabas sa exam. May mga hinulaan lang po ako na mangilan ngilan pero mukhang ayos naman po. Sana po, ayos lang."

Batid siguro ni Tatay na dagli akong kinabahan sa ideya ng hindi pagpasa kaya ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko saka pa ginulo ang aking buhok. "Okay lang 'yan, anak. May tatlo ka pa namang choice. Kasama naman sa buhay ang ma-disappoint."

"Wow. English 'Tay, ah."

Tumawa siya sabay taas ng kamay dahil nag-shoot ang bato ng isang maitim na lalaki sa T.V. "Walang kupas talaga 'to." Bumaling siya sa'kin. "Ganu'n talaga, anak. Si Nanay mo lang naman ang inaamag na ang vocabulary. Siempre kailangan 'in' din ang parents paminsan minsan, di ba?"

"Sinong inaamag?"

Napalingon kami nang magsalita si Nanay sa likod. Lumapit siya kay Tatay bago niya pa ito piningot. Panay naman ang sorry at aray ni Tatay.

Ang cute talaga nitong dalawang 'to, eh, isip ko. Kinuwento nga pala nila sa'kin dati kung papaano sila nagsimula. Mortal enemy daw sila. As in. Sabi ni Nanay ay mayabang daw si Tatay kaya kahit hindi pa niya ito lubos na kakilala ay galit na galit na siya rito. Ang sabi naman ni Tatay, pa-cute raw si Nanay. Inakit daw siya nito kaya nagpapikot nalang siya.

Ang kulit nila noong nagkukwento sa akin kaya hindi ko na alam ang papaniwalaan ko. Basta ang isang bagay na natuwa ako ay noong hindi na nakatiis si Tatay kaya't napaamin siya kay Nanay na gusto niya ito. Araw araw niya itong niligawan. Pinatunayan niya sa mga magulang ni Nanay na kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay kaya niyang buhayin ito at kaming mga anak niya. Mahusay naman na tinutupad iyon ni Tatay. At ramdam na ramdam namin ang wagas niyang pagmamahal.

"Tulog na si Rain?" tanong ni Tatay kay Nanay na ngayon ay pinapagitnaan na namin sa sofa. Pansamantala kong ipinahinga ang kamay ko sa paghawak ng lapis.

"Oo. Ang tagal nga bago matulog. Akin pang ipinaghele nang matagal." saad ni Nanay.

"Mahal," tawag pa ni Tatay.

"Bakit?"

"Inaamag na talaga ang bokabularyo mo!"

Humahalakhak si Tatay noong hampasin siya ni Nanay ng unan sa mukha. Sapul eh. Tumayo na ako bago pa maging horror-themed ang inisketch kong lomi at tinapay.

Ang haharot, natatawang sabi ko sa isip ko bago pumasok sa kwarto nang makita ko silang nagkikilitian.

Sa kwarto ko itinuloy ang pagdo-drawing. Konting pag-outline pa ay matatapos na ako. Maitatabi ko narin ito sa Memento Box kasama ng iba ko pang sketch pad.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon