Ikasampu
"Manong! Sandali lang po!"
Nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw si Eronin habang umaandar paunti-unti ang jeep.
"Bakit?" maagap kong tanong habang hinihila niya ako pababa ng sasakyan.
Napansin pa kami ni Freya na agad ngumiti pero agad ring nangunot ang noo nang makita kaming bumababa. Kahit 'yung ibang mga pasahero, nagtataka rin.
Hindi na ako nakaimik hanggang sa pinagmamasdan nalang naming umalis 'yung jeep. Hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa aming tanaw.
Sinamaan ko nang tingin si Eronin na nakaakbay na naman sa'kin. "Paki-explain nga ho kung bakit tayo bumaba? Sayang pamasahe, Diaz!"
Naiinis kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko pero agad niya itong binalik. Isinasabay niya ako sa paglalakad kaya't nadadala ako. Nakakairita talaga kapag mas malaki ang humihila sa'yo. Dati naman mas malaki ako sa kanya! Grr.
"Ibabalik ko nalang sa'yo 'yung pinamasahe mo," aniya hindi makatingin sa'kin.
Nagtaas ako ng kilay kahit hindi naman niya nakikita. "Yabang mo rin, eh. May pera ka pa ba, aber?"
Ang lakas nitong makasabi ng ibabalik, eh nakita ko laman ng wallet niya, limang piso nalang!
"Meron, siempre."
Lalong tumaas ang kilay ko. Sa dami ng binayaran sa school para sa graduation at sa reviewer, ang alam ko, naubos na ang pera niya. Tapos nilibre niya pa ako ng lunch kanina kaya alam ko talaga, wala na siyang pera.
"Nasaan? Ilabas mo."
Sa halip na dumukot sa bulsa, ngumiti lang siya.
So ano 'yan, Eronin? The Million dollar smile?
Akala niya yata, bebenta sa'kin ang ngiti niya ngayon. "Oy, magtigil ka. 'Yung utak ko lang ang kinikilig d'yan sa ngiti mo. Nasaan? Ilabas mo."
Inilahad ko sakanya ang palad ko para hingiin ang syete pesos na pinamasahe ko kanina sa jeep. Lumapad lalo ang ngiti niya.
"Ano?"
"Mamaya, sa bahay," sagot niya.
Sinikmuraan ko nga. "Puro ka naman kalokohan, eh."
"Napaka-kuripot mo talaga," aniya sabay tawa. "Promise, pagdating sa bahay, ibabalik ko sa'yo. Alam mo namang lagas ang pera ko ngayon dahil sa dami ng school fees. Mimiya nalang, ha?"
"So maglalakad tayo ngayon?" Sinamaan ko siya nang tingin. Tumawa ulit siya.
"Parang gano'n na nga."
Nagbuntung hininga nalang ako. "Ano bang magagawa ko? Tara na."
Matagumpay siyang ngumiti sabay higpit sa braso niyang nakaprente sa balikat ko.
"Wala ka na ring pera, ano?" panunudyo niya. "Kung may pera ka kasi sigurado akong 'di ka papayag maglakad. Pwera nalang siempre kung may pinag-iipunan kang libro."
"Tay, ikaw ba 'yan?" Humalakhak siya. "Para kang si Tatay, ah. Kilalang kilala mo ako."
"Siempre. Mukha mo ba naman nakikita ko lagi," pang-asar ang mga ngiti niya.
"Bakit parang disappointed ka?" balik ko.
"Medyo lang," sabay tawa. Batukan ko nga, siraulo, eh! "Joke only."
Ilang minuto rin kaming naglalakad lang habang patingin tingin sa kalsada. Ako ang unang nagsalita.
"Eronin."
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Fiksi RemajaFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018