Dalawampu't Isa

18 1 0
                                    

Dalawampu't Isa

"Nabalitaan ko na binabalak mo raw ligawan itong ate namin. Totoo ba 'yon?"

Seryoso si Tatay. Sobrang seryoso na halos hindi na nakapagsalita si Eronin nang titigan siya nito.

Nasa hapag kami at kumakain kaming lahat nang basagin ni Tatay ang katahimikan gamit ang makapigil-hiningang tanong na 'yon. Malayong-malayo ang pakikitungo niya kay Eronin nitong mga nakaraang araw-- at taon-- kumpara ngayon. Parang hindi sila magkakilala. Parang ngayon lang siya nakita ni Tatay. Kaya grabe na ang panic ko sa aking sarili.

Sabi na! Sabi na, eh! Dapat talaga hindi na kami tumuloy.

"Opo, pero--

Sasagot pa lang sana si Eronin ngunit mabilis siyang pinutol ni Tatay. "Kailan pa ito?"

Halata sa mukha ni Diaz ang kaba habang nakikipagtitigan kay Tatay. Kami ni Nanay, kasama si Rain, ay tahimik lang na ngumunguya sa likod ng usapan nila.

Ganito ang set-up: nakaupo si Eronin sa tabi ko habang iniihaw kami ng mga tingin ni Tatay na hindi ko ma-imagine na kaya niyang ibigay kay Eronin.

Bakit gano'n, brain? Akala ko ba boto ang Father-dear mo kay Diaz? Anyare na? Nakahithit ba ng panis na laway 'yan?

Sobrang nanginginig na ang tuhod ko sa ilalim ng mesa. Buti na lang tago. Buti na lang walang nakakakita. Buti na lang walang nakakapansin na konting push na lang, mawawala na ako sa ulirat.

Baby naman kasi, eh. Dapat talaga hindi ka na pumunta, isip ko. Pero shungang Summer, ano namang iisipin ng mga magulang mo kapag in-indian sila ni Eronin?

Umiling ako sa aking sarili bago ipinagpatuloy ang usad-turtle na pagkain. Very wrong, 'teh.

Naramdaman kong nagkapawala si Diaz ng mahinang paghinga saka sinagot ang tanong ni Tatay.

"Noong pasukan pa po, pero ano po kasi--

Ngunit subalit datapwa't pero! Pinutol na naman siya ng akin ngayong nakakatakot at tila mangangain ng taong ama.

"Bakit hindi kami ang una mong kinonsulta?"

"Pasensya na po pero--

"Dapat nagsabi ka muna sa amin."

"Kasi po hindi naman po namin akalain na--

"Alam ba ito ni Noli?"

"Opo. Nagpaalam po ako sa kanila ni Mama. Sab--

"Gusto mo ba talaga ang ate namin?"

Parang kidlat, sunod-sunod ang bato ng mga tanong ni Tatay. Pero nang lumabas ang pinakahuling tanong na 'yon at sagutin ng sobrang bilis, determinado, at sobrang kaseryosohan ni Diaz, ay tila may dumaang anghel sa lamesa.

"Gustong-gusto po."

Natahimik kaming lahat. Nakaawang ang mga labing nakatingin lang kay Eronin.

At si Tatay. . .

Si Tatay! Biglang ngumiti.

Nilingon niya si Nanay at teka... tama ba ang nakita ko? Kumindat siya!

Hala. Ano ba 'to? Nasa gag show ba ako? Parang timang akong luminga-linga sa paligid. May camera ba dito? Anong trip nitong dalawang 'to?

"Bueno, tapusin na ninyo ang pagkain," pagsingit ni Nanay na napapailing na lang habang nangingiti sa ibinigay ni Tatay sa kaniya.

Gusto kong magpagulong-gulong sa sahig at itanong kung ano bang nangyayari sa mga magulang ko. Ngunit nang magpakawala si Eronin ng isang kampanteng pagbuga ng hininga, alam kong tapos na ang paghihirap niya.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon