Ikalabing-lima

36 0 0
                                    

Ikalabing-lima

Maaga akong natulog kahapon dahil sobra akong naistress kay Apollo Cruz. Ngayon ko lang din nabasa ang mga text messages ni Eronin kagabi.

'Nandito na ako sa bahay, Summer. Sana maayos kang nakauwi. :)'

'Kumain ka na. 'Wag papagutom.'

'Goodnight, Summer Madrigal. See you tomorrow :)'

Bumangon ako sa kama ko para maghilamos, magsipilyo, at magdasal.

Lord, bigyan niyo po ako ng lakas para magtapat kay Diaz. Nawa po'y hindi niya ako paslangin. Nawa'y hindi niya ako sigawan. Nawa'y hindi niya ako kutusan.

"May sakit ka ba, Summer?" nagulat ako sa tanong ni Tatay habang sabay-sabay kaming kumakain ng agahan. "Bakit parang ang putla mo?"

'Tay, malala po ang sakit ko. Sa ulo. Katangahan po ang tawag. Sobrang katangahan.

"Wala po ito 'Tay," umiling ako. "Gutom lang po ako."

Hindi na naman siya nagtanong pa. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa ako ang naunang tumayo kasi baka malate na ako sa school, hindi pa kasi ako nakakaligo.

Pumasok ako sa banyo dala dala ang tuwalya ko at isang napkin.

Nyemas. Dinugo na nga ako ng tuluyan. Dahil ba 'to sa mga nangyari kahapon?

Matapos akong maligo, nagbihis na ako, nanghingi ng baon kay Nanay, humalik ka Rain, magmano kay Tatay, at i-check kung may nakalimutan ba akong ilagay sa bag, sa wakas, nakalabas na ako ng bahay.

Hindi na ako nasorpresa nang madatnan si Eronin sa upuang bato sa harapan ng bahay namin. Doon niya ako palaging hinihintay. Oo, ako na ang magandang hinihintay.

"Kanina ka pa d'yan?" pagkuha ko sa atensyon niya. Busy-busihan kasi ang lolo mo sa kanyang selpon.

"Oy," nilingon niya ako. "Good morning."

"Nasira na ang umaga ko. Nakita kita, eh."

"Ikaw. Palagi mo nalang sinasaktan ang damdamin ko."

Umarte na naman ang ulupong. Hmp. Sarap mong halayin dahil sa sobrang cute mo, alam mo ba 'yun, baby? Ha? Alamobayooon?

"Biro lang," nginitian ko siya. Gumaan ang loob ko bigla dahil sa kanyang presensya. "Good morning din."

Sa ilang segundo, hindi siya gumalaw. Akala ko'y kung ano nang nangyayari sa kanya kaya tinapik ko siya sa braso.

"Ayos ka lang?"

Nagtaka ako dahil bigla siyang ngumisi. "Ayos na ayos ako," aniya. "Puta, Summer. Ngayon lang kitang nakitang ngumiti ng gano'n. Pasensya, ah? Kasi napapamura ako. Haha. Shet. Ang ganda mo pala kapag ngumingiti ka? Ngiti ka na lang lagi, please?"

Kung pwede lang mamatay sa kilig, namatay na ako ngayon. Hindi ako makahinga. 'Yung tibok ng puso ko, dumodoble sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Brain, pwede na ba akong umiyak? O sumakay sa Wrecking Ball? Pwede bang kiligin habang inaagawan kita?

Nakakaloka si Diaz. Hindi ko ito kinakaya!

"Hala," ang tanging nasambit ko. Juice ko! Baka mangisay ako bigla rito.

"'Wag kang mag-blush, Summer. Kinikilig ako, amputa."

Tinignan ko ang kaniyang mukha. Namumula na rin ang mga pisngi niya gaya ng akin. Ang init. Sobrang init!

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon