Ikalabing-pito

29 1 0
                                    

Ikalabing-pito

"Bilisan mo, Summer!"

Malawak ang ngisi ni Eronin habang pinangungunahan ang pagba-bike habang umiikot kami sa Farm ng mga Salgado. Bakasyon na naman, meaning, araw-araw na pagpapaitim at paggagala na naman ang mararanasan namin.

Summer: Ito ang panahong hindi mapaghiwalay ang mukha namin ni Eronin sa isa't isa. Kung pwede lang na doon na ako tumira sa bahay nila at siya sa amin, siguro'y nangyari na. Tila ba may hiwaga ang tag-araw na kami lang ang nakakaunawa. Para bang nakalaan ang panahong ito para sa amin lang. Walang iba. Lalong lalo na; walang Freya.

"Magpahinga naman tayo!" reklamo ko saka itinabi ang bisikleta sa lilim ng isang puno. "Oo na, ikaw na ang mabilis mag-bike! Hindi naman ako lalaban, eh."

Sambakol ang mukha ko habang inaabot ang bote ng tubig sa harapan ng aking bike. Narinig ko siyang tumawa bago siya huminto sa tabihan ng bike ko.

"Gusto mo ba ng mangga?"

Tumabi siya sa akin para agawin ang tubig na aking tinutungga. Nakaawang pa ang bibig ko sa labi ng bote pero walang habas niyang inubos ang laman noon. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na ang totoo ay gusto ko nang mag-cartwheel sa tindi ng kabog ng dibdib ko.

Indirect kiss at its finest. . . Nyemaaaaaas.

Uminit ang pisngi ko.

"Ano?" tanong niya matapos ring agawin sa kamay ko ang takip ng wala nang lamang bote. Tinakpan niya ito saka inilagay sa muli sa harapan ng aking bike. Kunot ang kanyang noo na pinagmamasdan akong tila walang balak sumagot.

"Ha?" Teka. Parang nag-hang ang utak ko.

Tumawa siya sabay abot sa aking ulo para guluhin ang aking buhok.

"Tinatanong kita kung gusto mo ng mangga."

Ngumiti siya saka ibinaba ang kaniyang kamay. Lalong uminit ang mukha ko.

Hala, magpigil ka naman ng kaunting kalandian, Summer! Masyado kang obvious, bruha.

Bago niya pa maisipang alaskahin na naman ako ay agad akong tumango.

"Gusto ko 'yung bubot pa, ha," bilin ko nang makitang patayo na siya at sinisipat na ang mataas na puno kung saan kami kasalukuyang nakatigil.

Muli niya akong binalingan para sabihing, "Alam ko." Saka pa siya nagtaas ng maong shorts at sumampa sa matandang puno na halos taon-taon naming kinukuhanan ng bunga.

"Kumapit ka nang mabuti."

Pinagmasdan ko siyang tila expert na kumakapit sa malulubak na sanga habang ikinakalma ko ang aking sarili mula sa kaniyang makalaglag-panty na ngiti.

Ang cute mo, 'tado.

Bukod sa fascination ni Eronin sa pangongolekta ng Marvel figures, hilig rin niyang umakyat sa matataas na puno na kulang na lang ay mahimatay ka muna bago niya maisipang bumaba. Wala rin siyang arte sa kung ano mang hayop ang nakalagi roon: hantik, gagambang kuryente, bubuyog, o ano pa man. Kapag gusto niyang umakyat sa puno, aakyat siya. Gasgas na ang panuksong "tsonggo" sa kanya kaya hindi ko na siya inaalaska gamit yoon.

Minsan na rin kasi niya akong sinabihang hahalikan niya ako kapag muli ko siyang tinawag na "tsonggo" kaya matagal ko nang binura sa bokabolaryo ang nasabing salita. Kahit na ang totoo ay minu-minuto ko 'yong gustong isigaw sa mukha niya para lang. . . well. . . nevermind.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon