Dalawampu't Lima

12 0 0
                                    

Dalawampu't Lima

"Pwede bang tumahimik na kayo?" asik ko kay Eronin at kay Apollo. Kaninang-kanina pa sila nagsasagutan sa harap ko. Naririndi na ako!

"Hala, bakit ka sa akin nagagalit?" reklamo ni Eronin at itinuro si Apollo sa harapan namin. Katabi ko si Eronin habang kumakain kami ng tanghalian sa canteen. "Wala namang nagsabi na umupo 'yan sa table natin. Bakit ba nandito 'yan?"

Ngumiti sa akin si Apollo, ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Eronin, bigla siyang sumimangot.

"Whatever you say," sagot nito. "I will sit wherever I want. Is this school yours? If not, shut up."

Ramdam na ramdam ko ang inis ni Eronin. Kaya bago pa siya makasabat ulit ay umentrada na ako.

"Pwede bang kumain na lang kayong dalawa para walang gulo? Ang sasakit niyo sa bangs."

Huminga ako nang malalim at nag-concentrate sa pagkain ko. Hindi naman na sila nagsalita at inis na nag-ismiran na lang. Umiling ako.

Grabe.

Dalawang linggo na. Two weeks na na ganito ang set up naming tatlo kaya't nasanay na rin ako. Parehas silang nagbubwisitan sa harap ko. Kung ano-anong pambabara ang ibinabato nila sa isa't isa. Kung makapag-titigan sila, tila malulusaw ang papagitna sa talim ng mga ito. Alam kong ako ang dahilan kaya sila nagkakaganyan, pero minsan, alam mo 'yung nagkakapersonalan na? 'Yung sa tingin ko'y kahit wala ako ay ayaw pa rin nilang madikit sa isa't isa?

They really hate each other's gut. Maiwan lang yata sila sa iisang proximity ay may sasabog na isa. At kung hindi nila ako kasama, siguro ay nagka-giyera na. Buti na lang at palaging nakabuntot sa akin si Eronin kaya't napipigilan ko ang kung ano mang kakaibang trip nila sa buhay.

"Summer," ani Apollo sa gitna ng pagkain. Hindi ko pa siya nililingon ay ramdam ko na ang talim ng titig sa akin ni Diaz.

"Bakit?" simple kong tanong habang sumusubo ng kanin.

"Do you have plans later? Yayayain sana kitang lumabas."

Kahit halos mabali ang dila ni Apollo sa kakaibang Tagalog accent ay hindi ko napigilan ang dagliang kaba. Parang nag-slow mo ang paligid. Napatigil rin ako sa pagnguya. Tinitigan ko siya na para bang siya na ang pinaka-hibang na tao sa universe.

Sersyoso ba 'to?

"H-ha?" wala sa sarili akong napatingin kay Eronin.

Oo, sanay na ako sa bangayan nila. Pero, susme. Hindi na yata ako masasanay sa mala-tren na bunganga nitong si Apollo. Living definition ng Straight-to-the-Point!

Katulad ko ay kapansin-pansing napatigil rin sa pagnguya si Eronin. Kung may isasama pa ang tingin niya kay Apollo ay siguro nangyari na.

Diyos ko, Lord. Ang bata ko pa po para mamatay sa sakit sa bangs!

Narinig kong umubo si Apollo kaya't bumalik ang tingin ko sa kaniya. Noon ko lang na-realize na hindi pa pala ako sumasagot.

"Summer?"

Hinihintay niya ang sagot ko. He really looked hopeful. Tila kumikislap ang mga mata niya sa pagbabakasakaling papayag ako.

"Apollo kasi. . ." hindi ko maituloy. Ako ang nasasaktan para sa kaniya. Wala naman akong intensyong makasakit. Matagal ko na siyang pinigilan, pero ito pa rin. Nandiyan pa rin siya. Hindi tumitigil kahit na sabihin kong si Eronin lang talaga.

Nagbuntong-hininga ako. Paano ba 'to?

Siguro, kung katulad lang ako ng ibang babae, matutuwa ako na pinag-aawayan ako ng dalawang lalaki. Pero hindi ako gano'n, eh. Alam ko sa sarili ko kung sino ang gusto ko. At nasasaktan ako kasi kaibigan ko si Apollo.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon