Eronin (III)

16 0 0
                                    

Eronin (III)

Lumipas na naman ang isa pang sem.

Ganoon pa rin ang routine ko. Tinitignan siya sa malayo habang kasama niya si Apollo.

Naiinis ako, nagseselos, at nagagalit. Minsan nang pumasok sa isip ko na tanggapin kung ano na ang buhay namin ngayon. Sa nakikita ko naman, masaya siya kay Apollo. Napapagaan nito ang loob niya. Nagagawa niyang kalimutan ako at hindi pansinin kahit halos kahanay ko lang siya ng upuan sa canteen.

Kahit pwede na kaming mamili ng gusto naming block noong enrollment, mas pinili ko pa rin na lumayo. Kasi ayoko na siyang guluhin. Kung masaya na siya sa buhay niya ngayon, hindi ko na 'yon sisirain. Magiging masaya na lang ako para sa kanya. Magiging proud na lang ako sa mga naagagawa niya at nararating niya sa buhay.

Nandito pa rin naman ako, eh. Lumayo lang ako, pero hindi naman ako nawala.

Sapat na sa akin na makitang suot niya pa rin ang for keeps ring na ibinigay ko sa kaniya noon. Kahit iyon lang, okay na ako. Kahit iyon lang, kuntento na ako. Kasi alam ko na kahit papaano, hindi niya pa rin ako mabitawan. 'Yung kakaunting alaala na ginawa namin, hindi niya pa rin pinakakawalan.

"Pwede bang mag-time out ka muna sa kumumukmok at sumama ka sa amin ni Gella?" tanong sa akin ni Freya. "Bar lang kami mamayang gabi."

"Hindi ako mahilig uminom."

"Halata nga." Tinawanan niya ako. "Kaya dinidibdib mo lahat ng sakit kasi hindi ka marunong uminom."

"At hindi matututo. Kaya pwedeng kayo na lang."

"Okay." Nagkibit-balikat siya. "Sigurado ka na ba d'yan?"

"Pusta ko ba Marvel collections ko."

"Uy, seryoso! Chill." Pabiro niya akong sinuntok sa braso. "Sige, mauna na ako. May gagawin pa ako sa bahay, eh."

"Okay."

"Okay? Okay lang? Wala man lang ingat?"

"Marunong kang mag-inom kaya marunong ka rin dapat mag-ingat," sagot ko. "Sige na."

"Wow," sabat niya. "Kundi ka lang broken hearted, nakutusan na kita."

Si Freya na mahinhin, mayumi gumalaw ay binago ng sakit na naramdaman niya. Sa pagiging malapit namin nitong mga nakaraang buwan, nakikita ko kung papaano niya sinusubsob sa alak lahat ng sakit ng paghihiwalay nila ni Pol. I never asked about it and she never tell it. Basta alam ko lang na masakit para sa kanila ang break up nila, then that's it, Freya became my partner in misery.

Hindi man romantic, atleast once in our life, we became partners.

And I wonder. . .





What kind of partner is Apollo to Summer?

-&-

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon