Ikalabing-anim
"Diaz, peste ka! Kinakabahan ako!"
Panay ang siksik ko sa gilid ni Eronin habang nakikipagbaldahan kami sa mga aspiring students na inaasam-asam ring makita ang pangalan nila sa listahan ng nakapasa sa entrance examination ng Pamantasan ng Calagayan.
Ngayong araw ay ang pag-release ng mga passers kaya ganoon na lamang ang pagdarasal at pagrorosaryo ko kagabi.
Tinatawag ko ang lahat ng mga santo, pumikit ako para mas taimtim. Juice ko. Tulungan niyo po ako.
Narinig kong tumawa si Eronin bago niya ako inakbayan na ikinalusaw naman sa kilig ng aking haliparot na utak.
Brain, so nakukuha mo pang lumandi sa halip na isipin ang pagpasa para mas matagal mo pang makasama ang baby mo? I-dissect kita, eh. Makita mo.
"Tiwala lang, makakapasa ka r'yan," bulong niya.
Utang na loob, baby. Mamaya mo na ako landiin at baka masukahan kita sa sobrang intense ng pagta-tantrums ng heart ko.
"Paano kapag hindi?"
"Kung hindi..." ngumiti siya bago hapitin ng husto ang aking katawan. Hokage 101 version Eronin Diaz. "...edi hindi."
Tumawa siya na ikinaasar ko kaya nasiko ko siya sa ribcage ng wala sa oras.
Gago talaga 'to!
Kung kailan mo kailangan ng moral support, eh, saka ka naman dadalihan ng patarantado moves. Mahusay, Diaz. Napakahusay mong peste ka.
"Gusto mo bang ihambalos ko 'yang bulletin board sa'yo?" nilingon ko siya para tignan ng masama. Siraulong 'to. Puro kalokohan! "Salamat talaga sa moral support mo, ha. Nabawasan talaga ang kaba ko. Very much appreciated."
Kung nakakarating lang sa kalawakan ang pag-irap, nandoon na siguro ang mga eyeballs ko.
Lecheng Diaz 'to! Pasalamat ka syota mo ang haliparot na utak ko. Kundi, nahampas na kita ng paleta sa pagmumukha!
Humahalo sa ingay ng mga excited na boses ang mga pagsasalita namin pero hindi iyon hadlang para marinig ko ang nakakairita niyang pagtawa.
"Ito naman, biro lang."
"Biro mo mukha mo," singhal ko. "Kapag lang hindi ako nakapasa r'yan, ipapalulon ko talaga sa'yo 'yang tiwalang ipinagmamalaki mo."
Ramdam ko ang mabilisang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Diaz habang hinihila niya paunahan ang aming katawan upang kami naman ang mag-scan ng pangalan sa listahan sa bulletin board.
Naka-sort ang bawat passers base sa kurso kaya humawi kami ng kaunti para ibaling ang tingin sa ibaba ng may malaking legend na Information Technology.
Juice colored. Ito na.
Hindi ko na matandaan kung nakailang sign of the cross na ba ako bago umalis sa bahay o nakailang ulit ako sa pagrorosaryo nitong mga araw na lumipas. Basta isa lang ang malinaw sa isip ko: dapat makapasa ako rito dahil sasakalin ko talaga ang utak kong puro kalandian lang ang alam.
Kinakabahan akong nilandas ang bawat letrang kung saan maaaring nakasulat ang pangalan ko.
H.
I.
J.
K.Susme. Para akong maiihi sa kaba. Makapasa lang talaga ako rito, babatiin ko talaga si Chan Sy bukas ng "Congratulations dahil graduate ka na!" with matching oh-so-sweet smile pa. Seryoso.
"Yes! Nakapasa ako!"
Hindi ko namalayang nakapikit na pala ako noon nang bigla akong magmulat dahil naramdaman kong itinaas ni Eronin ang mga kamay niya. Bukod pa roon, walang habas niya akong pinisil sa magkabilang balikat. Manghihina na sana ako dahil sa kilig pero peste, nilalamon ako ng kaba.
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018