Dalawampu't Walo

8 0 0
                                    

Dalawampu't Walo

"Tapos na kayong magpapirma?" tanong sa amin ni Christin pagkalabas namin ng Pamantasan.

I can't believe na lumipas na agad ang limang buwan at nasa second sem na kami. Akalain kong nakayanan ko ang unang bira ng college life? Akalain kong hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago sa akin si Diaz?

Wala pa rin siyang kasing baliw, kasing maalaga, at kasing sweet. Minsan nga lang, tinotopak pero gano'n pa rin. Ipinapakita at ipinaparamdam pa rin niya na seryoso siya sa akin. Sa kung ano mang kakarampot na ugnayan na mayroon kami. At wala na akong mahihiling pa.

"Tapos na kami," sagot ko kay Christin na agad na lumapit sa amin para paghiwalayin kami ni Diaz.

"Maglayo naman kayo. Akin muna si Summer," mataray na sambit ni Chritin kay Eronin saka isinukbit ang braso niya sa braso ko. "Kahit crush na crush kita, pipiliin ko pa rin si Summer kaysa sa'yo 'no." Inilayo ako ni Christin sa grupo saka ako iniupo sa isang bench. "Pero Summer, 'pag ayaw mo na kay Eronin, bigay mo na lang sa'kin, ha? Charot."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Luka-luka talaga 'tong babaeng 'to.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla na lang kami nag-click lahat. Kaming magtotropa. Even si Apollo, kasama na namin sa grupo. Of course, nandoon pa rin ang minsanang pag-aaway nila ni Eronin, pero marunong na sila ngayong magtimpi. Hindi katulad dati na kulang na lang ay magkabasagan ng mukha bago may tumahimik.

Hinihintay ko na lang ang panahon na magkakasundo sila kahit sa isang bagay lang.

As for Christin, yes, mataray siya pero noong nakasama ko siya—sila nila Jaya at Emma—doon ko lang nalaman kung gaano sila kabaliw at kakalog. And it feels good to find friends like them. Noong highschool kasi ako ay hindi ko naranasan iyon.

"So anong plano niyo ni Papa Ero sa sem break?" tanong niya. "Magiging ninang na ba ako?"

"Grabe." Pakiramdam ko'y uminit bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ito na yata ang attitude ko na hindi ko na kailanman mababago: ang mahiya na pag-usapan ang buhay ko kasama si Eronin. Siyempre naman, alam nila ang tungkol sa arrangement namin ni Diaz. Pero hindi pa rin ako ganoong kakomportable na pag-usapan 'yon. Unless, kaming dalawa lang ni Eronin.

"Okay. Okay! No more questions regarding you two! Quit blushing, girl!" Tatawa-tawa niya akong hinampas. "Baka sabihin pa ng overprotective mong jowa, sinasaktan kita."

"Jowa ka d'yan."

"Fine! Just don't freaking blush!"

Tawa nang tawa si Christin sa tabi ko nang lumapit sa amin sina Emma at Jaya.

"Christin, girl. Hinahanap ka ni Apollo," ani Jaya na agad nagpaikot sa mga mata ni Christin. "Yieeh!"

"Hoy. Magtigil ka nga, bruha."

"Bakit ayaw mo nang inaasar kita do'n? Siguro gusto mo si Apollo 'no?" asar pa ni Jaya.

"Yuck! Over my dead body!"

Defensive na umirap si Christin at nagtawanan naman kaming tatlo nila Emma. Simula kasi nang maging leader 'yung dalawa sa debate namin sa Eng1, hindi na sila makausap ng maayos. Palaging nagsisigawan. Walang nakakaalam kung anong nangyari sa dalawang 'yan matapos ang araw na 'yon, pero that day, nagsimula nang sumama sa amin si Apollo at nagsimula na rin ang aso't pusa nilang awayan.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon