Ikalima

47 1 0
                                    

Ikalima

'Summer. Labas ka na. Palabas narin ako ng bahay :)'

Sama-sama kami ni Rain at Nanay na nakanganga sa T.V. nang mag-text si Eronin. Katatapos lang naming kumain, maghugas ng pinggan, at magwalis ng bahay. Basically, wala na kaming ginagawa.

Kanina pa ako nagpaalam kay Nanay na lalabas ako kasama si Eronin. Hindi niya sana ako papayagan dahil wala daw itong sinabing lugar kung saan ako dadalhin pero matapos ang ilang minutong pag-iisip, pumayag rin siya nang hindi ko pinipilit.

Bilib din ako sa lakas ng pagtitiwala ng mga magulang ko sa taong 'yun. Minsan naiisip ko kung may pinakain ba si Eronin sa kanila at ang bilis lang nilang ipagkatiwala ang nag-iisa nilang babae sa gwapo- este damuhong kapitbahay.

Mga 30 minutes na akong nakapaghanda sa lakad namin, (oo, ako na ang excited) kaya lumabas nalang ako para tagpuin siya. Kumiss lang ako kay Rain at nagpaalam na kay Nanay bago ako umalis ng bahay.

"Ang ganda naman ng pseudo-girlfriend ko," bungad niya sa'kin na ikina-init ng mukha ko at the same time, ikinasikip ng dibdib ko.

Maka-pseudo naman 'to. Ipamukha ba talaga sa'king hanggang fake relationship lang ako bagay?

Napansin niya yatang nalungkot ako kaya bigla siyang napatanong ng, "Bakit? May problema ka ba?"

Agad naman akong umiling at nagdikit ng pekeng ngiti sa mukha. "Wala. Ang pangit mo kasi kaya nabadtrip ako bigla."

Wow, Summer. Hindi ka lang sa pagka-hopia kumo-quota, ah, sa pagka-in denial rin. Try mong maglaslas minsan.

As usual, tumawa siya sabay akbay sa'kin. Hokage 101 rin 'tong si Eronin e. Although wala namang malisya para sa aming dalawa, kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Suot niya pala 'yung regalo kong polo shirt na kulay blue na binili ko sa Divisoria. Siya kasi ang nabunot ko sa Kriss Kringle noong nakaraang Christmas party. Bagay na bagay sa kulugo. Blend lang sa kulay niyang neutral. Hindi maitim pero hindi rin gaanong maputi.

Ako naman, gaya ng palagi kong suot, plain white t-shirt lang saka jeans.

"Naks. Tapos na C.A.T. Bakit naka-uniform ka pa?" pang-iinis niya sa'kin. Ganoon kasi ang uniform namin sa subject na C.A.T. na katatapos lang namin i-take last last week. Bago naman kami maka-survive doon, eh, choko na batok na ang nakuha namin. Salamat kay haring araw.

"Korni mo." Inirapan ko siya.

"Nagbibiro lang."

"You better be joking kung ayaw mong masapak."

"Bakit ang conyo mo," natatawa niyang utas. "Epekto ba 'yan ni Apollo?"

Hinangin bigla ang ulo ko nang marinig ko ang pangalang iyon mula sa bibig niya. Bakit naman biglang napunta sa usapan si Apollo?

Hinampas ko siya sa sikmura. "Para kang tanga," iritableng sabi ko. "Ano bang problema mo kay Apollo? Saglit lang naman kami nag-usap nu'n. Wala pa ngang isang oras, eh."

Kung makapagdepensa ako ay parang ang laki ng ginawa kong kasalanan. Naks naman brain, may trust issues ba kayo ng baby mo at kailangan mo pa talagang mag-generate ng explanation?

"Tinatanong ko lang," aniya. "Pagkatapos mo kasi makipagkwentuhan sa anak-araw na 'yon, napapadalas na pag-eenglish mo."

"Sabihin mo na agad kung may problema ka do'n. Para masapak na rin  kita agad."

Tumawa siya pero saglit lang. Hinigpitan niya ang pag-angkla sa balikat ko sabay sabing, "Wala naman akong problema kung makipag-usap ka sa tisoy na 'yun. Ang akin lang, bali-balitang playboy 'yun kaya babalaan na kita ngayon palang. 'Wag kang papaloko sa ungas na 'yon."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon