Dalawampu

24 0 0
                                    

Dalawampu

Natigil sa pag-rotate ang mundong nabuo sa mga mata naming dalawa nang biglang may nag-ring. At base sa ringtone ay sa akin.

Panira ng moment!

Manginig-nginig pa ang kamay ko habang inilalabas sa bulsa ang cellphone na hindi ko mawari kung panira ba talaga ng moment o blessing in disguise.

Totoo bang mahal mo na ako, Summer Madrigal?

Nyemas. Hindi ko kinakaya ang mga tanungan nitong ni Diaz. Kapag ba sinagot ko siya, anong sasabihin ko? Na oo? Na matagal na?

Alam kong magmumukha na namang chopsuey ang mga salita sa utak ko kaya isang malaking THANK YOU LORD.

Aminado na naman ako sa sarili ko na mahal ko na nga talaga ang isang Eronin Diaz. Sang-ayon na rin sa bagay na 'yon si Heart na ginegyera na ngayon ni Brain dahil may official karibal na siya. Pero, pero, pero! Hindi pa handa ang katawang lupa ko na isiwalat ang katotohanan. Pakiramdam ko'y mako-comatose ako ng ilang buwan sa hospital kung natuloy ang pag-amin at pagsagot ko sa tanong niya.

Tinignan ko muna ang Caller ID sa telepono ko bago ko ito sagutin.

"'Nay, bakit po?" bungad ko.

"Nasa Farm pa rin ba kayo, Summer?"

"Opo."

Iminuwestra ko ang katagang "Nanay" kay Eronin nang tignan niya ako ng patanong. Tumango naman siya at nanahimik.

"Umuwi kayo nang maaga, ha? Aalis raw si Tatay sa trabaho nang maaga at nagpaalam na siya sa kaniyang amo kahapon pa. Huwag kayong masyadong magpapainit at baka kayo'y mahilo at ma-heat stoke. Iyong tubig na baon mo ba'y sapat na para sa inyong dalawa?"

"Opo."

"Osiya, sige. Tumawag kapag kailangan, ha? Mag-iingat kayo riyan."

"Opo, 'Nay. Salamat po."

Saka nawala ang linya.

Bumaling ako kay Eronin at asdfghk!

Heart, brain, pwede na bang agawan ko kayo? Punyemas na ngiti ng Baby niyo, nakakatuyot ng obaryo!

"Bakit?" pairap na tanong ko kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang sambahin sa kagwapuhan.

Umiling si Eronin saka pa tumayo matapos hilahin ang kamay ko.

Okay. Brain, kalma. Ikaw Heart, mas kalma! Ang malisyoso niyo na nowadays. Dati naman kahit magbunong-braso kami ay wala kayong pake.

Tinahak namin ang daan papuntang tore ng isang telecommunications company, saka kami naupo sa upuang kahoy na nakapwesto sa mismong labas ng gate kung nasaan ang tore.

"Excited ka na ba para sa pasukan?" aniya nang makaprente kami sa pagkakaupo. Tanaw na tanaw ang kagandahan ng Salgado Farm mula sa kinauupuan namin kaya't hindi ko mapigilan ang pagkawala ng buntong-hininga.

Gaano kasarap i-appreciate ang paligid lalo na't katabi mo pa ang taong matagal mo nang hinahalay sa isip mo.

Lord, at lahat ng santong dinasalan ko, thank you.

Bumaling ako kay Eronin upang sagutin ang tanong niya. Excited nga ba ako? "'Yung totoo? Sobra."

"Bakit naman?" Nangunot ang kanyang noo. "Don't you think mas masaya ang bakasyon kaysa pasukan?"

"Syempre naman," pagsang-ayon ko. "Kaso diba, hindi naman natin pwedeng takasan ang pag-aaral. Kasama sa buhay 'yon. Isa pa, college na tayo. Hindi ka ba excited sa first day of school?"

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon